Maya maya pa ..

May trailer na pinalabas.

"Becca, break na tayo! Ayoko na." sabi nung boy.

"Sabi mo mahal mo ko!" sabi ni girl na umiiyak.

Jusko girl kung ako sayo di ko iiyakan yan! Iniwan ka na oh! Walang Forever! Wag ka mag- inarte. Mag move on ka!

Malapit ng matapos yung trailer. Buti naman!

"Becca, I still love you!" sabi ni boy kay becca.

Tapos ngayon hahabul habulin mo? Pagkatapos mong saktan! Nako kayo talagang mga lalaki, mga maluluwag ang turnilyo!

Biglang humarap si Becca kay boy tapos medyo galit na maiiyak.

"Nicco, tama na! Wag mo ng paglaruan ang feelings ko!" sabi ni becca kay nikko sabay alis.

AYAN GIRL! Tama yan! Wag ka papaapi sa mga tulad nyang Nikko na yan! Di mo sya deserve!

Teka bakit ba ko masyadong nacacarried away sa trailer na to? Tss.

Kasi mahal mo pa sya? - Heart

Hindi na no! Nakamove on na ko sa kanya!

Sa inis ko pinatay ko na yung TV tapos nahiga ako sa sofa.

Sino bang nagsabing mahal pa kita? Hindi na kita mahal! Matagal na kitang kinalimutan!

Mahal ko pa ba nga ba si ---?

Naudlot yung pagmumuni muni ko ng biglang sumigaw si James.

"Shit, Ouch!" dali dali akong tumakbo sa kusina para alamin kung anong nangyari sa kanya.

"What happen hon?" sabi ko tapos lumapit ako sa kanya.

"I cut my finger. It's okay, go back to the living room and I'll finish this." sabi nya pero syempre worried ako sa kanya ay este sa pagkain baka malagyan ng bacteria ng dugo nya kaya kailangang gamutin yon!

"Let's go hon, I'll clean your cut first baka kasi mahaluan ng bacteria yung pagkain." sabi ko tapos hinila ko sya sa sala.

Kinuha ko yung first aid kita tapos umupo ako sa sofa na inuupuan nya rin.

Kinuha ko yung kamay nya and nilagyan ko ng betadine.

Hindi ko sya tinitingnan, focus lang ako sa ginagawa ko ng bigla syang magsalita.

"Hon, you look familiar?" huh? Ano bang sinasabi nito?

"Stop that non sense hon." sabi ko habang nilalagyan ng band aid yung daliri nya.

"No, You really look like the mom of my kids!" napatigil ako sa paglalagay ng band aid tapos dinikit ko yung isa pang band aid sa bibig nya!

Siraulo!

Tumayo naman sya tapos tinanggal yung band aid sa lips nya pero laking gulat ko sa sunod na ginawa nya.

"Indirect kiss, Hon!" sabi nya sabay takbo pabalik ng kusina.

HELL JAMES! Dinikit ba naman sa labi ko yung band aid! Letcheng psychotic na yon!

Di ko na lang sya pinatulan tapos nahiga ulit ako sa sofa.

Makatulog muna nga ...

1PM.

Ahh! Anong oras na ba? 1PM na pala? Tagal ko ring nakatulog ah!

Pumunta ko sa kitchen para uminom ng tubig pero namangha ako sa dami ng pagkain sa lamesa.

Teka may pafiesta ba dito? Bigla kong nasapo yung noo kasi naalala ko nandito pala si James!

She's The BossWhere stories live. Discover now