EPILOGUE

345 18 6
                                    

Pagkatapos ng araw na binisita namin si Maya sa kanyang puntod ay umuwi na rin si Kaylee sa States.



Kasalukuyan akong andito ngayon sa sakayan ng tren habang naghihintay na dumaan ito. Ilang minuto rin akong naghintay dahil ito na ang pagkakataon kong tapusin ang aking buhay. Pumwesto na ako malapit sa riles at nang dumaan na ang tren ay tumalon ako sabay sa pagtulo ng aking luha.


Ngunit ako'y nagulat nang wala man lang akong naramdaman na sakit, wala man lang dugo ang dumanak sa riles ng tren, napagtanto ko rin na para lang akong isang kaluluwa sa gitna habang dumadaan ang tren dahil hindi ako natatamaan.



Ilang saglit lang ay biglang dumilim ang paligid at napalitan ito ng nakakatakot na lugar. Andito ako ngayon sa napaka liblib na lugar na parang nasa gitna ng kagubatan. Inilibot ko ang aking paningin at ang tanging nakikita ko lang ay ang mga puno, ano bang ibig sabihin nito?



"Ma?"  Sigaw ko ngunit tanging boses ko lang ang nangingibabaw sa kagubatan.



"Asan ako?"  Naiiyak na sabi ko.



"Ate Dionne!"  Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ni Maya.



"Maya?" 



"Miss na miss kana namin Anak!"   Mas lalo akong nagulat dahil sa narinig kong sabi ni Mama, ang ibig bang sabihin nito patay na ako?



Tanging boses lang nila ang naririnig ko sa napakadilim na lugar na ito. Pinagsisihan ko na ang mga oras na ito, ang oras na kinitil ko ang sarili kong buhay. Ngayon ay andito na ako sa lugar, sa lugar na tahimik ngunit nilalamon ng pait na ala-ala na inaasahan kong mawawala kapag wala na ako sa mundo, ngunit nagkamali ako. Napaupo ako habang umiiyak, humihingi ng tawad sa Panginoon sa lahat ng mga maling ginawa ko.



Sa ilang minutong pagyuko ko ay napapansin kong lumiwanag ang paligid, unti-unting kong inimulat ang aking mata at ngayon ay natatanaw ko ang puting kisame, medyo malabo pa ang aking paningin ngunit alam kong nasa hospital ako.



"Ma, si Ate Dionne gising na!"  Sigaw ni Maya, pero sandali? si Maya, buhay si Maya?



"Teka sandali tatawagin ko muna ang doctor."   Umalis naman si Mama saglit at tumungo sa labas.



"Ate Dionne, buti naman at nagising kana."   Hinawakan ni Maya ang aking mga kamay.



"M-maya?"  Hinawakan ko naman ang mukha niya at niyakap siya ng mahigpit.



"S-sorry Maya."  Bigla naman siyang kumalawas sa yakap ko.


"Sorry?para saan ate?"  Nagtatakang tanong niya.



"Wala lang, namiss lang kita."  Ngumiti nalang ako sa kanya, kahit ngayon hindi parin ako makapaniwala na ang lahat ng nangyari sa akin ay isang panaginip lamang.



Ilang saglit lang ay dumating na ang doctor at tinignan ang magkabilang mata ko.



"After 4 months of sleeping, I would say that you have survive from comatose."  Nagulat naman ako sa sinabi niya.



"Ha? diba nasagasaan ako ng tren?"   Bigla naman silang nagtaka.



"Anong nasagasaan? hindi mo ba maalala na naaksidente ka noong papunta ka sa Tagaytay." 



"Tagaytay? diba kasama ko si Maya noong pumunta kami sa Tagaytay kaya siya nawala sa atin dahil sa akin."   Naiiyak na sabi ko.



"Oo anak kasama mo si Maya ngunit buhay siya ano bang pinagsasasabi mo?"   At ngayon napagtanto ko na talagang panaginip lang ang lahat ng ito. Sinampal sampal ko naman ang sarili ko upang magising sa bangungot na ito.



"Aray."   Bigla naman silang natawa sa ginawa ko.



"Anak, nagpapasalamat ako sa Diyos at buhay ka."  Niyakap niya naman ako ng mahigpit.



"Ma, sorry dahil pinag-alala ko kayo."  


"Okay lang anak basta ang importante buhay ka at buhay si Maya."   Tumango naman ako sa sinabi niya.



Ngayon ko lang napagtanto na ang pagkitil ng sariling buhay ay hindi sagot sa lahat ng mga problema, naranasan kong mamuhay sa mundo na puro problema ang nasa balikat ko, ilang beses rin akong nag attempt na magpakamatay ngunit may mga taong dumadating upang hindi matuloy ito at sa tingin ko ay plano ito ng Panginoon, ang plano na kung saan ipa realize sa akin na may mga tao pang andyan para damayan ka sa lahat ng problema, lahat ng mga taong nasa panaginip ko ay nagsilbing instrumento upang mabuhay pa ako.



Sa ilang saglit na pagmumuni ko ay nakita ko sila Lola Carmen, Luke, kaylee, Jillian at higit sa lahat si Maya na nakatayo sa gilid at ngumingiti. Masaya silang nakita akong muli, ang makita nilang nabuhay ako sa ilang buwang pagkatulog. Sa puntong ito, hindi ito pangkaraniwang pangyayari, isa itong himala. Himala na binigyan pa ako ng pangalawang pagkakataong mabuhay sa mundo at sa oras na ito hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa akin ng Diyos. Ang pahalagahan ang buhay.

The Day I was about to Die [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon