I scoffed and licked my lowerlip. Wait until I get there, Trison. Ako mismo ang bubugbog sa'yo. Tingnan natin kung makangiti ka pa!

"Papasok ako," Draven suggested.

Marahas ang pagkakalingon ko sa kanya. I glared at him.

"At sinong may sabing papasok ka? Para ano? Para makapag-usap kayo nang masinsinan?" ngisi ko sa nakakalokong paraan.

His jaw clenched. Tiningnan niya si Colonel Chavez.

"Papasok ako," he repeated.

The security team told him to stay still and wait for their signal.

"Umupo muna kayo Sir," the Chief handled him gently.

Draven remained on his ground. Gumalaw ang aking panga nang makita ko ang desperasyon sa mga mata niyang pumasok roon. For what? So he could convince Trison? Tingin niya matimbang pa ngayon ang naging pagkakaibigan nila noon? He's probably on drugs too! Kung parte siya ng malaking sindikatong iyon, hindi na ako magtataka sa mga naging gawain niyang ilegal lalo na't nakulong din siya!

Sa iritasyon, ako ang humila kay Draven patungo sa sulok ng control room kung nasaan ang upuan.

Marahas ko siyang pinaupo. His huge frame is out of proportion to the solitary chair he has occupied. With his parted legs, the intensity in his eyes for the ongoing tension, made him looked dark.

Ang pag-upo niya ay sinabayan niya ng pag-abot sa aking siko. Nahila ako payuko kasama niya. Our face leveled. I gritted my teeth when I realized what we had done before this crisis.

The Colonel stood and went out. Tumingin saglit ang security team sa pagsara ng pinto, sumabit ang tingin sa amin ni Draven ngunit mabilis na ibinalik sa cctv.

"If you think I am part of this then let me participate," he said in a low tone seriously.

May kung anong sumugat sa dibdib ko. He's risking his life because I accused him of being part of them. It was a spur of the moment's accusation. I was too angry to realize that I'm barking at the wrong tree.

O siguro nga, nakatatak na sa aking isip na ang mga ginawa ng aking angkan sa nakaraan ay babalik at babalik din sa amin.

"They won't easily let you in. They will buy some time to find an opening to arrest him. At tingin mo papayag akong pumasok ka roon?" I hissed.

He looked at me intently. Nagtagis lalo ang aking bagang nang unti-unti kong makita sa kanyang mga mata ang pagkalma.

"If he wants me, I'll go in; it might help save the lives of the victims inside," he replied quietly.

Oo at tama naman na dapat ay mag-alala siya. Nag-aalala rin naman ako. Hindi nga lang kay Kaycee Williams kundi sa lahat ng mga taong naroon.

Ngunit mas malaki ang pangamba sa akin na papasok siya. Kahit na may parte sa akin ang kumbinsidong baka siya ang nasa likod nito, hindi ko pa rin siya magawang ilagay sa sitwasyong ikakapahamak niya.

"What for? Convincing your boss to provide the weapons he needed? Tingin mo ano ang gagawin niya roon, Draven? Clearly he has another plan. Bigger than this hostage crisis," giit ko.

Matagal ang paninitig niya at nag-iisip.

"Ako ang papasok doon kung papayag si Colonel Chavez," I said in a low tone that made his expression aggressive.

"You are willing to throw yourself in because your secretary is there?" may tabang sa tinig niya.

What? Hindi lang para kay Arthur kundi para na rin kay Kaycee Williams, sa iilang empleyado at mga bisitang inosente! Baka nga siya ang desperadong pumasok doon dahil naroon ang anak ng kanyang boss!

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Where stories live. Discover now