Hinaplos ko ang pisngi ng anak ko at hinalikan siya sa tungki ng ilong. "Hindi po. I just missed you, anak"

Muli ay lumambitin si Isla sa leeg ko at hinalikan ako sa pisngi. "Mama sabi ni Papa, sama ka daw sa'min sa Tagaytay!"

Napatingin ako kay Hans. Tinaasan lang naman niya ako ng kilay na parang sinasabi na utos iyon at wala akong karapatang tumanggi. Muli ay binalingan ko si Isla at nginitian. "Okay. Aayusin ko lang ang mga gamit ko. Gusto mong sumama sa bahay? Miss ka na ni Lola"

Nagningning naman ang mga mata niya. "Opo! Tara po, Mama. Miss ko na din po si Dada Clinton at Tita Ganda!"

Nang muli kong sulyapan si Hans ay nagkibit balikat lang ito at saka lumabas na ng opisina. Nangingiting tumayo ako sa swivel chair ko at saka inakay si Isla. Mukhang nabudol na naman kasi niya ang Papa niya kaya napilit niya itong isama ako sa gala nila.

Tumayo na rin si Trev mula sa kinauupuan niya at nag-inat-inat. "I have to go. Wala pa akong masyadong pahinga e" kakauwi niya lang kasi noong isang araw galing London.

Inismiran ko siya. "Mukha ka na namang panda. Sa bahay ka na magpahinga. Bukas ka na umuwi ng Batangas"

Tumango-tango naman siya. Sanay na din naman kasi yan sa bahay namin dahil close na sila ng mga kapatid ko. Sabi nga ni Nanay ay ampon na daw niya si Trev kaya napapadalas ang pagdalaw ng walanghiya sa amin. Namimihasa na.

Sa sasakyan ni Hans sumakay si Isla samantalang ako ay kay Trevor sumabay. Pagkadating sa bahay ay kaagad na dumeretso si Trevor sa kwarto ni Clarence para matulog habang ako naman ay nag-impake sa kwarto ko. Si Hans naman ay naghihintay sa living room habang si Isla ay gumagala sa buong compound dahil namiss daw niya ang mga pinsan niya.

"Ate, wala na ba talaga kayo ni Kuya Hans?" tanong sa'kin ni Caren habang tinutulungan akong mag-impake ng mga gamit na dadalhin ko. Hindi ko alam kung ilang araw kami doon pero magaling na yung sigurado.

"Wala naman talagang kami simula't sapol" sagot ko na lang dahil iyon naman ang totoo.

"Ano yun, nakabuo kayo ng bata nang trip trip lang?!" bulalas niya kaya binato ko siya ng binilot na tuwalya at pinandilatan ng mata.

"Bunganga mo! Marinig ka ni Isla!"

"Oh, e ano palang tawag sa inyong dalawa? Strangers with memories?" pang-aasar pa niya kaya inirapan ko na lang siya. Wala na akong balak magpaliwanag dahil nagsasabi naman ako ng totoo. Kailaman ay hindi naging kami ni Hans.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay bumaba na rin ako. Naabutan ko si Hans sa living room na ngiting-ngiti habang may kausap sa phone. Napaiwas na lang ako ng tingin at lumabas na ng bahay para tawagin si Isla.

"Isla, halika na. Takbo ka nang takbo, masyado nang mainit" tawag ko sa anak ko dahil nakakahilo na ang init. Nang lumapit nga ito sa'kin ay basang-basa na ito ng pawis kaya ipinasok kong muli ito sa bahay at binihisan.

Nang maayos na kaming mag-ina ay pinatawag ko na si Hans kay Isla. Walang imik ang lalaking lumabas ng bahay namin habang akay ang anak. Napairap na lang ako at sumunod sa kanila.

Tatabi sana ako kay Isla sa backseat ng sasakyan nang samaan ako ng tingin ni Hans kaya napakamot na lang ako sa ulo ko at tumabi sa kaniya. Himala at wala siyang bodyguard ngayon. Simula kasi noong ipinakilala sa publiko si Isla ay palagi na silang may kabuntot na mga bodyguards.

Tahimik lang ang byahe. Si Isla ay nakatulog na sa likod. Hindi naman ako nag-aalala masyado dahil mukhang komportable naman siya. Ako naman ay nakakaramdam na muli ng hilo dahil siguro sa tirik na tirik na sikat ng araw. Kung bakit ba kasi katanghalian pa naisipang bumyahe ng lalaking 'to?

More Than WordsWhere stories live. Discover now