Chapter 53

396 29 6
                                    

"Kuyaaaa! I miss you." agad na bungad ni Vee sa kuya nya na ikinatawa nito.

"Miss you too princess. Uwi ka na." Sagot naman ng kuya nya na nakapagpa ngiti sakanya pero napa simangot nang pinapauwi na sya nito.

"Uuwi ako dyan kuya. Baka nga hindi mo lang mamamalayan ay nandyan na pala ako." May pagbibirong sabi naman ni Vee.

"Ah huh. Do you take your meds regularly, Jezz? Sinasabi ko talaga sa..." pinutol na ni Vee ang kung ano man sanang sasabihin ng kuya nya.

"Yes po, sir." Sabi ni Vee with matching salute pa kahit hindi naman kita ng kuya nya at natawa ang nasa kabilang linya.

"Good. So tell me, I know may kailangan ka saakin kasi hindi ka naman tatawag ng walang ibang dahilan."

Si Vee naman ngayon ang natawa sa turan ng kanyang kuya.

"You know me so well talaga kuya. Kaya mahal kita eh."
Biro pa nya rito.

"Sus! Nambola ka pa. Buti wala rito yung isa, kundi magtatampo yun." Napahagikhik sya ulit, yung isa pa nyang kuya ang tinutukoy nito. Aaaaah! Miss them so much. Sabi ng isipan nya.

"I love you both naman eh, hehe. But anyways, I need your help kuya."

"Tell me about it."

"We need sponsor. I mean, my team needs sponsor kuya. You see, kami lang yung team na walang logo ng sponsor sa jersey. Hindi naman sa hindi ko kayang tustusan yung needs ng team ko kaso iba pa rin talaga yung may sponsor." Mahabang sabi nya.

"And what do you want me to do?"

"Can you, like, pull some strings up? I mean, I know you have a lot of friends in business. You have connections."

"Magaling ba yang team mo? Baka mapahiya ako sa mga kaibigan ko ah?..."

"Hindi sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko kuya ah pero magaling talaga yung team ko. Hindi kita ipapahiya, promise." Alam ng kuya nya talaga na kapag nangangako na si Vee eh natutupad nya iyon. Kaya pumayag ito na tulungan ang kapatid nya.

Hindi naman kasi bingi si Vee. Hindi rin naman sya bulag. Kaya nya namang itaguyod ang team nya. She has enough budget para matustusan ang pangangailangan ng kanyang team. Business minded din naman sya tulad ng kanyang pamilya.

Nakakabasa naman sya ng mga comments about sa kanyang team. Naririnig din naman nya ang mga sinasabi ng mga hosts at casters na mga bias. Kung pwede lang na sya ang sumagot sa lahat ng mga tanong at patulan ang mga ito, pero hindi nya magawa. Masisira ang plano nya. Kaya naman ang ninong/coach na nila ang bahala 'ron.

Vee: Ok na kahit isang logo company lang ninong diba?

Coach: Oo kahit isa lang, nalimutan ko kasing sabihin sa'yo na may kumuntak saakin. Brand ng cellphone. Gusto nilang maging sponsor ng team natin.

Nanlaki ang mga mata ni Vee sa sinabing yun ni coach.

Vee: Talaga ninong?! Wooow! Kung maganda ang contract, go na yan.

Coach: Sige, kakausapin ko.

Namamanghang tumango lang si Vee. Hindi sya makapaniwala. Ibig sabihin lang nun kahit hindi na sya tumawag sa kuya nya para humingi ng tulong ay kaya naman ng Blacklist International na humatak ng sponsor. Kaya naman itinatak nya sa kanyang isipan na hinding-hindi magsisisi ang kompanyang yun. Ayun kasi ang una-unahang naniwala sa kanila.


Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now