Chapter 1

741 38 4
                                    

Naimulat ko ang aking mata dala nang ingay ng alarm clock na nasa tabi ko. Tumayo ako ng dahan-dahan habang pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin, minsan napapa-isip nalang ako kung kilala ko pa ba ang sarili ko. I don't really get what's happening with my life right now, all I know is I'm try to survive... like I'm barely living.



Tumungo ako sa banyo para maligo, as usual doing my skincare routine and everything pero habang pumapatak ang bawat tubig sa aking katawan ay naalala ko ang aking nakababatang kapatid, ang ngiti sa kanyang labi bago siya pumanaw, sa pagpikit ko ay hindi ko namalayang may pumapatak na palang luha dala nang sakit ng nangyari at pagkawala ni Maya. Yes, I admit that everything that happened that day is my fault, if only I knew I couldn't take care of her properly hindi sana siya nawala sa amin.

Hindi nagtagal at natapos na rin ako sa pag-aayos ng akin sarili, I am wearing my school uniform, trying to bun my hair and put something on face para hindi naman halatang suicidal ako.



"Ano ba! wala ka bang ibang magawa kundi ang iminom ng alak?" Nadatnan kong tugon ni Mama kay Papa na ngayon ay nakahilata sa sahig habang nilalaro ang basong may laman ng alak.



"Pabayaan mo nga ako!"



"Tanggapin mo na ang katotohanan na wala na si Maya, ano pa bang magagawa natin?" Naiiyak na sambit ni Mama.



"G-ganon lang ba kadali para sayo tanggapin ang pagkawala niya?!" Napaupo si Papa habang hinahawakan ang kanyang ulo.



"Anak ko rin si Maya, anong gusto mong gawin ko, mag mukmok nalang at patuloy na mag luksa? Isipin mo rin na andyan pa si Dionne!" Itinapon ni Mama ang hawak-hawak niyang baso sa sahig dahilan ng pagka gulat ko.



"Ma! ano bang ginagawa n'yo?"

"D-dionne?" Nagulat na tugon niya.



"Pagod na pagod na akong nakikita kayong nag-aaway, pwede ba tama na?" Lumabas ako ng pintuan habang umiiyak, napapagod na akong nakikita silang nag-aaway, minsan napapasok na sa isipan ko na gusto ko ng mawala sa mundo, gusto ko nang sumama sa kapatid ko.



Papasok ako sa paaralan na mugto ang aking mata, dumeretso agad ako sa kabilang building at saktong nakasalubong ko ang aking professor.



"Dionne, can you spare me a time?" Bigla naman akong nagulat sa sinabi niya.



"B-bakit po?" Pagtatakang tanong ko.



"Gusto ko lang pag-usapan ang naging performance mo sa klase ko, masyadong malaki ang pinagbago mo Dionne, you even failed in my subject." Napayuko naman ako sa hiya. Alam ko naman na hindi talaga ako makapag focus ngayon, lalo na't nawala si Maya sa amin, hindi ko narin magawang maging masaya.



"Babawi lang po ako." Mahinang sabi ko.



"Dapat lang dahil ilang buwan nalang gra-graduate kana." Tumango naman ako sa sinabi niya, ilang saglit lang at umalis na siya kaya tumungo na ako sa silid-aralin.

"Oh, andyan kana pala Dionne." Sambit nang kaklase kong mahilig mambara. Tumahimik nalang ako habang nilalagay ang earphone sa akin tenga at sakto naman na gloomy sunday ang kantang aking pinapakinggan, sabi nila ang kantang ito ay para sa mga taong gustong magpakamatay. Hindi nag tagal at dumating na rin ang aming guro, pure discussion lang ang ginawa niya at ilang saglit tumunog na ang bell.



Tahimik lang ako habang nakatingin sa malayo, andito ako ngayon sa rooftop ng school tinatanaw ang magandang tanawin habang dinadama ko ang sariwang hangin na dumadampot sa aking mukha.


Makalipas ang ilang minutong pag mumukmok ng mag-isa, umuwi na ako sa bahay at unti-unting kinukuha ang sleeping pills na nakalagay sa drawer. Gusto ko ng matulog, yung tipong tulog na hindi na mumulat kahit kailan.

The Day I was about to Die [PUBLISHED]Where stories live. Discover now