Episode 44: The 5th Assassin

Comincia dall'inizio
                                    



" 17 po." Sagot niya ng hindi nakatingin sa'kin. Mukhang enjoy na enjoy siya sa tinitignan niya ah.



" Ahh...Madel ba talaga pangalan mo? "



" Hindi po, Miranda po talaga totoo kong pangalan. Madel lang yung tawag sa'kin ni mama dahil ang haba daw po ng Miranda eh." Medyo humagikhik pa siya habang sinasagot yan. Ang cute lang tignan.



Nung nasa panghuli na ng pahina ng album si Madel ay biglang nawala ang hagikhik niya. Natahimik siya, at biglang naging malungkot ang mukha niya. Hinimas pa niya yung litrato. " Ang saya saya pa natin dito oh." Malungkot na sabi niya kaya tinignan ko yung litrato na tinitignan niya. At halos madurog yung puso ko nung makita ko ito.


Ito ay picture naming lahat. Kinuha 'to nung kaarawan pa ni Hugo—nung gabi bago siya namatay. Ang saya saya namin sa larawan. Wala kaming ka edi-ediya kung ano ang mga mangyayari nung gabing 'yun. Lahat kami ay nakangiti—lalong lalo na si Boss, napakalapad pa ng mga ngiti niya dito. Ito ata huling beses na nakita namin siyang ngumiti ng ganito kasaya.



Sana darating ang araw na muli naming masisilayan ang masayang ngiti ng aming Boss.





****



Alas nuebe palang ng umaga pero rinig na rinig mo na ang mga putok ng baril sa training area mula rito. Dahil sabado ngayon, alas nuebe palang ay nagtatraining na agad si Boss.



" Ang aga naman ni Bossing mag training " Benz



" Hindi kana nasanay " Elsa



Pagkapasok namin sa loob ay nadatnan namin si Boss na nagsasanay sa pagbaril. Napatingin naman ako saglit sa target niya, at halos mapanganga kaming lahat nung makita naming puro bullseye lahat ng tira niya, malapit na ngang mapunit yung gitna ng target sa dami ng tama eh. Grabe, kailan pa naging ganito kagaling si Boss sa pagbaril? Parang kailan lang nung halos di siya makatama sa target niya tapos ngayon...



Kung andito lang si Hugo, malamang mamamangha din yun ng husto.



Nagkanya kanya naman ng pag eensayo ang iba kaya nagumpisa narin ako sa pagsasanay. Hindi ako pwedeng magpahuli.




***


Habang nagpapahinga ako dahil sa sobrang pagod ng training ko ay biglang lumapit si Boss sa'kin kaya napaangat ako ng tingin.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora