Kabanata 1. Ang Hudyat

11 1 1
                                    

Panimula : Ang Hudyat

Tagapagsalaysay :

Masayang nagsasaranggola sa parang ang batang si Sokra. Palipad lipad ang mga makukulay na paro paru sa paligid niya. Nakaupo sa damuhan ang bata habang nakangiti at masayang pinagmamasdan sa ilalim ng mga ulap ang kanyang saranggola.

Isang lalaki ang tumawag sa kanya na tila parang isip bata.
"S-sokra! Kaibigan kong matalik," masayang bati ng lalaki na may saging, mansanas at matamis na inumin na dala.

"Tasyo ikaw pala yan. Halika samahan mo ako magpalipad ng saranggola."
Pag-aaya ni Sokra sa matalik niyang kaibigan na si Tasyo.

Nakalingon ang ulo sa kanan habang nagsasalita "Ka-ka-kanina ko pa kikita yan lumilipad, s-saranggola pala tawag dyan. Gu-gusto ko din palipad sa-saranggola."

Tumayo si Sokra at iniabot ang pisi ng saranggola kay Tasyo. Napakataas ng
lipad ng saranggola. Tuwang tuwa ang dalawa at nagtatakbuhan pa.
Napagod ang dalawa at umupo sa damuhan.

"S-Sokra kain tayo oh," at saka Iniaabot ni Tasyo kay Sokra ang dala niyang saging at mansanas.

"Salamat Tasyo,buti may dala kang pagkain. Nakakagutom din magtatatakbo," sabi ni Sokra.

"La-lagi kitang dadalahan ng pagkain, kase mabait ka sa akin. Tsa-tsa-tsaka
salamat kase pinagtanggol mo ako sa mga bata kahapon."Pagkasabi ni Tasyo habang hinihimas ang ulo ni Sokra.

"Wala yon, Tasyo. Ang sarap naman nitong dala mong inumin, alam mo
ikaw lang nakakapagbigay sa akin ng ganitong inumin. Saan mo ba 'to nakukuha Tasyo ?" tanong ni Sokra.

Sumagot naman si Tasyo habang nakalihis ang ulo sa ibang direksyon.
" Sa-sa-sa amin, sa kaharian."Napatakip si Tasyo ng kanyang bibig. "Ay! i-i-ibig
kong sab-sabihin sa pamilihan."
"Dami tanong. . ." pabulong sabi ni Tasyo.

"Ano yon Tasyo ?" Sokra. Umiling lang si Tasyo para sagutin ang tanong.

Nakatali ang pisi ng saranggola sa puno ng narra. Natanaw nila Apo Duma at Tonio mula sa bundok kung saan naninirahan si Sokra kasama si Apo Duma na kanyang lola. Ang ugnayan ni Tonio at Apo Duma ay parang mag ina. Si Apo Duma ang umaruga kay Tonio na ngayon ay may sarili ng pamilya. Kapansin pansin kay Apo Duma ang mga napakaraming kwintas na kanyang suot.
Iba't ibang uri ng kwintas. Agimat, Anting-anting, Mga kwintas para sa orasyon at
kung anu-ano pa. Meron din siyang burda ng tinta sa kanyang balat, Sa parte ng
kanyang sintido, noo at magkabilang braso.
Si Tonio naman ay moreno at may malaman na pangangatawan. Sukbit ni Tonio ang kanyang itak sa tagiliran. Nakasalakot at may pasan-pasan na sisidlan
sa kanyang likuran na nagawa sa ratan.

"Nay, nabanggit niyo na po ba kay Sokra ang dapat niyang malaman ?"
tanong ni Tonio sa kanyang tinuturing na ina.

" Hindi pa iho, sasabihin ko pa lang. Sasabihin ko kapag dumating na ang
hudyat." Sinasabi ni Apo Duma ito habang naghahalo ng sangkap ng gamot sa bao ng niyog.

"Sige ho, tutuloy na po muna ako. Sana may nabitag na, na baboy ramo ang aking ginawang patibong doon sa gubat," paalam ni Tonio.

"Oh siya sige Tonio, mag-iingat ka palage." Wika ni Apo Duma.

Samantala. Nagkatuwaan naman ang dalawang matalik na magkaibigan na
kunin ang pulutpukyutan sa bahay ng mga bubuyog na nasa sanga ng puno.
Dahan-dahan umakyat si Tasyo para kunin sa loob ng bahay ng mga bubuyog ang pulut-pukyutan. Aksidente naman na nadulas si Tasyo at nabulabog niya ang mga bubuyog. Pinagkakagat si Tasyo. Ngunit kay Sokra ay tila maamo ang mga
bubuyog, dumapo lang sa kanya at hindi siya kinakagat. Hagalpak sa tawa si Sokra ng makita niya ang labi ni Tasyo na namamaga. Natawa na lang din si Tasyo habang kinakain ang nakuha nilang pulut-pukyutan.
Naagaw ang kanilang atensyon ng may marinig silang tunog.
Napakagandang pakinggan ng tunog. May mabilis na tempo at masayang
melodiya.

SOKRAWhere stories live. Discover now