My lips trembled hard and my vision blurry. What... what happened to him? Bakit ito ang pinili niyang landas?

Draven lowered the gun and gently drew it into my grip. Nabitiwan ko iyon habang natutulala. Gumalaw ang aking panga at pinigilan ang pagbuhos ng emosyon sa akin ngunit nabigo ako.

He was a good friend. Kahit ang mali ang landas na pinili niya, hindi ko nakalabit ang baril na hawak dahil sa mga memoryang umatake sa aking isip.

"What happened to him?" I asked with so much disappointment.

Gumalaw rin ang panga ni Draven at kita ko sa kanyang ekspresyon ang pagiging dismayado.
Mariin akong pumikit. Narinig ko ang tinig ni Arthur na tumutulong sa pagpapatayo ng mga bisita at ang pagpasok ng security team sa loob.

"Ayos lang ba si Ma'am?" it's Arthur's voice.

"She's fine," ani Draven sa medyo matigas na tinig.

Pinalis ko ang mga luhang bumuhos at tiningnan ang kaguluhan. Yumuko si Draven at dinungaw ako. I looked at him straight in the eyes. Seryoso ang aking ekspresyon habang kontrolado naman ang kanya.

"Hindi kana dapat pumasok," aniya.

"He ruined the cctv cameras. We lost the angles. Nagpanic ako. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari rito."

"Then you should have wait for the security to handle it."

Nanliit ang mga mata ko kay Draven. Oo at iyon naman dapat ang tamang gawin sa ganoong sitwasyon ngunit nag-aalaa ako! Lalo na't nasa loob siya! Hindi ko alam kung humihingi pa ba siya rito kasama ng iilang mga bisita! Baka may napahamak na!

"Bakit ka rin pumasok? You should have wait for the security team to handle it," giit ko.

His brows knitted. "If I didn't come in, hindi niya palalabasin ang iba."

I gritted my teeth. Kung hindi lang kami nasa gitna ng kaguluhang ito, baka pinahaba ko pa ang pagtatalo.

Hindi ko nasundan ang nangyayari ngunit ang sigurado ay walang nadamay na inosente. Nadakip ang isa sa kasabwat ni Trison habang wala pa akong balita sa kanya ngunit narinig ko sa security team na hinahabol nila ito.

Nasa loob pa rin kami ng function hall ni Draven. Nakadungaw pa rin siya sa sa akin at pinapakiramdaman ang ekspresyon ko habang pilit ko nang pinapakalma ang sarili.

Napansin ko ang pagpasok muli ni Kaycee Williams. Sa kanyang likuran ay ang tatlong pinaghihinalaan ko. Which means they arent part of Trison's group? They're an alley? Mga pulis?

"Who fucking sent the other group?!" Kaycee Williams glared at me.

Nakita ko ang pagsunod ni Colonel Chavez. Pumasok din ang Chief ng security team. The team leader of the private armed group joined them.

"It's my Lola's—"

"Your Lola?! Sino siya para makialam sa operasyong ito?!" Kaycee Williams' voice thundered.

"Calm down, Ma'am," ang Chief.

"Calm down?! Nakatakas ang subject, Chief! This is a classified mission we built for years, it's the reason why we didn't alert the other group!" si Kaycee Williams.

Colonel Chavez looked at me critically.

"Hindi namin alam na classified mission pala, Ma'am. We are not informed about it," ang team leader ng private armed group na kita ko ang pagsisisi.

"Your team clashed on the elite unit and ruined their plans! Dahil sumali kayo! Nagulo at nakatakas! Nalito niyo ang elite unit!" halos sumabog ang tinig ni Kaycee Williams sa buong function hall.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Where stories live. Discover now