"For?"

"For letting me stay here. And sa pagkuha ng gamit ko sa condo kanina and pagbili ng ibang needs ko sa grocery."

"Ah . . . " Nicco smiled. "You're welcome pero wala 'yon."

And for some unknown reasons, he likes doing it too. Kahit pa inaantok siya.

Francine turned her gaze to him after wiping the sink, smiling back at him. "Thank you pa rin! Kain na tayo ng lunch? Para makapagpahinga ka na."

He nodded. "Sige."

He was the one who set the table for them. Especially when his plates were all in the bottom drawer. Nahihirapan din kasing yumuko si Francine dahil kumikirot 'yong sugat niya.

"Gumawa pala ako ng coffee for you. Tikman mo na lang if okay 'yong timpla. 'Pag hindi, add ka na lang ng milk or creamer," sabi niya kay Nicco.

He took a sip of the coffee she made for him. Napansin niya rin ang tingin ni Francine si kanya habang tinitikman niya 'yong kape.

He secretly heaved a breath when the familiar taste registered in his senses.

Gano'n na gano'n din kasi 'yong dati. He tried to replicate it for so many times but something was always lacking or sometimes, something was always too much.

And he missed her coffee, too.

"Okay lang ba?" she asked.

"Oo." He smiled.

"Sure? Hindi naman super tamis?"

"No. Sakto lang."

"Okay." Napatango si Francine. "May surgery ka ulit mamaya?"

"May isa. Assist ako do'n."

"Oh . . . mahirap ba ulit katulad no'ng kagabi?"

Nicco shook his head. "Hindi naman."

"I see."

"Ikaw ba? Wala kayong promotion ngayon para do'n sa upcoming film? Nabanggit mo kasi last time na katatapos lang ng shoot ninyo."

"Next week pa start ng promotion namin pero ang alam ko may mga naka-post ng teasers ngayon sa social media. Pero next week na 'yong interviews and guesting," sagot ni Francine.

"Kaya mo na ba next week?"

Francine wiped her lips before sipping on her water.

She shrugged. "I don't know. Ano bang advice mo, Doc?"

Nicco cracked a smile and she did, too. "Alam mo first time ko marinig sa hospital na Dr. de Silva tawag sa 'yo. Nakakapanibago pero bagay naman."

"Talaga? Bagay?"

She nodded. "Yup. Ang lakas kaya ng dating ng Dr. de Silva. Try mo."

"Hmm . . . Dr. de Silva?" he said.

"Bakit parang hindi ka sure? Try mo ulit 'yong parang tinatawag mo lang isang colleague mo."

"Dr. de Silva," he repeated. "Dr. de Silva, p'wede ba makipag-switch ng duty?" paggaya ni Nicco sa ibang kasamahan niya tuwing nanghihingi ng pabor para makipagpalit ng duty.

Francine chuckled. "Palagi ba silang nakikipagpalit sa 'yo?"

"Hindi naman. Minsan lang."

"Pumapayag ka?"

He nodded. "Oo. Valid din naman 'yong excuse nila sa akin every time nakikipagpalit sila."

"I see."

"Pero kaya mo na ba mag-promote next week?"

"It depends on your professional advice nga," sagot ni Francine.

"My professional advice?"

"Yes. Ikaw naman doctor dito and kaya ko kumilos kaunti. Tingnan mo nga o nakapagluto nga ako ng lunch natin," sabi ni Francine.

"I don't really recommend it kasi nasa recovering state ka pa. At least 2 weeks sana after your surgery before you do any work-related activities."

She nodded. "Okay."

"Okay?"

"I'll follow your advice since ikaw ang doctor. Kaya okay. I'll talk to my manager about it tomorrow na lang."

"Ah . . . sige. If kailangan mo ng any written document like medical certificate, sabihan mo na lang din ako. I'll make you one."

She smiled. "Okay, Dr. de Silva. Thank you."

Hindi nakasagot si Nicco do'n. There was something about her addressing him like that. So he just sipped on his coffee instead because he could feel his cheeks getting warm.

"Iwan mo na lang pala 'yong mga pinagkainan natin. Ako na maghuhugas," sabi ni Nicco.

"What? No. Ako na lang. Kailangan mo na matulog may surgery ka pa kamo later."

"Ako na maghuhugas. Ikaw na nagluto kanina," sagot ni Nicco.

Francine shook her head. "No," she said with finality. "Magpahinga ka na. Kaya ko maghugas ng plates. Nakatayo lang naman ako sa sink kaya I'm fine. And you have to rest. Makinig ka sa patient mo, Doc."

"Professional advice mo rin ba 'yan?"

"Yup! Professional advice of a concerned friend."

Through the Nightsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें