Chapter 7

33 27 3
                                    

Melody POV.

Kaya naman sa susunod na araw, linis na ang inatupag ko. Hindi na ako tumingin sa banda niya at hindi naman siya nagsasalita ang tanging narinig ko lang ay tikhim habang nalilinis ako.

Siyaka ngayon naman ay nagkaroon siya ng board meeting kaya makakatambay ako o makalinis ng hindi kabado sa opisina niya—

"Melody....."
Napaiktad naman ako ng mahina na may tumawag sa akin ng malalim na boses. Ba't siya nandito? Kaka-sabi ko lang nadon siya sa board meeting eh?.
Lumingon naman ako ng mahina at hindi nga ako nagkamali.

"Po?" mahinang bigkas ko.

Kitang kita ko naman sa kanyang mata na halong halong emosyon. Hindi ko alam kong  bakit ganyan siya makatingin sa akin. Tumitig siya sa mga mata ko na para bang may sasabihin.

"Paki.." sabay tingin nito sa table.
Napatingin agad ako sa mesa baka may ipalinis siya.

"Paki tawag sa cafeteria at pakisabi ng dalawang order ko." Sabi nito na naturo sa  telephone nasa tabi niya.

Hindi ko pa alam na may pagkamatakaw siya. Sinunod ka naman baka tutuluyan talaga ako nito ihagis sa labas ng building niya. Baka...may bisita siya. Siguro diba?

"Okay po." Sabi ko at dinampot ng walang pag aalinlangan ang telepono.

Gusto ko sanang itanong kung bakit ang bilis niya nakabalik diba may board meeting siya , baka magalit naman to.Anong bang pake ko..ayst.

Napatingin ako sa kanya. Umupo ito sa kaniyang swivel chair at pinapanood niya ako. I don't know but I felt nervous the way he looked at me.

"Uhmn. Good noon. This is Melody.
Ahh pinasabi ni , Sir Zack na dalawang order ng lunch niya at ihatid dito sa opisina niya." Saad ko na nasa linya ng telepono.

"Oh? Sige, salamat Melody. Paki sabi na kay Sir within 15 minutes dadating na ang lunch niya."

"Ok. Thanks"  siyaka binababa ang telepono.Bumaling naman ako kay Zack  na nakatingin parin sa akin.

"Sir, within  15 minutes dadating na ang lunch niyo." Sabi ko at akmang tatalikod ako para umalis. Malamang anong gagawin ko at tapos na din ako sa trabaho ko. Pero pinigilan ako ni Senyorito-este ni Zack.

"Hey. Wait!" Biglang sigaw nito sabay hawak ng kamay ko.

Napatingin agad ako sa kamay niya na  nakahawak sa kamay ko.I felt strange.  Dahil sa gulat ko mabilis ko naman iyon kinalas maski siya medyo nagulat din sa ginawa niya.

"S-sorry. I didn't meant to. I just want you to joint with me,a lunch." Mahina at nakaiwas tingin nitong hiling sa akin.

What?Niyaya niya akong magkasabay na kumain? Kailangan ba akong tumingin sa likod ko para ma icheck kung ako ba talaga ang kausap niya.Wala namang ibang tao kundi kaming dalawa.

Siguro nagkamali lang si Zack sa sinabi niya. Imposibleng niyaya niya akong mag lunch ngayon. Empleyado niya ako at Galit siya sa akin diba? At mas lalong walang dahilan na samahan niya ako sa pagkain maliban lang kung may sa sabihin siyang imporatante sa akin but pwedi naman niyang sabihin sa akin ng deritso diba?

"Hey, Are you listening to me " naka kunot noo nitong tanong. Ayan naman siya masungit.

"Po? Ano nga po ulit"

"Sit. " Bossy nitong saad sabay turo ng six- seater niyang dining table. Kung maka utos akala mo iyong Ama na parang may ginawang masama ang kaniyang anak.

Chasing the Billionaire's Ruthless Heart Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora