CHAPTER ONE

4 1 0
                                    

MICHELSKI

ㅤㅤ
ㅤㅤ
I ROLLED my eyes for the nth time today as I glanced at my watch to check the time at nalula ako nang ma-realize kong halos three hours na kaming nakapila! Sunod kong tinignan ang katabi ko na hindi man lang nakakaramdam ng ngalay sa ilang oras namin na nakatayo dito sa mall.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Ilang oras pa ba bago tayo makaalis dito, Zoie? Bibili lang naman tayo ng album pero bakit ganito kahaba yung pila?” Hindi ko na naiwasang maimbyerna dahil sa sobrang bagot.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
Nilingon niya ‘ko at gaya kanina ay hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mukha niya dahil sa sobrang excitement. Niyaya niya akong samahan siya sa mall para bumili ng album nung favorite niyang band. Kung alam ko lang na ganitong parusa ang haharapin ko sa pagsama ko sa kanya? Nag isip nalang sana ako ng palusot para hindi siya samahan.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Eeh…” Zoie quickly whined. “Malapit naman na tayooo~ Konting tiis nalang Michie. Promise! Pagkatapos nito sasamahan kita sa cosplay event na gusto mong puntahan next week!” pagmamakaawa niya sa ‘kin at sinubukan pang magpa-cute na wala namang effect sa akin ngayon.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
I just sighed and nodded in response, kaya naman agad niya rin akong niyakap. Wala naman akong ibang choice dahil pagdating sa kanya hindi ako makatanggi. Isa pa, kahit hindi niya ako samahan next week ay ayos lang sa akin. Important event ‘yon kaya kahit wala ang presensya niya makaka survive pa rin ako sa mismong event.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
Ilang minuto pa ang lumipas at FINALLY nakapasok na kami sa loob ng shop. My legs almost gave out during the time we were standing outside. Para kaming pumila sa sinehan na may blockbuster na palabas or pumila sa bilihan nung tickets ng isang sikat na K-Pop group. Usually, hindi naman ganito sobrang kahaba ang pila tuwing nag re-release ng album ang favorite band ni Zoie pero nabanggit niya sa akin kanina na merong special event kaya nagpapaunahan ang mga fans na bumili ng albums nila.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Hi! Bibili po ako ng ten — uh… No! Fifteen new albums ng NO NAME!” Narinig kong sabi ng kaibigan ko.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
What…? FIFTEEN ALBUMS?!
ㅤㅤ
ㅤㅤ
Aanhin niya ‘yung ganoong kadaming albums? And… ano ‘yung ‘NO NAME’? Is that the name of the band that she likes? Kung oo, ang weird ng name!
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“That will be 17,805 pesos po,” nakangiting sabi ng cashier.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Okay! Tumatanggap ba kayo ng credit card?” sabi naman ng kaibigan ko at pinakita ang card niya. Tumango ang cashier at agad na inasikaso ang order ni Zoie.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
Natameme ako habang pinagmasmasdan ang cashier na inaayos ang albums sa lalagyan. 17,805 pesos?! Gaano ba kamahal ang presyo ng isang album? Pwede mo nang ipang-negosyo ang ganyang lalaking halaga.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Anong gagawin mo dun sa albums? Ang dami mong binili,” bulong ko kay Zoie na siya namang may malawak na ngiti habang pinagmasmasdan ang ginagawa ng cashier.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Explain ko mamaya,” sagot niya at hinawakan ang paper bag na inabot ng cashier. “Thank you!”
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Next in line please!” sigaw ng cashier at tumingin sa akin. “What about you ma’am?”
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Huh?” I confusedly asked. “Hindi ako bibili—”
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Oh! Bibili rin siya ng album, ten pieces! I will pay!” hirit ni Zoie pero agad ko siyang pinigilan at sinabihan na bibili lang ako ng isa.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
Ang sabi ng cashier, sayang naman daw kasi kung hindi ako bibili lalo na kung nagsayang ako ng effort para pumila ng mahaba. Ngumiti lang ako at nilingon ang kaibigan ko na abot hanggang tenga ang ngiti saka ko ito binigyan ng masamang tingin.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
I took the album and I’m also the one who paid for it, ayokong magkaroon ng utang sa best friend ko kahit pa napilitan lang ako na bilhin ‘to. Ang mahal pa man din ng album… 1k plus ang isa! ‘Yung budget ko pambili ng books nabawasan na tuloy. Hays.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
Zoie and I left the shop at naabutan namin ang madaming fans na naghihintay pa rin sa labas na halatang naiinip na. Ako ‘yung naaawa para sakanila pero ginusto nila ‘yan e. Need din nilang mag suffer kagaya ko. Pagkatapos nga namin mamili ay dumiretso na kami ni Zoie sa isang café dito na rin mismo sa loob ng mall at dun na ‘ko nakahanap ng chance para mag-rant sa kanya ng malala.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Ano ba talagang trip mo, huh? Next time talaga hindi na kita sasamahan sa gano’ng kahabang pila kahit lumuhod ka pa sa harapan ko!” singhal ko sa kanya at tinawanan niya naman ako.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Sorry na nga e! Eto naman, last na ‘to promise. Hindi ko kasi pwedeng palampasin yung opportunity na ‘to Michie. Sa albums na binili ko nakasalalay ‘yung chance ko na mameet si K!”
ㅤㅤ
ㅤㅤ
K na naman,” I said and sarcastically smiled at her. “Sana nga swertehin ka dahil kung nasayang lang ‘tong effort ko na samahan ka ngayon — I‘ll sue you, Zoie Selveste!”
ㅤㅤ
ㅤㅤ
Ngumiti naman siya ng malapad bago nag-cross fingers. Ugh! Hindi niya talaga sineseryoso ang mga sinasabi ko sa kanya.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Care to explain, like why do you have to buy so many albums? Para ba sa fan meeting ‘yan?” tanong ko sa kanya habang patuloy ang pagkain ng strawberry parfait na in-order ko kanina.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
Zoie cleared her throat, “Hindi lang kasi basta para sa fan meeting kundi FAN SERVICE!” she excitedly exclaimed. “Ngayong year ang first anniversary ng NO NAME at sabay sa comeback nila this week ang celebration nun. May rumor na kumalat these past few days na bilang gift sa mga fans, magkakaroon sila ng special event at ang isang lucky fan na makakakuha ng black ticket na nakalagay sa nag-iisang specific na album ang maswerteng makikita ang favorite member niya sa band — in person!”
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Oh… tapos? Rumor lang naman pala. Paano kayo nakaka sigurado na totoo ‘yang special event?”
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Basta! Nagbigay rin naman ng hint yung management ng NN at saka ‘yung rumor na ‘yon galing din mismo sa isang staff na nag ta-trabaho sa kanila. Totoo man o hindi, ‘di ba exciting ‘yon? May isang lucky fan na makikita at makakasama ang isang member ng NN! Sa unang pagkakataon, once in a lifetime chance lang ‘to Michelski!” naiiyak na sabi niya.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
Once in a lifetime opportunity? Kung ganoon, sobrang importante nga nitong event para sa mga fans ng band na ‘yon. Kung ako yung nasa sitwasyon niya na magkakaroon ng special event ang idol ko, paniguradong pareho lang ang gagawin ko. Kaso… mahirap pa ring mag expect lalo na kung rumor palang.
ㅤㅤ
ㅤㅤ
“Nakwento ko naman sayo before na isang mysterious band ang NN, ‘di ba?Walang nakakaalam sa real identity nila.” Zoie said and takes a bite of her red velvet cupcake. “Yes, napapanood namin sila, naririnig ang boses pero hanggang doon lang dahil nga meron silang bandages sa ilang part ng mukha nila at initials lang ang alias na gamit nila bilang screen name. Wala pang nakakatukoy kung sino ba talaga sila behind the camera.” Iwinagayway ni Zoie ang dessert fork na hawak niya habang nag-ku-kwento tungkol sa paborito niyang banda.

NO NAME [ON GOING]Where stories live. Discover now