Chapter 4 - I'm Confused.

5 0 0
                                    

Alas tres na ng madaling araw ng maalimpungatan ako dahil sa isang bulong at kaluskos.

Hanggang sa maaninag ko si Calvin na tumayo at medyo lumayo, nakatalikod sya sakin at may kausap sa cellphone, pinagmasdan ko nalang sya , hindi ko alam kung matatawa

ba ako dahil inaabot sya ng madaling araw dahil sa cellphone at mukang tangang kinikilig-kilig pa o malulungkot dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman?

Ipinikit ko nalamang ang aking mga mata at pinilit na makatulog.

Napadilat na lang ako dahil sa isang liwanag.

Umaga na pala! bumangon na ko at nag luto, Nag sangag ako at nag prito ng itlog at ham, pagkatapos kong magluto ay lumabas muna ako saglit para mag jogging at

para narin bumili ng pandesal sa kabilang village.

Mas gusto ko sa kabilang village para kahit papaano medyo malayo layo ang tatakbuhin ko.

Pag labas ko palang sa gate namin may mga truck na papaalis na. mukang maytitira na sa tapat ng bahay namin, nagumpisa na akong mag jogging papalabas ng village,

nang makarating ako sa bakery, bumili lang ako ng pandesal at tsaka nag jogging pabalik.

Pagbalik ko sa village namin, natanaw ko na parang may kumakatok sa bahay namin, kaya naman binilisan ko ang takbo papalapit.

Naka sandong white, jogging pants at rubber shoes lang ako nun kaya medyo pawisan pa ako sa mga oras na ito.

"Ano yun?"

Sabi ko na medyo hinihingal pa at napakapit pa sa magkabilang tuhod ko sobrang hingal.

"Ikaw ba nakatira dito?"

Sabi ng isang lalaki na hindi gaano kabuild ang katawan na parang katulad lang din ng saakin, naka t-shirt sya na black at shorts, siguro sya yung bagong lipat.

"Ah! Oo, Anong kailangan mo?"

tanong ko habang binubuksan yung gate ng bahay.

"Manghihiram sana ako ng martilyo kung ayos lang sayo? "

Tanong nya na medyo alanganin pa ang tanong, "Ah! sige sige, pasok ka"

Sabi ko habang pinapapasok sya, pumasok kami at pinadaan ko nalang sya sa likod bahay papuntang dinning area.

"Pasensya na natutulog kasi yung kaibigan ko sa sala hehe."

Sabi ko na medyo tinitingnan kung gising na ba sya, pero mukang puyat na puyat talaga sya.

"Haha! Ayos lang, kakalipat ko lang pala dito, dyan lang sa tapat, pasensya na mukang naiwan kasi yung martilyo ko sa dati kong bahay."

Paliwanag nito habang nakatayo sa pintuan.

"Ah! tara upo ka muna dito kukunin ko lang sa taas."

"Sige salamat"

Sabi nalang nya sabay upo, umakyat na ko sa taas at kinuha ang martilyo, habang pababa nakarinig na lang ako ng isang sigaw.

"HOY! SNO KA? ANONG GINAGAWA MO? MAG NANAKAW KA NO?"

Napatakbo na lang ako pababa sa narinig ko.

Pagbaba ko, naabutan ko si Calvin na may hawak na tinidor habang si...? sino nga ba yun? basta naka taas ang dalawang kamay na para bang sumusuko.

"VIN!"

Sigaw ko habang tumakbong papalapit sakanila, lumapit ako kay kuya.

"Brad! umalis ka dyan! mag nanakaw yan!"

Love me back, Again.Where stories live. Discover now