I noticed Draven advancing. Alisto ang kanyang galaw hanggang makarating sa harapan ko. His massive body covered my vision. Kinasa niya ulit ang baril habang ang kanyang ulo ay gumalaw para lingunin ako saglit.

"Masakit 'yon ah?" halakhak ni Trison.

"Shut up or I'll shoot your head!" si Kaycee Williams na nanggigigil.

"Hmm, parang mali ata ang na hostage ko? Ang sabi mahinhin daw? Is that you or..." nakangiti pa rin si Trison.

"Anong nangyari sa'yo, Trison?" hindi na napigilan ng aking bibig.

I saw the distraction I made. Kaycee Williams glanced at me. And since she's not looking at him, Trison used the opportunity to shift his position swiftly.

Ibinalik ni Kaycee Williams ang tingin sa kanya at nagpaputok sa pinaglipatan  niya ng posisyon. Mabilis na yumuko si Trison at nagtago sa likod ng isang push cart kasabay ng pagkabasag ng salamin ng bintana sa harapan dahil doon tumama ang bala.

The white curtain of the window dance slightly. Sumilip si Trison sa gilid ng push cart kaya alisto kong itinutok ang baril doon. Muli siyang nagtago. His shadow reflected on the floor when the golden hour of the afternoon peeked into the room through the broken window.

Two of the men restrained his accomplice, the girl in the champagne glass pointing the gun at him, Draven standing directly in front of me with his gun pointed at Trison's location, and Kaycee Williams also in her alert stance while gripping her gun.

The thirst to shoot Trison gleamed in her eyes. Trison remained behind the food cart, probably trying to escape through the broken window.

Nanatiling nakadapa ang iilang naiwan. Walang nangangahas tumayo at madamay. I am sweating bullets and I am nervous because of the ongoing tension.

I know that there's a sniper on stand by. At alam kong kaya hindi siya agarang makakilos dahil pinaliligiran na siya.

But just like how I predicted it, he stood swiftly and went to the broken window. He was about to jump when he heard my shout.

"Surrender, Trison!" I shouted.

Lumingon siya sa amin. Tatlong baril ang nakatutok sa kanya galing kay Draven, sa akin, at kay Kaycee Williams.

"Trison," si Draven ngayon ang tumawag sa kanya.

The rays of the golden hour kissed the side of his face. Marahas na nag-akyat baba ang aking balikat habang nagtatagis ang aking bagang. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa baril ngunit... hindi ko man lang makalabit.

Kahit anong sigaw ko sa aking utak sa dapat kong gawin, nabibingi ako sa tawanan ng nakaraan. Nabubulag sa memoryang ilang taon nang lumipas. Kung gusto mo siyang tulungan na maayos ang buhay niya, huwag mong kunsintihin, Ashtraia!

Bago ko pa man iyon makalabit ay may umalingawngaw ng baril. My eyes narrowed when Trison lost his balance and fell. O masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi ko makumpirma kung kusa ba siyang tumalon ngunit alam kong may nagpaputok at mukhang... tinamaan siya.

Tumakbo patungo si Kaycee Williams at dinungaw ang ibaba.

Two of the men pulled Trison's accomplice up. Nagmura ang babae at tumakbo patungo sa bintana para dungawin iyon.

"Alert the elite unit outside! The target is on the run!" Kaycee Williams shouted.

Hindi ko halos maramdaman ang sarili. Nakatutok pa rin sa kawalan ang hawak kong baril.

"Ashtraia," umalingawngaw ang marahang boses ni Draven at ang malambot na pagpatong ng kanyang kamay sa mga kamay kong marahas ang pagkakahawak sa baril.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ