PROLOGUE

1 0 0
                                    

AMELIA'S POV

"Mahal mo pa ba talaga ako?" naiiyak na tanong ni Kaisean.

"Mahal kita, Kaisean. Mahal na mahal kita... Kung alam mo lang..." wika ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Kaisean.

Kita ko kung paano niya ginulo ang buhok niya out of frustration.

"Tangina naman, Amelia! Palagi mong sinasabing mahal mo ako, pero bakit hindi ko maramdaman? Bakit palagi mong pinaparamdam sa akin na wala lang ako sa'yo?! Amelia, ako 'to oh! Boyfriend mo!" tuloy tuloy na bumagsak ang luha sa mga mata ni Kaisean at napaupo na lang siya nang dahil siguro sa panghihina.

At ako naman 'tong Girlfriend niyang walang kwenta. Wala manlang akong maggawa para icomfort siya.

"I'm so sorry, Kaisean. I know na nahihirapan ka ng intindihin ako... Kaya gagawin ko ang paraang alam kong makakabuti sa atin parehas..."   napatingin sa akin si Kaisean nang sabihin ko 'yon.

"Let's end this relationship, Kaisean... Ayaw ko ng mahirapan ka pa..." kanina pa nagbabadya ang luha sa mga mata ko, ngunit pinipigilan ko lang 'tong tumulo. Ayaw ko kasing ipakita kay Kaisean na nahihirapan din ako. Ayaw kong ipaalam kay Kaisean ang totoo kong nararamdaman.

"No! Hindi ako papayag!" Sigaw ni Kaisean.

"Please 'wag kang mag iskandalo dito. Baka marinig ka ng mga magulang ko. Ayan lang ang bahay namin oh." Turo ko sa bahay na nasa likod ko.

Nagulat ako nang biglang lumuhod si Kaisean sa harapan ko. Basang basa na ng luha ang buo niyang mukha.

"Please Amelia... Stay with me... Pangako hindi na ako magrereklamo kapag may gusto kang puntahan... Kapag wala kang time sa akin hindi na ako mag rereklamo... Just please stay..." Pagmamakaawa ni Kaisean habang nakaluhod at nakahawak sa dalawang kamay ko.

Naaawa na ako kay Kaisean, pero kailangan ko 'tong paninidigan. Kailangan kong ituloy ang pakikipaghiwalay ko sa kaniya.

"No... Sa ayaw at sa gusto mo. Makikipag hiwalay na ako sa'yo and that's my final decision." Malamig kong sabi at saka bumitiw sa pagkakahawak sa mga kamay niya. Nang talikuran ko siya ay tuloy tuloy na bumagsak ang luha sa mga mata ko. Parang gusto ko siyang balikan at yakapin.


-DO NOT COPY MY WORK WITHOUT MY PERMISSION.

•Ms-J18

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just like a SunsetWhere stories live. Discover now