05

8 0 0
                                    

"You're even more prettier when you smile."

Napatulala ako habang ngumunguya sa pagkain. Putcha bakit bigla bigla nalang lumalapit 'yon tapos magsasabi ng ganon? tanga ba siya, ang daming tao tapos lalapitan ako tapos magsasabi siya ng ganon na parang wala lang sa kanya?

"Hoy." Natinag ako nang biglang pinitik ni Tay ang noo ko.

Inirapan ko sya.

"Ano ba."

"Bakit parang lutang ka diyan? I told you, everything will be fine. Hindi ka nila matitiis Jav." He said in a low voice.

I sighed as I nodded.

Hindi naman 'yon ang iniisip ko e. Si Matt! Buti nalang tinawag na siya ng mga kaibigan niya, kung hindi siguro para na akong tanga kakatitig sa kanya at pilit na umaaktong walang epekto 'yon sakin!

"I know." I smiled at him. Alam ko naman talagang magkakaayos din kami, eto yung unang pagtatampo namin sa isa't isa kaya alam kong hindi din ito magtatagal.

"Are you done?" Biglang tanong niya.

"Oo, tara na." Tumayo kami at lumabas na sa canteen. Nilagay ko sa bulsa ng slacks ko ang magkabilang kamay, at napahinto akong nay napansin akong parang papel sa loob nito.

Ano 'to?

Kinuha ko 'yon at binuklat. Halos mapasigaw naman ako sa gulat nang hindi ko sulat kamay 'yon!

"Ano yan?" Tanong ni Tay at umakto naman akong nilukot ko yung papel at nilagay uli sa bulsa ko.

I shrugged. "Trash." Tumango naman siya, buti nalang hindi niya hinablot.

Tiningnan ko yung relo ko at nang mapansing mataas pa ang oras bago ang first period namin sa hapon ay nagpaalam ako kay Tay na may bibilhin.

"Samahan na kita." Pilit niya.

"Wag na, alam kong magsstudy ka pa sa library kaya ako nalang, hindi naman madami ang bibilhin kong materials e." Palusot ko, wala naman talaga akong bibilhin. Gusto ko lang basahin 'yung papel na hindi niya makikita, napansin ko kasi sa sulat na may nakalagay na initial na M sa baba nito.

Hindi ako magkakamali na galing 'yon kay Matt, siya lang naman yung lumapit sakin kanina e. At isa pa wala akong maalala na may nilagay akong papel sa bulsa ko at sabi ko nga kanina hindi ko sulat kamay 'yon.

"Kaya nga sasabayan kita at pagkatapos no'n, sabay tayong magstudy." Pilit niya parin sakin.

Anong gagawin ko?

"Ganito nalang, hintayin mo'ko sa library dahil may kukunin pa ako sa room, tapos pagmatatagalan ako. . ." Huminto ako sa pagsasalita at inisip ang susunod na sasabihin. "Ikaw nalang muna ha, saka minor lang naman 'yung subject natin mamaya e." I bit my lower lip. Pumayag kana Tay!

Ganito kasi kaming magkakaibigan pagkatapos ng lunch, magogroup-study sa library. Kaya lang wala naman yung iba, parang wala din akong gana magsstudy.

"Are you hiding something from me?" Lumiit yung mata niya habang tumitig sa'kin. Napalunok naman ako at umiwas ng tingin.

Putcha naman, ang observant pa naman nitong lalaking 'to.

I faked a laugh. "Gagi, wala no! at alam ko din namang mapapagod ka lang e! alam mo namang halos lahat ng store papasukin ko diba?. . ." Ngumuso ako. "At wala din akong gana magstudy, kasi wala yung iba."

Pumayag kana!

He heaved a sigh.

"Parang iniisip ko tuloy na ayaw mo na akong kasama." Umaakto siya na parang nagtatampo.

Golden Scenery Where stories live. Discover now