"Welcome to Island of Masagana!"










MAXINE's POV.

Nauna na ako rito sa Camp Masagana, nakatayo at tahimik na naghihintay. Maya't maya kong chinicheck ang sarili sa maliit na salamin na hawak ko.








Pilit na tinatago ang kaba, at pasimpleng kinakabisa ang mga sasabihin ko sa oras na dumating na yung taong makakasama ko.

"Ma'am, nandito na daw po sila." Sambit sakin ng assistant ko. Ngumiti lang ako at tumango.









Natanaw ko mula sa malayo ang pigura ng isang lalake, nakatalikod ito. Mukhang hindi pa ako napapansin nito naisip kong magtago pero naalala ko bigla yung sinabi ni Stephanie.

"Always do the first move." - stephanie.








Pumikit muna ako at huminga nang malalim bago ko simulan humakbang papalapit sa taong 'to.










At nang makalapit na ako, siya naman itong humarap sa akin, mabilis pa sa alas kwatrong naglaho ang ngiti ko nang makita ko ang mukha nito.

"Hi?" Bati nito.











"H-hi.." tugon ko.



stephon, you tricked me! Nasan na yung morenang gwapo na sinasabi mo!















Nilinaw ko muna ang aking lalamunan bago simulang kausapin ito.

"Hi, I'm Maxine. What's ur name?" Tanong ko.












"Uh me? Uhm I'm Rob." Ngiting sabi nito. Nakacowboy hat ito at naka camouflage na terno, may whistle pang nakakwintas sa leeg nito.










Boyscout ba 'to? oh ano?










"Uhm nice to meet you Rob." Ngiting sambit ko, gosh my expectation rapidly fall.










"So shall we?" Pag aya nito.










"Uhm sure.." sagot ko, at sinimulan na namin libutin ang gubat.











GABB's POV.

"I swear, I'm starting to fall in love in this place." Ngiting ngiti na sabi ko.







Habang nilalakad ang mabatong lugar na ito, na nagtataasan ang mga puno. Sa sobrang excite ko hindi ko namalayan ako na lang magisa ang naglalakad sa mapunong lugar na 'to.







Pano nga ba humantong sa ganito? Simple lang, nagpaalam lang ako na magsi-cr kaya eto ako ngayon.., kung saan saan na napunta.








Mas una ko pa atang makikita ang lagusan papasok ng encantadia bago makita yung cr.








Bigla ko naman napagtanto na "kaylan pa nagkaroon ng cr sa gubat?" At nag eexpect pa ko ng may bidet ah?






"Hello!! Nasan na kayo!" Sigaw ko dito.










Nakailang sigaw na ako hangang sa napagod na rin ang aking lalamunan. mapagdesisyonan ko nang wag na silang hanapin. Dahil ito naman talaga yung kelangan ko, ang mapagisa.












Kanina pa ako naglalakad lakad na lang ng magisa, pero bakit parang hindi ako nakakaalis sa lugar nito. Hindi kaya't naliligaw na ako? Oo Gabb, kanina ka pa naliligaw.










You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now