Big Boy

97 4 0
                                    

Present...

Kampanteng naupo ako sa isang sulok ng isang coffee shop. Nilapag ko ang dalang canvas painting sa tabi. Tahimik ko lang na hinintay na dumating ang aking order.

"Are you nuts?!" turan ng lalaki sa kabilang upuan. "This why I hate virgin women to begin with," patuloy ng may-ari ng boses.

"Please, James mahal kita kaya nga binigay ko sa iyo lahat lahat. Ikaw ang nakauna sa'kin." Maluha-luha ng babaeng kausap nito.

Napasingasing ang lalaki nang marinig ang pahayag ng babae. Matamlay at walang kabuhay-buhay nitong binaling ang paningin sa labas ng café na hindi man lang pinagtuonan ng pansin ang kaharap.

"Jeez, Leslie this is why I really hate virgin woman like you. Akala ko ba malinaw na sa usapan natin. Our encounter was purely physical and now you're becoming clingy," naiiritang napahilot ang lalaki sa kanyang sentido.

"Pero, James ganoon lang ba kadali na itigil ang namagitan sa ating dalawa dahil inamin ko sa'yo na mahal kita? Kasalanan bang mahulog sa 'yo?" Mahinang napasingot ang babae. Pilit nitong ikubli ang mga luha.

"Damn! Can you just move on? Hindi na uso ang virgin ngayon, Leslie. Stop being so clingy. Akala mo naman ikamamatay mo ang pagkawala ng virginity mo!"

Naiiritang pinilit ko na hindi makinig sa usapan ng katabi ko na mesa ngunit talagang hindi ko maiwasan. Narinig kong sumisingot ang babae hindi man lang nagsalita. Obviously she's crying. At sino naman ang hindi maiiyak? Binigay na nga nito ang yaman na tanging iniingatan napunta pa's lalaking fuckboy.

Jeez! Gustong umusok ang ilong ko. Napairap ako na nilingon ang direksyon ng mga ito ngunit ibig mag-alsa balutan ang kaluluwa ko sa katawan nang kanina pa pala nakatuon ang paningin ng lalaki sa direksiyon ko. Nang magtama ang aming paningin ay kumindat pa.

Fuckboy! lihim kong sambit. Pinaikot ko pa ang eyeballs upang ipakita dito ang pagka-irita ko.

"Basta wala kang aasahan sa akin, Leslie. Wala sa bukabularyo ko ang magseryoso sa panahong 'to. Sa sobrang hirap ng buhay hindi pa ako handa."

Tuluyang napahagulhol ang babae sa sinabi ng walang hiyang lalaki.

Mas lalong akong nairita at tinapunan ng nakatetanong titig ang lalaki ngunit malaking pagkakamali ang ginawa ko't nakatingin na naman ang lalaki sa direksyon ko.

He drew a sexy smile on lips. Pagkatapos ay kinindatan pa akong muli. Gustong kong malagutan ng hininga at tila hinigop ng titig nito ang kamalayan ko.

I'm not gonna lie, upon looking at the male species accross my seat I can't help but be impressed by the charm he possesses. He had a natural stubborn jawline. Makakapal at itim ang kanyang mga kilay. Ang mga mata ay hugis almond at kulay cognac brown. Malalantik ang pilikmata, may katamtamang tangos ng ilong at labi ng natural na nanggagayuma. Dagdagan pa ng dalawang biloy nito sa magkabilang pisngi na mas lalong nagpatingkad sa mapang-akit nitong hitsura.

Nakapolo na bahagyang nakabukas ang dalawang butones. Bahagya pang sumilip ang mabalahibo at matitipuno nitong dibdib. Naka-upo ito na naka di-kwatro. Maangas ang porma tila isang higante na naka-upo sa upuan na halos matabunan ang inuupuan sa sobrang laki at well-built na pangangatawan. Gayunpaman, isa pa rin itong lalaking walang kwenta.

"Let's end it here!" wakas ng lalaki. Kalmanteng tumayo mula sa pagkaka-upo.

"James!"

"So long, Leslie." Nagtuloy-tuloy na itong lumabas.

Ang walang hiya, nilayasan ang babae? Gusto kong pagsasakalin ang hinayupak. Naaawa ako sa babae na tinalikuran man lang nito pagkatapos maikama. Putik! Ano ba naman ang aasahan sa ganyang klase ng lalaki? Kung hindi bakla ay isang fuckboy naman. Kaharap na nga nito ang girlfriend may gana pang kumindat sa ibang babae. Tuloy gustong kong ibalibag ang hawak kong card sa pagmumukha nito.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Apr 24 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Owning The Destined King Equilibrium Series IIIOù les histoires vivent. Découvrez maintenant