Nilapitan agad ako ng mga media para sa isang interview ngunit hindi na ako nagbigay ng opinyon tungkol doon. Draven opened the front seat of the sports car and let me in.

Gusto ko sanang magtanong kung kaninong kotse kaso nang pumasok siya sa driver's seat, ginamit ang susi na kinuha niya sa bulsa ng kanyang slacks, doon ko napagtantong sa kanya ito.

Hinubad niya ang coat at inilagay iyon sa likuran. Kumakatok ang iilang reporter habang pinapaalis pa sila ng mga pulis para bigyan kami ng daan.

Draven pulled the necktie from his collar and opened another button of his dress shirt. Ramdam ko sa seryoso niyang mukha na nasa nangyari pa rin kanina ang isip niya lalo na't naglalabasan din ang ugat sa kanyang leeg sa tuwing gagalaw ang kanyang panga.

"I want to stay inside," sabi ko.

He glanced and lifted his brow while he's rolling the sleeves of his shirt to his arm. Humawak ang isa sa steering wheel at ang isa naman ay marahas ang pagkakatulak sa clutch na lumalabas pa ang ugat.

"You're going home," he said in a serious tone while his eyes drifted to the side mirror of his sports car.

Pairap akong sumandal sa aking upuan at halos huminga ng malalim.

"Baka may empleyado pang naiwan sa loob," halos ibuga ko iyon.

"Do you mean your secretary?" his voice mingled with the roar of his sports car's engine.

Marahas ang pagkakalingon ko sa kanya. His left cheek bubbled, probably because his tongue pushed it inside while he tilted his head boredly to look at his car's side mirror.

I scoffed. "Baka gusto mo ring manatili doon sa loob! Kaycee Williams is still there. Atat na atat ka pa namang pumasok kanina..."

His eyes drifted to me.

"Kaya ba atat na atat ka ring pumasok dahil nandoon ang sekretarya mo?" he accused.

"Itigil mo nga 'to! Bababa ako!" sigaw ko nang pumutok na ang kaonting pagtitimping hawak ko.

He pursed his lips. Kumalma ng kaonti ang ekspresyon niya ngunit mariin ang tingin sa harap at pinaharurot na palabas ang kanyang sasakyan sa parking lot.

Tumahimik kaming dalawa buong byahe. Mariin ang tingin ko sa labas ng bintana at ayaw siyang kausapin.

Una, nag-aalala ako sa kanya kaya ako natulak na pumasok doon. Oo at nag-aalala rin ako sa iba pero mas nag-aalala ako sa kanya.

Pangalawa, I owe him an apology for accusing him of being part of Trison's group. Hindi ko nga lang masabi sabi na pinagsisihan ko iyon dahil sa init ng ulo ko at sa dami ng iniisip ko ngayon tungkol sa operasyong sa hotel mismo nangyari.

At pangatlo, naglalaban pa rin ang emosyon sa akin dahil kay Trison. Hindi mawala sa isip ko ang titigan namin kanina bago siya tumalon.

Tiningnan ko ang cellphone ko. Ngayon ko lang nahawakan sa buong araw na ito dahil sa nangyari. I saw a lot of missed calls. Galing sa parents ko, sa mga pinsan, kay Lola, at sa iilang kakilala.

I was about to call someone when it started ringing. Napabaling si Draven sa screen ng aking phone. Sinagot ko agad lalo na't iyon ang hinihintay ko.

"Arthur," I called.

"Hello, Ma'am. Papauwi na po ako. Gusto ko lang po kayong i-remind na naalerto ko na po ang mga empleyado para sa meeting bukas," he said softly.

"Alright thanks. Nakauwi kana ba?" tumingin ako sa labas ng bintana ngunit kita ko ang repleksyon ni Draven na napapalingon sa akin.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon