Sanay na siyang pag-ukulan ng titig ng mga lalaki. Paghanga man o pagnanasa ang tingin ng mga ito. At hindi na niya iyon pinagtatakhan. Modesty aside, alam niyang maganda siya. She had deep-set almond-shaped eyes, matangos ang ilong kaysa sa karaniwan. Natural ang tuwid at itim na itim niyang buhok which complemented
her fair complexion. Hindi siya kataasan, five-feet and four-inches tall. But she had a voluptuous body which never failed to get her a second look.

At sinanay niya ang sarili upang hindi na maapektuhan pa ng titig at sulyap ng mga lalaki. Pero hindi sa pagkakataong iyon. It was impossible to ignore this man. He was very attractive-almost dangerously so. Kulay-pulot ang balat nito. At ang seryosong mukha ay higit na pinatapang ng malalim na mga mata at makapal na mga kilay na nagsalubong sa puno ng matangos nitong ilong.

At kanina, nang magtama ang kanilang mga mata, tila hinihigop siya ng mga iyon. At may pakiramdam siyang kanina pa sila pinagmamasdan ng lalaking ito. That she was no stranger to him-sapat upang hindi siya mapalagay.

Hindi rin imposibleng narinig nito ang lahat ng pinag-usapan nila ni Ramil. Baka nga iniisip pa nitong ang pag-uusap nila'y lovers' tiff. Una'y hinahayaan niyang nakakulong sa mga palad ni Ramil ang kamay niya.

Pangalawa, they were almost whispering. At karaniwan na sa mga eavesdropper ay amusement ang nakikita sa mga mukha kapag nakakarinig ng away ng magkasintahan. But
amusement was far from what she saw on his face. It was more of a disgust. At gusto niyang makaramdam ng ginaw sa titig nitong sadyang hindi inaalis sa kanya.

Alarmed, bumaling siya kay Ramil. "I'd like to go home now, Ramil. Maaga pa ang alis ko bukas at nais ko nang magpahinga."

"Of course," atubiling sang-ayon ni Ramil. Kinawayan ang waiter. "Gusto mo bang sunduin kita bukas at ihatid sa airport?"

Mabilis siyang umiling. Kahuli-hulihan niyang
gugustuhing maihatid nito. "Thank you pero hindi na kailangan. Tumawag na ako sa isang taxi company kanina sa opisina at susunduin ako bukas ng alas-singko."

NAHINTO sa pagbubukas ng gate si Lilia nang hawakan ni Ramil ang kamay niya. Hindi niya inisip na bababa ito ng kotse at sumunod sa kanya. "Hindi mo man lang ba ako iimbitahang magkape?" wika nito. "Wala pa namang alas-onse, ah."

"Sa ibang pagkakataon na lang, Ramil. Gusto kong magpahinga nang maaga." Binawi niya ang kamay mula rito. "I have an early flight and I have to be at the airport at least one hour earlier."

"You know I want to marry you, Lilia." Mas
determinado ang tinig nito sa pagkakataong iyon.

Lilia sighed impatiently. "Marriage is out," walang interes niyang tugon. "So far, iyan ang kahuli-hulihang bagay na maaari kong isipin, Ramil."

"What have you got against marriage?" di-
makapaniwalang bulalas nito. "Sa pagkakatanda ko'y engaged to be married ka sa isang writer natin..." Sandali itong nag-isip. "Ano na nga ba ang pangalan niya? Isang linggo pa lang ako sa opisina nang mabalitaan ko iyon..."

Napilitan siyang humarap na kay Ramil, sumandal sa gate. Mabuti pa nga siguro'y sabihin na niya rito ang isang dahilan kung bakit hindi para sa kanya ang anumang
romantic involvement.

"I was. Not so long ago," aniya matapos ang isang buntong-hininga. "Kay Tony Ventura..."

Ang totoo'y pangalawa si Tony sa mga naging
kasintahan niya. Nauna na rito si Henry Mendez. Dalawang semester na lang at magtatapos na siya sa kolehiyo.

Napapayag niya ang mga magulang na sa Maynila tapusin ang pag-aaral so she could at least find a job. At napasok siyang cashier sa isang kilalang food chain. Doon niya nakilala si Henry, ang manager ng food chain.

ALL-TIME FAVORITE: Sinner or SaintDonde viven las historias. Descúbrelo ahora