=======================
Ashley's POV.
' Ito na ang simbolo , nag sisimula na'
.
.
.
Ito ang katagang winika ni Andrew habang galit na nakatitig sa sahig at tumutulo ang kanyang luha.B-bakit kaya ? Naguguluhan na talaga ako a lalaking ito. Hindi ko alam kung bakit nya ito nasabi?! At anong simbolo?
Gustong gusto ko talaga siyang tanungin at kausapin kung bakit sya nag kakaganyan pero , nauunahan ako ng takot at kaba dahil baka pag kinausap ko siya sigawan lang niya ako . Bakas kasi sa mukha nya na takot na takot sya na para bang ambigat ng dinadala nya.
Nabaling naman ang atensyon ko sa kaliwa kong side , si Erika Vhey Espanto nakatulala sya at nakatingin lamang sa pintuan.
Ilang Minuto lamang ang lumipas at nabalot kami ng katahimikan. Si Mrs. Fe nag walk out at parang galit , dire diretso lang syang umalis at walang paalam samin. Na wiwierdohan na talaga ako sa lahat ng mga ikinikilos nila. 'May mga sikreto ba sila ? '
*sob* *sob*
Rinig kong may umiiyak si Erika at lahat kami nag tinginan sa kanya.
"Bakit ba kasi dito ka pa lumipat ? Bakit ibabalik mo pa ang nakaraaan ? nananahimik na kami. Bakit ba itong school pa namin ang nilipatan mo. Pero wala ka nang magagawa parte ka na ng sumpa." s-sabi nung Erika na katabi ko kanina. Nakakatakot hidi ko maigalaw ang aking mga paa para bang napako ito. Natulala ako sa kinatatayuan ko . Para akong na pipi at hindi ako makapag salita . Nakaka shock. Di ko sya maintindihan . A-anong sumpa?
"Erika , ano bang pinag sasabi mo?! Matagal nang naputol ang sumpa . Hindi na maibabalik yun kumalma ka." sabi ni Vanessa , this time nag salita na sya habang ako nandito , nakayuko, nakatayo , wala akong maintindihan sa kanila.Ano bang ibig nilang sabihin.?!
"kumalma ?! Vanessa nag papatawa ka ba , lahat tayo mamamatay kapag hindi tinapos o pinutol ang sumpa . " wika muli ni Erika Vhey na magang maga na ang mga mata at nakahawak sa buhok nya na tila ba nababaliw. Ano ba ?! hindi ko talaga kayo maintindihan??! Please sabihin niyo sa akin. Gusto kong magsalita . Maraming tanong ang gusto kong itanong. Pero bakit ganon?? Ayaw bumuka ng bibig ko . Maya maya ay nag salita muli si Erika at napatingin siya sa akin na galit na galit . Natatakot ako kung ano man ang sasabihin nya.
"Ikaw , ikaw Ashley ang dahilan nito WRONG SECTION ka, maling section ang napasukan mo ! Pero wala na , hindi ka na pwedeng umalis dahil nakatali ka na kay kamatayan. " Galit na galit na sabi ni Erika Vhey habang dinuduro duro ako . Takot na takot sya at tumakbo palabas ng room.
Ano ba napayuko na lang ako sa desk ko habang si Andrew andito pa rin naka upo sa upuan nya at walang patid sa pag iyak. Si Vanessa umiiyak sa gilid ng braso ni Dominic , si Ritch nakayuko sa dibdib ni Aldrin habang umiiyak din , Si Heizel , teka bakit wala si Heizel ? baka may ginagawa lang siya ..
"Gosh , nakakakilabot ang mga sinabi ni Erika . N-nakakatakot sya.. p-paano kung mag ka totoo yun ?! Paano kung bumalik nga p-paano tayo na tayo Aldrin ??! A-ano nang gagawin natin.?" Sigaw ni Ritch Drian kay Aldrin ang kanyang Nobyo habang umiiyak. Oo inaamin ko bakit kailangan pang humantong sa kamatayan ?! At bakit dahil sa akin babalik daw muli ang sumpa??!
"Hindi , hindi Ritch , hindi totoo yun matagal nang naputol ang sumpa sa 4A at hindi na maibabalik yon." Pag papakalma ni Aldrin Sarmiento sa kasintahan nyang si Ritch.
Nag silabasan na silang lahat at kaming dalawa na lang ni Andrew ang natitira sa loob. Tahimik lang kaming dalawa.
Lumipas ang sandali at nag salita si Andrew.
"Naguguluhan ka ba ?! " tanong niya sa akin. Sa oras na ito ay muli akog nabuhayan.
"Oo Andrew gulong gulo ako sa mga nangyayari dito ! Anong klase ba ang section na ito?" tanong ko saknya.
"Hindi pa ito ang tamang oras Ashley para malaman mo ! Pero darating ang panahon na makikipag sapalaran at makikipag habulan ka kay kamatayan!!! " Nanginig na sabi ni Andrew nakakatakot , mas lalo pa akong naguluhan sa sinabi nya.
Nang bumalik na muli ako sa realidad , lumabas na ako para umuwi. Exactly 6:00 na ako na lang nag iisang nag lalakad dito sa hallway.
"Ashley" rinig kong tawag ng isang babae na kilala ko na ang boses.
"Heizel" sabi ko .. bakit nanadito pa sya ? Anong oras na kaya . Akala ko kasi nauna na syang umuwi eh.
"O-h b-bakit nandidito ka pa heizel , kasi ang akala ko umuwi ka na eh ??"
Naguguluhan kong tanong sa kanya. Ngumiti sya na Para bang ewan na parang nang - iinis na .. parang nakita ko na yung tawa na to..
"Inutusan pa kasi ako ng mga teachers sa faculty pinaglinis ako.kaya ngayon lang ako umuwi. Hay wag mo na akong pansinin basta umuwi na tayo nanlalata na ang buo kong katawan eh , sabay na tayo duon naman diba ang babaan mo sa kanto ?! Sa gilid lang naman nun ang bahay ko kaya sabay na tayo" pag aaya nya sa akin . Bakit nag mamadali syang umuwi? Para talagang may kakaiba sa mga ikinikilos nya...
"Ah sa gilid ba ng kanto ang bahay mo?? O sige umuwi na tayo , pagod na din kasi ako eh.." tumango lamang sya at nag simula ng maglakad papuntang sakayan.
Pag uwi ko sa bahay ... nahiga ka agad ako ... pagod , Pagod ako sa kakaisip kaya mabuti pa magpahinga muna ako....
To be Continued .....
================
A/N :
Hello readers .. na ayos na ang account na verify na ito at na activate so tuloy na tuloy na ang story ko... so sana basahin nyo.. salamat talaga sa'yo @conrick04
Sa next chapter alam ko na kung kanino ko ito idededicate.. open pa rin ang dedication system natin.. paalala LNg po
I need your VOTE , COMMENT ,SUPPORT and be my FAN thank you and GODBLESS :)
-RomeoTanjeco
YOU ARE READING
A BREAKING DAWN (EDITING)
RandomHello readers. This is my third story on wattpad. But this is my first story under the mystery/horror/thriller category. Please need your support .. An If you dont read this I will kill you !!!!! jokes I NEED YOUR VOTE , I NEED YOUR COMMENT , AND...
