THREAD 18

13 3 0
                                    

"Atleast hindi ako umiiyak sa bawat beses na nasasaktan at nagsusumbong sa kaibigan nya. E ikaw? Mag-away lang kayo, lokohin at hiwalayan ka lang nya, sa akin ka na agad tumatakbo." Saad ko.

"Mahal ko nga si Lorvin, Elle! Bakit ba hindi mo nalang tanggapin na mahal ko pa rin sya? Ano igagaya mo ako sayo na mas gusto nalang maging matandang dalaga kesa sa may makasama habang buhay? Wag mo akong itulad sayo, Elle. Nagmamahal ako!" Sigaw nya.

"Lou naman! Buksan mo yung isipan mo! Hindi na ikaw yung Lou na kaibigan ko. Yung Lou na kilala ko, matalino, mabait, hindi t4nga! Pero Lou, bakit nagbago ka? Nasaan na yung Lou na kilala ko? Yung Lou na BESTFRIEND ko? Lou, paki-usap naman. Hiwalayan mo na si Lorvin, ako na ang nakikiusap sayo." Saad ko.

"Wala kang paki-elam sa buhay ko, Elle! Buhay ko to kaya ako lang ang dapat na makielam dito!" Sigaw nya ulit dahilan para mas4mpal ko sya sa pinakaunang pagkakataon.

BESTFRIENDWhere stories live. Discover now