CHAPTER 17

119 4 0
                                    

CHAPTER 17:

NAIINIS KONG NILINGON ang camera na hawak ni kuya West ng masilaw sa flash nito, for sure epic na naman ang mukha ko don sa litratong nakuha niya.

"It's been a weeks simula nong manligaw ako sayo, wala ka pa bang plano na sagutin ako?"

Tinaasan ko siya ng kilay ng marinig ang sinabi niya, hindi naman halata na nag mamadali siya diba? May lakad ba siya kaya gusto niya ng sagot agad?

"Ako parin ba?" out of the topic kong tanong.

"What kind of question is that?"

Nilingon ko siya. "Simple question pero mahirap masagot."

"Your question again?" hiling niyang ulitin ko ang tanong.

"Ako parin ba?"

"Ikaw naman talaga palagi," sagot niya.

Hinarap ko sa kanya ang upuan bago titigan ito mata sa mata. Kahit anong kasinungalingan ng bibig talagang hindi ka bibiruin ng mga mata, dahil mas magalaw ang mga mata kaysa sa bunganga.

"Bakit? Why instead of ikaw parin iba ang sinagot mo? What is the difference between your answer and my answer?"

He sigh. "Ikaw parin means maybe naisip niya na ang ibang tao pero ikaw parin ang pipiliin niya while my answer means ikaw naman talaga palagi dahil kahit malayo ka o malapit hindi mababago non ang pag mamahal ko, never mababago ng kahit sinong panibagong karakter ng kwento ang nararamdaman ko sayo, iyon ang pag kakaiba ng mga sagot natin," paliwanag niya.

"Stop courting me then," malamig kong wika.

Nakita ko kung paano namutla ito dahil sa sinabi ko, hindi ko magawang ngumiti o tumawa kahit sa itsura niya ngayon na parang tinakasan ng dugo.

"H-hey! Ayoko nga!"

Pinaningkitan ko siya ng mata. "I said, stop courting me. Tumigil kana kasi wala namang patutungohan itong kagustohan mo, hindi ka lang magiging masaya sa piling ko."

"Hindi ko kailangan ng mga pangyayari para maging masaya sayo Doll, kaya kong maging masaya kahit kasama ka lang, wag mo namang gawin sakin to."

"Ang tigas ng ulo mo," irap ko.

"Talagang matigas pareho kaya hindi mo ko mapipilit kahit anong gawin mo," tugon niya.

"Bakit kailangan mo pang manligaw kung sinasagot na kita? Hmm?"

Nabalot ng katahimikan ang pagitan namin dalawa habang inaanunsyo ng mambabasa ang mga taong nag sipag tapos ng senior high. Kanina pa natawag ang pangalan ko at ganon din naman ang pangalan ni kuya West.

"Tama ba ang narinig ko? Damn! Hindi ba ko nabibingi lang?!"

"Lower your voice," sita ko bago tumango. "Sinasagot na kita West Clemente."

"Damn! Damn! Damn! Wait a minute," sinuri niya naman ako kung may lagnat ba o kung ano, when he confirm na wala naman akong sakit do'n lang siya nakahinga ng maluwag. "I want you to be aware na kahit tayo na liligawan at liligawan parin kita, hindi maganda tignan na sweet lang ako dahil nililigawan ka mas gusto ko yung pa-sweet ako ng pa-sweet sa bawat araw na mag dadaan," kindat pa niya bago halikan ang tungkil ng ilong ko.

Pinamulahan ako dahil sa kilig na hatid ng mga sinabi niya. Para akong nasa ulap dahil damang-dama ko talaga ang mga sinasabi nito, para sakin ito na ang pinaka nakakasweet at cringe na narinig ko pero kahit cringe para sakin hindi ko naramdaman ang pandidiri.

"Titigil ka o padudugoin ko yang ilong mo?"

"Doll naman."

"Wag mo kong artehan dahil hindi bagay sayo."

Harsh Gentleman Series 2: His Sinful Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now