CHAPTER 2 : Emergency

19 12 0
                                    

CHAPTER 2: EMERGENCY

XYRENE
<<flashback>>
Maaga akong umalis sa bahay dahil sa akin ibiniling buksan ang restaurant dahil sa naging katiwala narin ako ng may ari dahil sa tagal kong nagsisilbi sa kanila.Nang makarating na ako sa resto ay biglang tumunog ang phone ko kaya nagtaka ako at sinagot ito kaagad.

[on call]

“Ate! A-Ate si m-mama.” Utal utal na saad ni Rania kaya bigla ako kinabahan sa tono ng pananalita nito.
“Rania bakit? Pa’nong- Ano nangyari kay mama?!” May halong pag-aalangan kong sagot dito.
“Ate andito kami ngayon sa ospital, nasa emergency room si mama ate.” Paiyak nitong sambit kaya nataranta na ako.
“I text mo sa akin kung saang ospital, pupunta ako kaagad.” Naiiyak kong sagot at binaba kaagad ang tawag ng bigla akong tinawag ni Matt mula sa hindi kalayuan.

<<end of flashback>>

Kasalukuyan akong nasa ospital ngayon at balisang hinanap sa counter ang emergency room at kaagad na pumunta rito. Naabutan ko ang mga kapatid kong umiiyak sa waiting area at agad ko naman silang tinawag.
“Gab, Rania.” Itinaas nila ang kanilang mga ulo at bakas sa mga mukha nila ang pawang pag-aalala at paghihinagpis. Agad ko namang niyakap ang mga ito.
“A-Ano ang nangyari kay mama? B-Bakit? P-Paano?” Sunod-sunod kong tanong at bumitaw sila sa pagkakayakap habang pinupunasan ang kanilang mga luha. Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong maiyak dahil sa bilis ng mga pangyayari.
“A-Ate, kanina kase habang nagwawalis si mama at paalis na kami para pumunta sa school bigla siyang hinimatay.” Inayos ni Rania ang sarili niya habang nagsasalita.
“Nakita naming hinahawakan niya ang kaliwang dibdib niya kaya tumawag kami kaagad ng tulong sa mga kapitbahay.” Sabat naman bigla ni Gab kaya hindi ko napigian mapahagulgol dahil dito. Ngunit hindi ko ito pinakita sa mga kapatid ko at palihim na pinunasan ang mga luha ko.
“Magiging maayos din ang nanay, magtiwala lang tayo sa Diyos.” Niyakap ko silang dalawa habang pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
Ilang sandali ang lumipas at napakalma ko na ang mga kapatid ko kaya lumabas muna ako para bumili ng pagkain para sa mga ito.Lingid sa kaalaman ko’y sinusundan pala ako ni Matthew rito sa ospital at ng papasok na ako sa elevator para bumaba ay bigla akong hinila nito.
“Matt?! W-What are you doing he-” Pasigaw kong saad ng bigla niyang tinakpan ang aking bibig gamit ang kaniyang kamay. His hands were soft that I could feel the fluffy clouds in them. Para bang hindi sanay ang mga kamay niya sa trabaho o iniingatan niya lang ba ito. Nilalaro ng isip ko kung ano ang gagawin ko, sumigaw ba o manatili sa ganitong posisyon dahil sa ayaw kong bitawan niya ang mga labi ko.
Natauhan ako at nanlaki ang mga mata ko ng hinawakan niya ang baywang ko at inilapit ito sa katawan niya habang hinihigpitan ang pagkakahawak ng kamay niya sa bibig ko.
“‘Wag ka sumigaw, hindi kita sasaktan.” Mahinang bulong nito sa akin kaya’t mabilis akong kumawala rito.
“Ano ba! Hindi mo ba alam na physical abuse ‘yang ginagawa mo?!” Inayos ko ang sarili ko at inirapan lang ito.
“Ito naman, pinigilan kalang sa pagsigaw physical abuse na kaagad.” Bumubulong bulong ito na akala mo’y hindi ko siya naririnig.
“May sinasabi ka?!” Pasigaw kong tanong dito.
“Wala po sabi ko ang ganda mo parin kahit galit ka.” Natatawa niyang sagot sa akin. Dahil dito'y lalo akong nahuhulog sa mga ngiti niya.
“Shut up, walang nakakatawa.” I glared at him but he suddenly grabs my wrist then he holds my hand.
“How’s your mom? Is she fine already?” Biglang tanong nito kaya umiwas ako ng tingin.
“Nasa ER parin siy- teka nga bakit kaba nandito?!” Tinarayan ko ito ng sagot dahil naiinis akong hanggang dito’y sinusundan niya parin ako.
“Galit kaba? Aalis na lang ako.” Nakayukong saad nito kaya hindi ko nalang ito pinansin at lumakad papalayo.
Ibinaling ko ulit ang tingin sa kaniya at nagsalita. “Pasensiya kana, pagod lang talaga kase ako. Sorry.” Nakayukong sambit ko at tuluyan na siyang iniwan sa lobby at dali daling bumalik sa mga kapatid ko.
Maya-maya’y lumabas ang doktor at sinabing ligtas na ngayon si mama at p’wede na siyang ilipat sa regular room kaya’t nanatili muna kami sa silid pansamantala.
Ilang sandali pa’y nagising na si mama at dali-dali namin siyang nilapitan.
“Mama!” Sabay-sabay naming sambit habang lumalapit dito.
“Mga anak.” Halos gumuho ang dibdib ko nang binanggit niya ang mga katagang ito habang hinahaplos ang aming mga pisngi.
“Mama mabuti naman at ligtas kana, may masakit po ba sa inyo? May kailangan ba kayo? May gusto ba kayong kainin? Sabihin n’yo ma.” Hinawakan ko ang kamay nito ngunit tanging ngiti lamang ang isinagot niya na muling nagpasigla ng buhay ko.
“Maayos na ang lagay ni mama anak, wala ito.” Sagot niya’t niyakap kami lahat.
Lumipas ang buong araw na nanatili kami sa ospital kasama si mama at sabi naman ng doktor ilang araw lang daw siyang mananatili ro’n at saka na siya maaaring ilabas. Nabuhayan ako dahil doon kaya napag-isipan kong mag leave muna sa trabaho pero pinigilan ako ng mga kapatid ko at sinabing weekends naman daw at wala ring pasok kaya sila raw muna ang magbabantay kay mama. Hindi ako kaagad na sumang-ayon ngunit nagpumilit ang mga kapatid ko kaya’t wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon na lamang sa mga ito.
Kinagabihan lumabas muna ako sa ospital para magpahangin at para rin magpalamig dahil sa bilis ng mga pangyayari ngayong araw para akong naguguluhan. Pumunta ako sa gilid ng ospital at doon muna huminga ng malalim. Tinitigan ko ang buwan, buo itong lumuliwanag sa gabi kaya bigla akong napangiti nang maalala ko ang kinwento ni papa sa akin no’ng bata pa ako.

<<flashback>>
“Anak alam mo ba kung bakit may mga araw na hindi natin nakikita ang buwan?” Biglang tanong ni papa habang nandito kami sa paborito naming tambayan malapit sa isang puno at nakatingin sa nagniningning na buwan
“Bakit pa?” Nagtatakang tanong ko naman dito.
“Kase nagugutom ang bakunawa at tanging ang buwan lamang ang magpapabusog nito.” Patawa niyang saad.
“Eh hindi naman totoo ang mga bakunawa papa ‘di ba?” Nakakunot noo kong tanong.
“Totoo sila, ngunit nabubuhay lamang sila sa kathang-isip ng mga tao.” At nagtawanan kami habang nag k-kwento siya tungkol sa buwan.
<<end of flashback>>

Natatawa ako habang inaalala ang masasayang oras namin ni papa na ngayo’y hindi na muling maibabalik. Tumingin ako ulit sa kalangitan at nagbuntong hininga. “Papa…” mahinang bulong ko ng may biglang nagsalita sa gilid ko.
“Mag-isa kalang b-”
“Please please ‘wag mo akong sasaktan maawa ka wala akong dalang pera rito please!” Bigla ko tinakpan ang mukha ko habang nanatili siyang nakatayo sa gilid ko.
“Si Matt ‘to, Xyrene. Minsan na nga lang magkaro’n ng lakas ng loob na lapitan ka pagkakamalan pa akong magnanakaw.” Umiwas siya ng tingin kaya natauhan ako.
“Ay Matt ikaw pala, pasensya kana akala ko kasi magnanakaw ka.” Pabiro kong saad dito. “Sorry talaga, upo ka.” Umusog ako ng kaunti at tinapik ang bakanteng espasyo sa gilid ko at naupo naman ito agad. “Salamat.” aniya.
“Ang ganda ng buwan ‘no.” Saad ko habang nakatingalang nakatingin sa buwan.
“Oo nga, napakaganda.” Sagot naman nito habang nakatingin sa akin kaya nilingon ko siya.
“Ah-eh sabi ko oo nga ang ganda nga ng buwan oo yung buwan nga.” Utal-utal niyang saad kaya’t bigla akong naguluhan pero hindi ko nalang ito pinansin at binaling ulit ang atensyon sa buwan.
“Bakit mo biglang binanggit yung papa mo?” Nakatingin niyang tanong sa akin.
“Ah wala, naalala ko lang nung nagk-kwentuhan kami.” Umiwas ako ng tingin dito. “Naalala ko yung sinabi niya na “Kahit ikaw ay nag-iisa at nalulumbay, ang buwan ang magsasabi sa’yo na kahit mag-isa ka’y maaari ka paring magliwanag, kailangan mo lang ng panahon upang mabuo ang iyong sarili.”” Saad ko at nagbuntong hininga.
“Yung noo mo nga mas maliwanag pa sa kinabukasan ko.” Pabulong niyang saad ngunit narinig ko ito. Bigla ko siyang tinignan ng may galit na nakapinta sa aking mukha.
“Gusto mo bang umuwi kang may tattoo nitong likod ng sandals ko sa pisnge mo?” Mahina kong saad.
“H-Hoy ito naman, n-nagbibiro lang eh.” Natatawa niyang saad.
“Alam mo, nakakatawa ka.”  Bigla kong saad dito at natawa ng mahina.  
“Baka pinaglihi ako sa clown.” Anito na dahilan para mapatawa ako ng mahina.
“Mag overthink kana.”
“Oo nga ‘no” Natatawa niya namang sagot. Bigla kong napansin ang kaniyang mga ngiti na para bang inaakit ako na lapatan ang bawat parte nito kaya’t umiwas ako ng tingin.
“Umayos ka Xyrene!” Saad ko sa sarili ko ngunit nabigla ako sa sinabi niya.
“Umayos?” Bigla niyang sambit dahilan ng biglaang pagbaling ko ng atensyon dito.
“Ah-Ah w-wala ano may lamok oo kaya inaayos ko sarili ko.” Nauutal at pinagpapawisan kong sagot sa kaniya ngunit tanging ang matatamis niyang ngiti ang kaniyang isinagot at ibinalik ko ang atensyon sa kalangitan.
“Bakit ka nga pala nandito? Late na ah.” Tumingin ako sa kaniya habang nagsasalita at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumingin ito sa mga mata ko at ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung ano ‘tong nararamdaman kong gumagalaw sa tiyan ko basta ang alam ko para akong lumulutang sa tuwing nginingitian ako nito.
“I intentionally followed you here, nakita kitang balisa kanina at hindi rin ako mapakali kaya kita sinundan dito.” Tugon niya na mas lalong nakapagpabilis ng tibok ng puso ko kaya ngumiti ako ng palihim.
“Bakit mo naman ako susundan? Wala tayong kinalaman sa buhay ng isa’t-isa kaya nakakapagtaka naman kung pati rito susundan mo ako.”
Bago pa siya makapagsalita ay unti-unting bumuhos ang ulan kaya’t dali dali kaming pumunta sa hall way ng ospital para hindi mabasa. Pinagmasdan ko ang ulan at biglang nahilo, I was in hallucination or some trauma dahil may Ombrophobia rin ako. Bigla akong napaupo at tinakpan ang mga tenga ko habang umiiyak
“Please maawa ka tumila kana, pakiusap.” Mangiyak kong sambit sa gilid habang bumubuhos ng iyak.
“Xyrene? Ayos ka lang ba?” Nagsalita si Matthew at nagulat ako ng niyakap ako nito. “Everything’s gonna be alright, Xyrene. Tahan na, shh.” Dagdag niya habang pinupunasan ang mga luha ko kaya hindi ko napigilang yakapin siya at maiyak sa dibdib niya.
“Shh ibuhos mo lang ‘yan.” saad niya habang hinihimas ang aking ulo kaya niyakap ko ito ng mas mahigpit
Ilang sandali’y natauhan ako at bumitaw sa pagkakakapit sa kaniya at yumuko na lamang dahil sa hiya.
“S-Sorry I-I have to go.” Huling salita ko at tumakbo ng mabilis papasok sa loob ng ospital at iniwan siya sa labas.

DESPITE EVERYTHINGWhere stories live. Discover now