"You are not sleeping with me!"

"Who said about sleeping with you?" He mocked. At gusto ni Lilia na kalmutin ang mukha nito sa mga insultong tingin at salitang ibinigay ni Vince sa kanya. "Ang gusto ko lang naman ay matulog sa sarili kong kama. My god, I won't dare touch the likes of you. Kahit na ikaw na lang ang huling babae sa lupa."

"The feeling is mutual!" she almost spat the words.

Marahas na inalis sa katawan ang kumot at nagpupuyos sa galit na tumayo. Nakalimutang ang suot na T-shirt ay mahaba lang nang kaunti sa nararapat. "I'm sleeping downstairs!"

"Oh no, you don't!" ani Vince na bigla siyang
hinawakan sa kamay at hinila pabalik sa kama.
She had never been this angry in all her life. Tumaas-bumaba ang dibdib niya sa galit. Sinisikap pakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak ni Vince subalit tila bakal
ang kamay nito.

"So you wouldn't dare touch me kahit na ako na lang ang huling babae sa balat ng lupa, huh?" pang-uuyam niya, sapilitang bumalik sa puwesto pero nanatiling nakaupo, "Pero bakit ayaw mo akong matulog sa ibaba?"

Hindi agad sumagot si Vince. Inalis ang paningin mula sa nakalantad na mga binti ni Lilia. Hindi matiyak kung sinasadya ng dalagang ilantad ang mga binti o hindi napapansin. But he definitely noticed her legs.

Binitiwan nito ang kamay niya at inabot ang lampshade at sinindihan. Pagkatapos ay humakbang patungo sa switch ng ilaw at
pinatay iyon.

"Bakit kita hahayaang matulog sa ibaba?" wika nito nang bumalik sa kama. "Wala ako kahit na katiting na tiwalang hindi ka gagawa ng paraan para tumakas. At desidido akong dalhin ka at iharap kay Thelma. Wala rin akong intensiyong bumangon sa gabi para maghanap sa isang moron na nawawala sa dilim, kaya humiga ka na at matulog. At patulugin mo na rin ako, okay?"

Hindi sumagot si Lilia. Wala pa siyang kinasuklamang tao tulad ng nararamdaman niya ngayon sa lalaking ito. Nagtatagis ang mga bagang na hinablot niya ang kumot
at itinakip sa katawan.

TAHIMIK na tahimik ang silid, walang ibang maririnig kundi ang banayad na paghinga ni Vince. Mula sa pagkakasandal ay dahan-dahang kumilos si Lilia, ingat na ingat na huwag magising ang katabi.

Pakiwari niya'y tumila na ang ulan, bagama't
nauulinigan pa rin niya ang hangin sa labas. Kanina pa siya sa ganoong posisyon, hindi humihiga at nagngingitngit ang kaloobang pinanonood ang lalaki na prenteng nakahiga at pumikit matapos makisukob sa kumot na ginagamit niya. Na hinayaan na rin niyang solohin ng lalaki kahit na nga ba ginawin siya.

At sumasakit na ang ulo niya dahil kanina pa hinihingi ng katawan niya ang magpahinga. Pero wala siyang magawa kundi ang hintaying makatulog na muna ang lalaki.

Bastard!

At ngayon nga'y mukhang himbing na himbing na ang walanghiya. At kailangan niyang gumapang sa paanan ng kama, and that would make it a thousand times more difficult dahil nakaharang ang isang binti ni Vince doon.
Okupado nito ang halos buong bahagi ng kama.

Kailangan niyang hanapin ang susi, then she'd be free. Tiyak naman niyang hindi nito dala ang mga iyon pagpanhik nito kanina.
Hindi niya maiwasang mapasulyap sa lalaki sa kanyang tabi. And remembered the magnificence of his male body, the perfect proportions. Pagkuwa'y dumako ang mga mata
niya sa mukha nito. Napahinga siya nang malalim. Her abductor was really a handsome man.

Then he stirred in his sleep, na tila nasa gitna ito ng isang erotikong panaginip. Nagpabiling-biling ito. Napigil ni Lilia ang paghinga. Hoping against hope na sana'y hindi magising si Vince.. Gayunma'y kinailangan
niyang maghintay na naman hanggang sa bumalik sa pagiging normal ang paghinga ng lalaki.

ALL-TIME FAVORITE: Sinner or SaintWhere stories live. Discover now