CHAPTER 3 : Paalam, ma

20 12 0
                                    

Kinabukasan, umuwi na ako dahil weekends naman at nando’n ang mga kapatid ko para magbantay muna kay mama. Kahit weekend ay kailangan ko mag overtime at minsan kapag pinayagan ako ng boss namin ay nagtatrabaho ako kahit sa linggo. Maaga akong pumasok sa trabaho at ineexpect kong wala akong masyadong katrabaho na papasok ngayon kaya nakangiti akong pumasok bigla sa resto ng biglang…
“Late kan-”
“Ay kabayo!” Muntik nang humiwalay sa akin ang kaluluwa ko sa pagbungad niya kaya agad akong tumalikod nang mapagtanto na si Matt pala ang nagsalita.
“Hey, Xyrene. Okay kana ba?” Mahinahong tanong nito kaya dahil sa hiya ay tinakpan ko ang mukha ko at hinarap siya.
“Huwag kang lalapit!” Pagbabanta ko rito.
“Ha? B-Baki-”
Tinuro ko ito habang naglalakad ng mabagal papunta sa staff room. “Sabi ko ‘wag kang lumapit!” Itinaas ko ang boses ko at hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha niya kaya nasa kalagitnaan ako ng pagtawa at pagkahiya. Dali dali akong pumasok sa room at nilock kaagad yung pinto. Sumandal ako sa pinto nang makapasok na ako at saka nag buntong hininga na pinipigilan ang tawa.
“Bakit siya nandito? Anong mukha ang ihaharap ko sa kaniya ngayon? Hay ikaw talaga Xyrene kung ano anong kalokohan ginagawa mo.” Saad ko sa sarili ko habang hinahampas ang sarili sa kahihiyan. Inayos ko saglit ang sarili ko at hindi napansing pumasok siya bigla sa locker room. “Kamusta na pala si tita?” Nagsalita ito ng may malalim na boses kaya naramdaman ko na naman ang bigla kong pagkatunaw. “A-Ah s-si mama ba? Okay naman siya yun nga lang ang laki na ng bills namin kaya nag o-overtime ako ngayon. Teka, bakit ka nga pala pumasok? Eh linggo ngayon ah?” Sagot ko at tumingin dito.
“Ewan,” Nagkibit balikat lang ito.
“Siguro kase gusto kong may kasama ka? Nag day-off kase lahat ng staff kasi hindi daw masyadong marami ang costumer ngayon tyaka free naman ako buong araw kaya dito ko nalang ilalaan ang oras ko.” Nakangiting sagot niya at nagpatuloy sa pagpupunas sa table.
“Nakakahiya na sa’yo. Hindi mo naman ako kailangan samahan kase magtatalong taon na akong nagtatrabaho rito kaya nakasanayan ko na.”
“I insist.” Bigla itong humarap sa akin.“O-Okay.” Kumurap lamang ako at hinayaan siyang magtrabaho.

Ilang linggo ang lumipas ay nakalabas na si mama sa ospital. Binigyan kami ng mga gamot ng doctor at napailing ako sa laki ng gastusin namin mula sa ospital hanggang sa mga gamot na kailangan bilhin ni mama.
Bumalik na ako sa restaurant na pinagtatrabahuan ko at nagtrabaho kagaya ng mormal kong ginagawa sa araw-araw. Lumipas ang buong umaga na parang hangin at agad ay lunch break na.

"Ang laki ng bills namin sa ospital tapos ang mahal din ng mga gamot ni mama. May mga kapatid pa akong nag aaral sa high school tapos nasesante pa ako sa isa kong trabaho, hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko ngayon.” Slowly, my tears started to fall dahil hindi ko narin napigilan ang sarili ko. I was crying silently nang biglang may tumapik sa balikat ko, “I can help you with that.” Anito. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko upang tignan kung sino ito at hindi nga ako nagkamali, it was Matt. Agad kong inayos ang sarili ko at nagpanggap na parang walang nangyari.
“Oh, ikaw pala.” Pagbati ko nito at pilit na ngumiti.
“Bakit ka umiiyak?” Umupo siya harap ko at ngumiti ng matamis kaya’t umiwas ako ng tingin dito.
“I heard what you said. You’ve been dealing too much sa edad mong ‘yan kaya parang hindi ako makapaniwala.”
“Hindi ko kailangan ng tulong kase wala akong problema.” Inirapan ko ito at nag akmang aalis na ngunit hinawakan niya ang kamay ko dahilan para matigilan ako.
“Sit down, please.” Mahinahon niyang saad kaya nama’y wala akong nagawa at umupo ako ulit. Tinignan ako nito sa mata at gano’n din ako.
“Si tita?”
“She’s fine, you don’t have to be concerned.”
“’Wag mo naman ako sungitan, ikaw rin baka hindi ko sabihin yung proposal ko sa’yo malaki pa naman sana sahod do’n.” Mahina nitong saad. Bigla ko siyang tinignan at naging agresibong malaman kung anong trabaho ‘yon.
“Anong trabaho ‘yan?” Deretsahang tanong ko rito.
“I heard you’re a writer way back,” He leaned his back to the chair and smirked.
“And I want you to pursue that career of yours.”
“What? Gusto mong magsulat ako ulit? Alam mo, sinasayang mo lang ang oras mo sa’kin.” Kinuha ko ang mga gamit ko at dali-daling tumayo nang bigla siyang magsalita.
“You stopped writing when your father died, tama?” Nakatalikod man ako ngunit nararamdaman kong tumayo ito at lumapit sa akin. Agad ko siyang hinarap dahil sa pagkabigla ko sa sinabi niya.
“Pa’no mo nalama–“
“It’s not important. Nasa’yo ang desisyon kung babalik ka sa pagsusulat o hindi. May kakilala akong nagpopromote ng mga libro at bihira lang sa mga pinapublish niya ang hindi kumita.” Saad nito at unti-unting lumapit sa’kin.
“It’s up to you, Xyrene. Tutulungan kitang matupad ang pangarap na ‘yon plus matutulungan mo rin ang pamilya mo sa kikitain mo.” Huling sinabi niya at lumakad papalayo. Nawala ako sa sarili ko saglit at agad na bumalik sa kasalukuyan.
“Pa’no niya kaya nalaman?” Napatanong ako sa sarili ko ngunit hindi ko nalang ibinaling ang atensyon ko rito at napaisip sa sinabi niya.

Kinagabihan, umuwi ako sa bahay na hindi masyadong pagod kaya pagkatapos ko kumain ng hapunan ay chineck ko muna ang mga kapatid ko at saktong tulog na ang mga ito, pagkatapos ay sinunod kong I-check si mama at ayos naman ito kaya dumiretso na ako sa kwarto ko. Umupo ako sa higaan ko at pinag-isipan ng maigi ang oportunidad na sinabi sa akin kanina ni Matt, hindi ito maalis-alis sa isip ko kaya kinuha ko ang folder na tinatago ko sa ilalim ng kama ko at binuksan ito. Nasiyahan ako nang makita kong nandito parin ang kwento na matagal ko nang sinulat na sana’y ipupublish ko pero nagkaproblema kami sa pamilya namin kaya nawala narin sa isip ko ang pangarap ko.
“Pa, ‘di ba gusto mo na maging manunulat ako? Pa, tulungan mo akong magdesisyon kung ipagpapatuloy ko ba ang pagsusulat o kakalimutan ko nalang ang pangarap ko. Ikaw lang ang sumuporta sa’kin noon no’ng hindi nagtiwala sa’kin ang mundo.” Hinaplos haplos ko ang mga papel na hinahawakan ko habang nagsasalita.
“Pa, bumalik kana please.” Bumuhos ako ng iyak habang niyayakap ko ito hanggang sa nakatulog ako.

Kinabukasan, hindi muna ako pumasok sa trabaho para bantayan si mama habang nag-aaral ang mga kapatid ko. Nagfile narin ako ng leave sa manager namin para hindi ako mabigyan ng notice sa trabaho.
Nasa labas kami ng bahay nagpapahangin nang biglang magsalita si mama.
“Nak, Xyrene? Magpahinga ka muna.” Umupo ako sa tabi nito at ngumiti ng matamis.
“Ayos lang ako ma, andito ka naman e.” Hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti sa akin.
“Kalusugan lang ang tanging puhunan ng tao kaya ingatan mo yan dahil kapag wala na ako sino mag-aalaga sa’yo? Eh wala ka pa namang ipinapakilala sa’kin na nobyo mo.” Patawa niyang saad.
“Mama naman! Alam n’yo namang mas uunahin ko ang pamilya natin kaysa sa sarili ko ‘di ba. Tyaka wala rin akong planong mag-asawa sa ngayon dahil sa hirap ng buhay, dadagdag lang ‘yan sa iisipin ko.”
“Humanap kana ng mapapangasawa mo dahil gusto ko siyang makilala bago pa man ako matuluyan.” Hinawakan niya ang kamay ko habang pinipigilan ko ang pagluha.
“’Wag ka magsalita ng gan’yan, ma. Alam mo namang hindi ko hahayaang mangyari ‘yan ‘di ba kaya sulitin nalang muna natin ang bonding natin ngayon at uminom tayo ng juice.” Niyakap ko at braso nito at sabay kaming nagtawanan.

Nang hapong iyon ay pumunta ako sa kusina para magmeryenda sana pero bigla kong narinig ang malakas na salpok mula sa kwarto namin.
“Ma?” napatigil ako sa paglalakad at tumakbo kaagad sa kwarto. Naabutan kong nasa lapag na si mama at naghihingalo. Agad akong tumawag nang ambulansya habang pinipigilan ang pag-iyak na may halong kaba at takot.
“M-Ma... M-Ma please hindi pwede ‘to! Tulong! Tulungan n’yo kami!” Pagsisisigaw ko para marinig ako ng mga kapitbahay namin at nang may makarinig na’y tinulungan ako nitong isakay ito sa ambulansya at agad na kaming napasugod sa ospital.
Hinawakan ko ang kamay nito habang nasa loob kami ng ambulansya. “A-Anak.” Ngumiti ito ng napakatamis na para bang ito na ang mga huling ngiti niya sa’kin. “M-Ma please ‘wag kang susuko malapit na tayo ma.” Paiyak kong saad habang tinitignan ito at hindi mapakali.
“Miss hanggang dito nalang po kayo.” Huling sinabi ng nurse bago nito isara ang kurtina ng emergency room kaya agad kong tinawagan ang mga kapatid ko habang hindi mapakali sa kinalalagyan ko. Ilang minuto pa’y dumating na ang mga kapatid ko at kinuwento ko rito ang nangyari.

Matiyaga kaming naghihintay sa labas ng ward ng ospital nang biglang lumabas ang doktor at lumapit sa’min.
“Are you the family of Mrs. Hernandez?” Tumingin ito sa akin.
“Yes, doc. Kamusta na si mama?” Nagtatakang tanong ko rito. Nag aalinlangan itong sumagot sa akin kaya medyo kinabahan na ako.
Nagbuntong hininga lamang ito. “She’s in a stable condition,” Tumingin ito sa mga mata ko. “sa ngayon.” Yumuko ito ulit at nagsalita. “Kailangan siyang operahan sa lalong madaling panahon para maagapan kaagad ang sakit niya, if not maaari niyang ikamatay ‘yon.” Huling sinabi niya at umalis na kaagad. “Excuse me, Ms. Hernandez.”
Napaupo ako sa narinig ko dahil wala akong maibabayad kung sakaling papayag akong ma operahan si mama kaya kinimkim ko nalang ang sakit at pumasok sa loob ng ward para makita si mama. Nakakaawang nakahiga sa kaniyang higaan, nilapitan ko ito at niyakap ng mahigpit.
“Ma…” Humagulgol ako ng iyak nang yakapin din ako nito pabalik.
“Nak,” Nakangiting saad nito. “’Wag kana umiyak sige ka papangit ka n'yan.” Patawa niyang sambit.
“Mama naman” Tumawa ako ng mahina habang pinupunasan ang mga luha ko.
“Anak, bago ako umalis sa mundo gusto kong may ipakilala ka muna sa akin.”
“Ma, wala naman akong nagugustuhan eh. Alam n'yong kayo lang ang iniisip k-"
“’Wag mo na i-deny. May nabanggit si Gab sa'kin na may lalaki raw na kumausap sa'yo no'ng isinugod ako rito sa ospital. Gusto ko siya makilala.”
“Wala po kaming relasyo-"
“Anak, please? ‘Yan na ang huling hiling ko sa'yo.” Nakangiti niyang saad at nagbuntong hininga na lamang ako.
Agad kong tinawagan si Matt para sabihin sa kaniya ang sinabi ni mama sa'kin. Hindi ko matanggihan si mama dahil nag aagaw buhay na siya kaya pinagbigyan ko nalang ito.
Tanghali na nang dumating si Matt sa ospital at tinanong niya kaagad ang kalagayan ni mama. Pinagtinginan ako ng mga kapatid ko na para bang tinutukso ako ng mga ito kaya sinamaan ko sila ng tingin.
“Nandito lang siya dahil hiniling ‘to ni mama. Wala nang ibang dahilan pa!” Inirapan ko si Gabriel dahil siya ang may pakana nitong lahat. Kung hindi niya lang nabanggit kay mama edi sana hindi na ako nang iistorbo ng tao ngayon.
Kinausap ko si Matt sa pinto nang papasok na kami. “Umm Matt, sorry pala kung nakaistorbo pa ako sa'yo. Kung hindi lang ‘to para kay mama hindi ko na sana ginawa ‘to. Pangako babawi naman ako." Nakayukong sambit ko. “No, Xy. It’s fine. It's my pleasure to help.” Nakangiti niyang sambit at binuksan ang pinto para makapasok na kaming dalawa. Saktong gising si mama kaya nakausap pa namin siya saglit.
“Hijo? Ito ba siya, Xyrene?” Tanging tango lamang ang isinagot ko.
“Magandang araw po, tita. Kamusta na po pakiramdam niyo?”
“Magaling naman na ako, hijo. ‘Wag kana mag abala.” Isang matamis na ngiti ang nakita ko sa mga mata ni mama.
“Alagaan mong mabuti ang anak ko ah.” Isang patak ng luha ang dumaloy mula sa mga mata ni mama kaya umiwas ako ng tingin dito.
“Syempre naman tita, ako na bahala sa mga anak mo hinding hindi ko sila pababayaan.” Hinawakan niya ang kamay ni mama habang kinakausap ito.
“Magaan na ang pakiramdam ko dahil kampante na akong may mag aalaga sa mga anak ko. Makakapagpahinga na ako, anak. Mahal na mahal kayo ni mama.” Mga huling sinambit niya at tuluyan na siyang pumikit. Bumuhos ako ng iyak nang makita kong naging tuwid na ang linya sa Holter Monitor.
“Mama!” Sumigaw ako habang humahagulgol sa iyak dahil hindi na humihinga si mama. Biglang pumasok ang doktor sa kwarto at gumamit sila ng defibrillator para masalba si mama pero hindi na nito kinaya.
“Time of death, 01:05 pm. I’m sorry for your loss, Ms. Hernandez.” Huling sambit ng doktor.
“M-Mama! Mama hindi p'wede! Hindi mo kami p'wedeng iwan mama!” Paulit ulit naming sinasabi ng mga kapatid ko habang niyuyugyog ito sa kaniyang higaan, pinipilit na pagisingin siya kahit wala nang ni isang katiting na pag-asang gigising pa ito.
“Mama naman! Hindi p’wedeng ganito ma! Ma gumising kana ma!” Sambit ng mga kapatid ko habang pinagluluksaan namin ang pangyayari.
-----------------------------------
Isang linggo ang lumipas ay agad naming inilibing si mama. Kasalukuyan kaming nasa semeteryo, naghihinagpis at nagdadalamhati sa pangyayari. Sa pagkakataon ng huling habilin, lumapit ako sa kabaong nito at hindi na napansing tumulo ang mga luha ko.
“Ma...” Pagtawag ko rito. “Ma ba’t hindi nalang ako?"
“Ate...” Hinaplos ni Rania ang balikat ko habang wala rin itong tigil sa pag-iyak.
Bigla kong hinubad ang kwintas na ibinigay sa akin ni mama no’ng birthday ko. “Ma, ilalagay kita dito sa pendant. Para kapag sa tuwing sinusuot ko ‘to maalala kita.” “Nasa puso ka namin palagi, ma.”

DESPITE EVERYTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon