Kabanata 8: Ang Estrangherong Tsuper

Bắt đầu từ đầu
                                    

Malamang ay nabalitaan na nila ang nangyari.

"Okay lang po ako," tangi kong sagot. "Hindi ako napuruhan, wala po akong sugat. Kasama ko po si Isabella at Renald ngayon," dagdag ko pa.

Narinig ko ang malakas na pagbuga nila ng hangin ni papa. Nakakarinig ako ng ingay mula sa mga sasakyan sa kabilang linya, kaya marahil binabagtas na nila ang daan papunta rito ngayon.

"Salamat sa Diyos, Katrina! Hintayin mo kami riyan ng papa mo. Until then, stay safe, please," sabi ni mama bago niya ibaba ang tawag.

Isinilid ko sa bulsa ko ang cellphone.

Ibinalik ko ang tingin ko sa bahay nila Denice.

Mas mahina na ang apoy kumpara kanina. Mas manipis na rin ang usok, at hindi na ito maitim, hindi tulad kanina na hindi na halos makita ang kabuuan ng bahay dahil nababalot na ito sa maitim at makapal na usok.

May ilan na ring mga tao mula sa loob ang nakalabas at na-rescue. Pero ni isa sa mga kaibigan namin na naiwan sa loob ay wala pa rin at hindi pa rin namin nakikita. Sinubukan namin silang tawagan, pero walang sumasagot sa kanila.

Hindi mapigil ang malakas na pagpintig ng puso ko dahil sa pangamba. Ayoko mang isipin, pero natatakot ako sakali mang mangyari ang nasa isip ko.

Na baka may sumunod na naman sa mga kaibigan namin.

Kasalukayan kaming nakaupo sa bench ng isang tindahan. Mula rito, tanaw namin ang sunog at ang mga bumbero. Pati na rin ang ilan naming mga kapwa estudyante na tulad namin ay naga-abang sa bawat tao na mare-rescue at mailalabas mula sa bahay.

Inalok kami ng may-ari ng tindahan kung gusto ba namin ng maiinom o balabal. Um-oo naman si Renald para sa balabal. Malamig ang ihip ng hangin, at may kanipisan ang suot namin ni Isabella. Agad namang cinover ni Renald sa amin ni Isabella ang tila makapal na kumot na inabot ng may-ari ng tindahan.

"Salamat po," sabi ni Renald sa may-ari.

"Walang anuman," tugon ng may-ari sa kaniya. "Kawawa naman ang mga batang naiwan sa loob. Hari nawa'y ligtas silang lahat. Nakakaawa naman at kung kailan kayo nagtapos, tsaka pa ito nangyari," ani ng matandang babae nang tumabi siya sa amin.

Nanatili kaming tahimik na naghihintay, hanggang sa may kumpulan ng mga bagong estudyante na galing mula sa loob ng bahay. Napatayo agad ako nang mamukhaan ko ang isa sa kanila kahit may kalayuan ang kinalulugaran namin nila Isabella at Renald.

"S-sila Addy!" sigaw ko bago tanggalin ang balabal sa balikat ko. Tumakbo agad kami nila Renald at Isabella pasalubong sa mga kaibigan namin na kakalabas lang mula sa sunog.

"Addy, Anthony!" sigaw ni Renald bago mabilis na yumakap sa dalawa naming kaibigan na lalaki. Pawang mga pawis na pawis at may bakas ng itim-itim sa mukha galing sa usok.

"Marga!" Halos patalon kong niyakap si Marga na mangiyak-ngiyak. Gaya nila Addy at Anthony, may itim-itim sa katawan at mukha niya, maging sa suot niyang damit dahil sa usok na gawa ng sunog. "Buti naman at ligtas kayo!" sabi ko bago sila titigang tatlo.

"N-nasaan si Jhoanna at Artemis?" nangangatal na tanong ni Isabella.

"Si T-Tyrese nakita niyo ba?" dagdag kong tanong kaya nagkatitigan kaming anim bago sabay-sabay na napabalik ang tingin sa bahay.

Hindi kami mapakali habang malamlam ang mga mata na hinahanap sa mga bagong rescue na mga estudyante sila Jhoanna, Artemis, at Tyrese. Wala kaming ginawa kundi ang umiyak at magpatuloy sa paghikbi hanggang sa dumating na ang mga magulang namin.

"Katrina, anak!" Agad akong niyakap ni mama nang makita niya ako. Mabilis siyang humiwalay mula sa pagkakayakap at mabusising tiningnan ang bawat parte ng katawan ko para siguraduhin na wala akong natamong kahit anong sugat. "Mabuti naman at walang nangyaring masama sa 'yo," aniya bago muli akong yakapin.

Hiram na AninoNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ