CHAPTER 10

107 8 0
                                    

CHAPTER 10:

    NGAYON na ang araw na pinakahihintay ko, ngayon ang araw na kailangan kong sunduin sa airport sila Lola dahil hindi naman pala nila kasama sila Mommy, nag paiwan sila Mommy dahil marami pa daw silang kailangan asikasohin.

"Noveda? Ikaw na ba yan apo?"

Isang matandang may malapad na ngiti at kulay grey na ang buhok ang lumapit sa akin, nasa likod niya ang isang matandang lalaki na nakanguso at maraming dala.

Parang ang happy nilang dalawa at ang ganda ng pag sasama dahil narin sa magandang ngiti ng babae at kumikislap na mga mata ng lalaki. Mukhang mahal nila ang isa't-isa at matagal na silang nag sasama.

"Magandang umaga po," ngiti kong wika.

"Ikaw na ba yung anak ni Clean kay Almeera? I'm your Lolo Roi, Daddy ako ng Daddy mo," ngiti nitong pakilala at binaba ang isang hawak na maleta para mahawakan lang ang kamay ko.

"Ako naman ang Lola Clea mo at ako ang Mommy ng Daddy mo."

"Ako na po ang hahawak sa ibang bagahi niyo Lolo," gusto kong maiyak dahil ito ang unang beses na may tatawagin akong Lolo at Lola, yung talagang akin at hindi nakikisampid lang.

Nakakasawa narin makitawag sa kamag-anak ni Ella at ni Kuya West, kahit ang maki-tita o tito sa mga taong hindi ko naman kadugo. I know that should be thankful dahil kahit hindi ko sila kaano-ano mas mainit pa kaysa sa iba ang turing nila sakin, mas may pakialam pa sila sakin kaysa sa mga totoong magulang ko.

"Apo? Bakit tulala ka diyan?"

"Wala po Lola, masaya lang po ako at nakita ko ulit kayo."

"Hindi ko nga alam kung bakit ngayon lang ulit kami pinayagan ng Daddy mong umuwi dito eh bahay din naman namin ang bahay niyo, yan tuloy hindi ka naman nakitang nag dalaga at nakakabiglang parang ilang taon lang ang nag daan pero subrang laki mo na," Lolo Roi.

"Siguro may boyfriend o manliligaw na itong magandang apo ko," ngisi ni Lola Clea.

"Wala po, hindi pa naman ako pinapayagan ni daddy sa ganong bagay."

"Iyang Daddy mo talaga, palibhasa alam niyang maganda ka kaya hindi ka mahihirapan makahanap ng asawa sa hinaharap."

Tanging tawa nalang ang naisagot ko dahil alam ko naman ang totoo, walang mangangahas na ligawan ako dahil wala namang maganda sakin bukod sa mukha ko. Aminadong pangit ang ugali lalo na't hindi rin maganda ang tabas ng dila kaya hindi na ko mag tataka.

Dala ko ang sasakyan na regalo sakin ni Daddy hindi ko nga lang ginagamit dahil hindi pa naman ako nasa legal age pero dahil nga importante ang araw na ito, wala akong choice kaya ginamit ko nalang instead of renting taxi.

"Ako na ang mag mamaneho para makausap kayo ng Lola mo," kindat ni Lolo Roi.

For sure chick boy din ang isang to hindi lang dahil halata sa kanya ang pagiging gwapo nong kabataan pa kundi mas halata sa gawi niya at pananalita.

"Thank you Lolo."

Natapos ang byahe namin na puro kwentuhan lang about kung paano nag kakilala sila Lola at Lolo, kung paano rin nanligaw si Daddy kay Mommy na halos daw mailap sa tao. Hindi nga nila inexpect na magiging model si Mommy dahil sa pagiging introver nito.

"Tapos pag balik nila galing New York naging iba ang kilos ni Daddy mo, lagi siyang stress dahil sa biglaang pag tataray ng Mommy mo, then do'n lang namin nalaman na pregnant na pala siya, parang mawala ang stress sa mukha ng Daddy mo, after knowing that your mother is pregnant. Walang araw na hindi niya tinatanong sa Mommy mo kung ano ang gusto nito, kaya alam kong mahal na mahal ka nila kahit hindi man nila napapadama sayo mahal na mahal ka nila, Apo ko."

Harsh Gentleman Series 2: His Sinful Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now