Kahit ang hirap-hirap na...




"Dadalhin na kita sa ospital. Halika na, please... Please, hayaan mong tulungan kita, Mitch. Tatawagan ko na rin si Kuya Jayden." Inalalayan niya 'ko muli para makatayo pero bumagsak lang ako ulit sa sahig.




Nagsabay-sabay na sa katawan ko ang hirap sa paghinga at ang hilo. Later that I knew, I was unconsciously staring blankly at the tiles - getting a little déjà vu. 'Til everything started fading slowly out of my sight. And the last thing I heard was Solene's crying voice, begging for me about something...




🍁

"Her father is on his way back here in Manila, Doc. Thank you," boses ni Jayden.




"Will she be okay?" boses ni Solene na hanggang ngayon ay bakas pa rin ang lungkot at pag-aalala.



"I'm putting all my high hopes, dear. Praying she will."




I woke up upon hearing those last words from the doctor. I was once again confined inside this four boring white walls and with nothing but a dextrose on my arm. I was trying to get up when the doctor came near me, helping me to just stay still.





At dahil gising na ako ay nagbilin siya muli sa'kin at kay Jayden ng mga kaylangan bago kami tuluyang iwan sa kwarto. "You're friends are here, Michelle," ani Jayden. Mayamaya'y isa-isa na rin silang lumitaw sa harap ko. "I'll leave you guys here for a while. You can take your time," sabi niya muli bago niya rin kami iwan.




Yumakap agad sa'kin si Jewel at Keira. Kagaya ng mata ni Solene, mugto na rin ang kanila. Sunod na lumapit sa'kin si Ate Lexi para kamustahin ako. Umiiyak na rin si Debby sa'kin nang makaupo siya sa may bandang paanan ko.





"Ang pangit niyo umiyak. Tumahan nga kayo," saway ko sa kanila. Wala akong ibang narinig kundi ang mga hikbi nila. Pinipigilan ko ang akin dahil mas lalala ang lagay ng mga mata nila kapag sumabay pa 'ko. Mayamaya'y napansin ko ring kulang sila.




"Nasaan si Gian at Solene?"




"Lumabas sila saglit para bumili ng pagkain at ng mga kaylangan mo. Sumunod sila kay Jayden kanina paglabas," sagot ni Ate Lexi.




"E, s-si Gabby?"




"She's-" magsasalita na sana si Jewel nang biglang bumukas ang pinto at tumambad siya sa harap ko. My heart smiled widely when she came. It's just my face couldn't do any expressions for now. Hindi ko rin maipinta kung galit ba siya sa'kin o ano.




"She wants to talk with you," pagtuloy ni Jewel ng sasabihin niya saka tumayo. "We'll leave you both here. Just call us when you need anything," sabi pa ni Ate Lexi saka tumayo na rin at lumabas. Ganoon din ang iba. Hindi pa nagsasalita si Gab pero kinakabahan na ako sa mga maririnig ko. Pero handa naman ako.





"Hi," I awkwardly greeted her, trying to start a conversation. Gusto ko mang tumakbo papunta sa kanya ay hindi ko magawa dahil sa dextrose. Mayamaya lang ay nakarinig na ako ng mga hikbi kaya napatungo ulit ang ulo ko sa kanya.




"Gab..."




"Putangina mo, Michelle... Kung hindi pa binalita sa'ming lahat ni Solene ang nangyari ay wala pa rin kaming alam sa kalagayan mo. Wala pa rin siguro akong alam na... na ganyan na ang sitwasyon mo..."




"I'm sorry for not telling you. It feels like there's nothing to tell."





"Nothing to tell? Mitch, hindi man kami mayaman pero handa kaming tumulong sa'yo. Handa kaming samahan ka sa lahat dahil k-kaibigan mo kami... Kaibigan mo 'ko..."





Sketched Memories of Yesterday (Insomniacs Series 1)Where stories live. Discover now