CHAPTER 5

209 19 8
                                    


HARRIETH'S POV

Minulat ko ang mata ko sa isang kwarto na hindi sa akin pamilyar hangang sa naalala ko na nasa ibang bahay na nga pala ako nakatira! Hindi pa ako nakakakilos ng kumalam na ang tiyan ko, hindi nga pala ako masiyado nakakain ng matinong kain katulad ng way ng kain ko ng dinner, oo aaminin ko na malakas ako kumain pero hindi ko nagawa kahapon at sobrang stress ako dahil sa biglang pangyayari sa buhay ko.

Itong biglang pagbabago na hindi ko naman inaasahan, akalain mong nagpa-medical lang naman akech tapos ito na, pregnant na ang ferson! Diyos ko na lang talaga! Ewan ko pa kung paano ko ito maipapaliwanag kanila Nanang at Tatang at sa kapatid ko.

Inilibot ko na muna ang sarili ko sa buong kwarto, simple lang ito pero maganda at mamahalin ang mga tokador at lagayan ng damit, pati ang kama pang yayamanin talaga! At dahil nagugutom na ako eh for the cut ang ferson sa pagma-marites dito sa bago kong kwarto at lumabas na ako matapos kong maghilamos at magpalit ng damit. Nakakahiya naman na humarap sa babaeng iyon kung amoy laway ang peg ko! So nag-short na lang ako kasi sanay ako na naka-short lang sa bahay, mas komportable.

Pagkababa ko ay nakita ko agad si Manang na mayordama yata ni yabang, nag-aayos siya ng hapagkainan para sa almusal na medyo nalula ako sa mga hinahanda niya, almusal pa lang ito eh para nang pang piyesta sa amin sa probinsiya! Lumapit ako at nag-alok ako ng tulong pero hindi raw pwede na ikinataka ko naman, I mean sino ba ang tatanggi sa tulong hindi ba?

"Eh Manang hindi naman po ako sanay na walang ginagawa"

Sambit ko sa kaniya na nagpalingon sa kaniya sa akin, kahit medyo seryoso eh pansin ko ang pagiging mabait ni Manang.

"Ma'am hindi po talaga pwede eh, bawal daw po kayo mapagod lalo sa kalagayan ninyo, pwede niyo raw gawin naman lahat dito pero huwag lang ang magpakapagod, iyon po ang bilin ni madam"

Wika naman ni Manang na nakuha ko naman, hindi lang pala mayabang iyong babaeng iyon eh O.A rin pala! Wala naman na akong nagawa kung hindi sumunod at manahimik, medyo pabagsak akong napaupo pero nanlaki agad at mata ko nang makita ko ang itlog at tocino, hindi ko na napigilan ang sarili ko kung hindi umupo ng maayos para kumain kaya lang nakakapagtaka lang na bakit wala pa si yabang, hindi ba siya mag-aalmusal?

"Eh Manang nasaan na iyong madam mo? Hindi ba siya sasabay mag-almusal?

Tanong ko kay Manang habang kagat-kagat pa itong kutsara ko! Natatawa ako sa sarili ko pero ang sasarap naman kasi ng pagkain!

"Hay nako! Ma'am, kanina pa ala-sais ng umaga umalis si madam, maaga po kasi iyon palagi umaalis papunta ng opisina at hindi iyon nagbe-breakfast mula nang mamatay ang asawa niya na si sir Alexander"

Sabi ni Manang nang tinuro pa ang picture ng isang matandang parang espanyol yata eh, tatay niya kaya iyon pero sabi asawa...napapaisip ako bigla!

"Eh sino ho ba iyang matanda sa picture?"

Curious na tanong ko.

"Asawa ni Madam"

Maikling sambit ni Manang na ikinagulat ko ng husto! Diyos ko! Hindi ko man lang inasahan na totoo ang sinabi niya kanina!

"Hah!? Seryoso? Parang napakalayo naman Manang ng age nila? Paano po iyon?"

Gulat ko na tanong kay Manang with matching sigaw on the side!

"Pordiyos ka namang bata ka ano ka ba! Pinanganak ka lang ba kahapon at wala kang alam sa mga ganitong relasyon?"

Nagtatakang tanong ni Manang. Sa totoo lang wala nga! Eh sa no Boyfriend since birth eh!

Her Baby is in my BellyWhere stories live. Discover now