HUMUNTO ANG SASAKYAN sa harap ng bahay namin at may dalawa ng sasakyan na nauna sa parking lot, isang silver na Sports Car at isang kulay pulang Roadster Car kahit malayo pa lang alam ko ng my parents owned this red Roadster Car.

"Sorry for being late po."

Bahagya akong yumuko kaya hindi ko gaano nakita na kasama pala ni mommy si tita Darlene na mother ni Dame, habang si Dame naman kalalabas lang galing kusina at kasunod nito si daddy ko.

"Maupo kana hija kanina ka pa hinihintay ng mommy mo."

Tipid na ngiti ang binigay ko. "I miss you dad," lambing ko sa ama.

Hindi ko binigyang tingin ang ina dahil hindi ako komportable sa mga titig na binibigay niya sakin. Ayoko sa paraan ng pag pasada o pag hagud niya ng tingin sakin mula ulo hanggang paa.

"Hindi mo man lang ba ko kukumustahin honey?" malambing na tanong ni mommy.

Hindi ko magawang ngumiti dahil hindi talaga ako natutuwa sa mga pangyayari.

"What's up mom."

Sinabayan ko pa ng pag tango ang sinabi bago maupo sa tabi ni Dame, nakaupo siya sa upuan na dapat sakin kaya wala akong choice kundi ang tumabi at umupo nalang sa ibang upuan.

"Bakit ngayon ka lang?" bulong ni Dame.

"Ano naman sayo kung ngayon lang ako?"

"Kanina ka pa hinihintay ng mga magulang natin, ang akala nga nila sabay tayong pupunta dito dahil sinabi kong kasama kita kanina lang."

I smirk. "Really."

Inirapan niya ang ngisi ko bago humarap sa ina na gumawa ng pekeng ubo. Ngayon ko lang naisip kung ano ba ang ginagawa ng pamilyang Ragayan dito sa bahay namin? At bakit parang subrang close ni mommy at tita Darlene?

"I heard na binisita kayo ni Wayne dito sa bahay?" tanong ni daddy.

"Yes anak, nag kasagutan pa nga itong si Dame at anak nila Wayne." Lolo Roi.

"Sinalubong niyo rin sila Mama dito? Mukhang may alam na si Noveda sa mga nangyayari," suri sakin ni mommy.

"Ano ba talaga ang nangyayari? Maybe may alam ako pero hindi ko parin naiintindihan."

Mom paused and wipe her lips. "Ikakasal kana."

"P-pardon?"

"Alam kong nakakabigla pero ganon talaga ang napag kasunduan namin ng tita Darlene mo, kung sana pumayag si Wayne sa alok ko kayo sana ni West ang ikakasal once maka-graduate ka," explain ni dad.

Bakit parang feeling ko pinamimigay na nila ko? Feeling ko hinihintay lang nila kong makatapos para ibigay sa tao na bagong nag mamay-ari sakin. Talaga bang nilagyan nila ng Doll ang pangalan ko dahil isang manika lang ang halaga ko sa kanila? Iyon ba ang ibig sabihin ng pangalan ko?

"Why? B-bakit ngayon niyo lang sinabi?" puno ng pag tataka kong tanong.

"Pag sinabi ba namin noon pa lang maiintindihan mo kami?" mataray na tanong ni mommy.

"That's not what i mean."

"What do you mean then?"

Gusto kong mag mura sa harap nila pero natatakot ako sa pwedeng sabihin ni Lola at Lolo pag ganon ang maging asal ko, i don't want them to think na wala akong respetong anak o apo. Gusto kong ilabas lahat ng hinanak ko pero hindi ko magawa dahil subrang babaw pa lang ng dahilan ko para isumbat ang pag papalaki nila sakin.

I understand them, I-i'm trying to understand them, kahit mahirap na at halos hindi ko na magawa, i'm trying and trying! I'm trying to understand their side.

"I-i want to know why are you doing this to me? Bakit parang ang bilis lang para sa inyo na ipamigay ako?"

"Hindi iyan ang gusto kong marinig sayo," madiin na wika ng ina.

"Edi ano ang gusto mong marinig sakin? Gusto mong mag pasalamat ako after knowing na ipinamimigay mo ko after my graduation? You think mag papasalamat ako na, 'Salamat dahil bumalik ka para ipamigay ako?' baka naman mas gusto mo yung lumuhod ako para makita ng mga bisita mong subra akong thankful?" puno ng pang-iinis kong sagot.

Nang gagalaiting tinuro ako ni mommy gamit ang tinidor na hawak niya, namumula ang mukha at parang kahit anong oras ay susugurin ako ng mag kakasabay na sampal.

"How dare you?! Anak ka lang kaya wala kang karapatang sagutin ako ng ganyan!"

"Pwede ko din bang sabihin na magulang lang kita kaya wala kang karapatang mag desisyon kung sino ang lalaking makakasama ko habang buhay?!" i sobbed. "After niyo kong iwan babalik kayo para gulohin ang buhay ko?"

"We're still you parents," mahinahon na sabat ni dad.

"Yeah right. Kung sino pa ang pamilya mo sila pa ang hindi alam ang nararamdaman mo, at kung sino pa ang mga taong di mo kilala sila pa ang may concern sayo," mapait akong ngumiti. "Pero kahit baliktarin pa natin ang mundo at bigyan ako ng Diyos ng pag kakataong pumili ng magulang ko, hindi ko alam pero kayo parin ang pipiliin ko."

"Minsan hinihiling ko nalang na sana iniisip niyo rin ang kalagayan ko kasi ako walang oras na hindi ko inisip kung kumusta kayo," i tried to laugh but i can't. "Parang niloloko ko lang ang sarili ko kung sabihin kong hindi ko na kailangan ang mga magulang ko."

Dahil alam ng Diyos kung gaano ko kagustong makasama sila kahit ilang minuto o segundo lang, kahit kunting panahon lang.

SHINSERLY_YHOURS|S.Y.

Harsh Gentleman Series 2: His Sinful Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now