Humalukipkip ako at inismiran siya. "Anong problema mo? Bakit ang lalim ng iniisip mo?"

Kaagad naman siyang napaiwas ng tingin kaya naiinis na dumukwang ako at sinapo ang mukha niya saka pilit na pinaharap sa'kin. "Ano nga?"

Napabuntong hininga siya at saka hinawakan ang kamay ko para tanggalin. "I need to go back to the Philippines"

Napakurap-kurap ako at saka unti-unting napaupo sa upuan ko. "B-bakit?"

Nakakapagtaka lang. Ang sabi nya sa'kin noon ay wala na daw rason para manatili siya sa Pilipinas kaya mas minabuti na lang nyang dito sa London manirahan. Kung may makakapagpauwi daw sa kanya ay trabaho lang daw yun at wala ng iba.

Kumuyom ang mga kamay niya. "Pinapahanap sa'kin ni Daddy ang pamangkin ko"

Lalong napakunot ang noo ko. Ang alam ko kasi ay hindi maganda ang relationship nila ng mga magulang niya dahil mayroon na itong kanya-kanyang pamilya. Nasa Sweden ang Daddy nya habang nasa Texas naman ang mommy nya. May communication pa rin naman sila pero ang alam ko ay hanggang kamustahan lang sila pag nag-uusap. "P-pamangkin? Sa Pilipinas? P-paano? "

Napabuntong hininga siya. "I had an older brother. Hindi kami close dahil sa Tita ko siya lumaki. Naglayas kasi siya noong palaging nag-aaway sina Mommy at Daddy. Ako naman ay nanatili sa bahay hanggang sa magdecide ang parents kong maghiwalay. Naunang umalis si Daddy kaya naiwan ako kay Mommy. Then, after kong grumaduate ng high school, si mommy naman ang umalis. Hindi na ako nagpaampon sa mga kamag-anak ko dahil kaya ko na namang mag-isa. May sustento namang binibigay ang mga magulang ko. Okay na yun. Hindi na rin ako nakibalita kay Kuya dahil para sa'kin ay iniwan nya ako sa ere. Kinalimutan ko ng may kapatid ako"

Kitang-kita ko ang pangingilid ng luha niya kaya napatayo ako sa pwesto ko at mabilis na lumapit sa kanya para haplusin ang likod niya. Kaagad naman siyang napayakap sa akin at sumubsob sa tiyan ko. "Until one day, nakatanggap ako ng tawag mula kay Tita. N-namatay daw ang kuya ko"

Tuluyang napahagulhol na siya. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil first time ko lang siyang makita na umiiyak. Ang pagkakakilala ko kasi sa taong 'to ay mayabang at sakit ng ulo. Hindi ako sanay na ganito siya. "Nung namatay si Kuya, nakumpleto ulit kami nina Mommy at Daddy sa libing niya. Gusto kong maging masaya pero paano? Hiwa-hiwalay na nga kami tapos nawalan pa kami ng isang miyembro"

"Simula noon, lalong naging madalang yung usapan namin ng mga magulang ko.  Parang simula nung nawala si Kuya, kinalimutan na rin nila ako hanggang sa nasanay na lang ako. Nasanay na lang akong nag-iisa." hindi maiwasang maging ako ay mapaluha na rin. Ramdam na ramdam ko yung lungkot niya.

"Then last week, tumawag sa'kin si Daddy. He's dying and his last wish is to see his first grandchild. Akala ko, inuobliga niya akong magkaanak pero mali pala. Gusto nya palang hanapin ko ang anak ni Kuya" pagak itong natawa. "Ni hindi ko nga alam na may anak pala si Kuya. Saan ko naman hahanapin ang batang yun? Pero syempre, hindi ko pwedeng ipagkait sa Daddy ko ang kahilingan niya. Magulang ko pa rin siya kahit iniwan nila akong nag-iisa"

Hindi ko maiwasang mapangiti. May soft spot din pala ang mayabang na 'to. Nanatiling nakayukyok siya sa'kin habang hinahaplos-haplos ko ang likod niya. "Tahan na. Kailan mo balak umuwi ng Pilipinas?"

Nag-angat siya ng ulo at saka sinalubong ang tingin ko. "Sasamahan mo ako?"

Natawa ako at saka pinisil ang ilong niya. "May anak akong binubuhay, remember? Kailangan kong kumayod"

Napasimangot siya. "Sabing pakasalan na lang ako para ako na lang ang mag-aalaga sa inyo"

Naiiling na lumayo ako sa kaniya. "Di nga pwede. Tama ng sugar daddy nalang kita"

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon