Kabanata II. Ang Astal

10 1 0
                                    

Nasa kalagitnaan ng pag-aalala si Cello para sa bago niyang kaibigan na si Sokra na nakahiga sa damuhan at walang malay ngunit nakadilat ang mga mata na nawawala
ang mga itim nito. Gulat na gulat naman si Sokra sa mga nangyayare na hindi maunawaan. Sa kabila ng nangyayare. Mabilis na umaksyon si Apo Duma para tulungan ang
kanyang apo. Habang nakaluhod at nakatungkod ang kamay niya sa lupa. Humiwalay ang kaluluwa ni Apo Duma sa kanyang katawan. Mabilis na napunta ang kaluluwa sa
lugar kung nasaan ang dalawang bata.

"Lola! Ano pong nangyayare !?" Bakit ko po nakikita ang sarili ko ?" pagtatakang tanong ng kaluluwang si Sokra sa kaluluwang si
Apo Duma na siya naman agad gumawa ng orasyon para hindi mapasukan ng masamang espirito ang katawan ni Sokra.
Pinahiran ng HAS ang noo, mga talukap ng mata,magkabilang tenga at labi ni Sokra
ng kanyang lola.

Ang HAS ay abo ng mga ninunong manggagamot nila Apo Duma at Sokra na hinalo sa
langis ng niyog.

"Wag kang mataranta apo. Dahan-dahan kang bumalik sa katawan mo." sabi ng
kaluluwang si Apo Duma sa kaluluwang si Sokra. At yun na nga ginawa niya. Nakabalik
si Sokra sa kanyang katawan.
Pumikit na ang kanyang mga mata.

Dumating na si Tasyo at kaagad kinarga sa kanyang braso si Sokra. "Ce-Cello u-uwi ka muna. Tsa-tsaka na lang laro. Hatid ko na si
Sokra sa kanila." Wika ni Tasyo habang naglalakad at karga si Sokra.

Sumagot si Cello. "Oo, ingatan mo si Sokra ah, Kuya Tasyo."
Habang tinitignan ni Cello sina Tasyo at Sokra papalayo "Sana okay lang si Sokra," may naaninag siya sa gilid
ng kanyang mata. Lumingon siya sa kaliwa para tignan. Nanlaki ang mga mata ng bata,
nakita nya ang isang misteryosong manghuhula na si Eib-rab sa hindi kalayuan.
Nakataklob ng itim na belo, may suot na puting kwintas, may burdadong tinta sa ulo at
matalim ang mga mata ng manghuhula. Agad napakaripas ng takbo pauwi si Cello.

Nakarating si Tasyo sa gitna ng bundok kung saan naghihintay si Apo Duma. Inihiga ni Tasyo si Sokra sa pagpag na gawa sa kawayan na nasa labas ng barung-barong.

"Salamat Tasyo sa paghatid ng apo ko dito," pagkasabi ni Apo Duma na pinupunasan ng
basang malambot na tela si Sokra.

Humingi ng maiinom na tubig si Tasyo na humihingal at pawis na pawis. "Kailangan
na malaman ni Sokra ang tungkol sa kanya at ang tungkol sa Astal," diretsong pagkaka-
sabi ni Tasyo habang pinagmamasdan ang walang malay niyang kaibigan.

Takip-Silim. Kulay kahel na ang kalangitan at papalubog na ang araw.
Nakadungaw sa bintana si Cello sa kanilang bahay. At pinagtatanto pa din kung ano ang mga nangyare. Nilapitan siya ng kanyang lolo na napagkwentuhan niya ng mga nang-
yare.

" Wala kang dapat ipag-alala sa kaibigan mo apo. Magiging ayos siya, Ang kanyang Lola ang pinakamagaling na manggagamot. Ang totoo niyan, ang Lola ni Sokra na si Apo Duma ay aking guro sa panggagamot. Sa tala ng buhay ko na pagsama-sama ko noon sa kanya hindi pa ako nakakita ng taong hindi niya napagaling." Pagmamalaki ni Mang Alberto kay Apo Duma.

"Kaya pala magaling din si Sokra kase magaling yung lola niya? "wika ni Cello.

"At yung kaibigan mo si Sokra. Natutuwa ako sa batang iyon, pati mga hayop kaya niyang gamutin. Maiba ako apo. Ikaw ba ay gutom na?" Mang Alberto.

Umalis na si Tasyo sa bundok. Nakahiga na sa loob ng kanilang barung-barong si
Sokra. Dumating naman si Tonio para kamustahin si Sokra.

"Nasa loob ang bata, wala pa
din malay. Mga ilang araw bago din siguro bago siya magising." sagot ni Apo Duma kay Tonio.

Iniabot ni Tonio ang mga halaman para gawing gamot at malaking parte ng karne
ng baboy ramo na nahuli niya sa gubat. Binigay na din ni Tonio ang ahas na nakita niya.

SOKRAWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu