Chapter 2

11 1 0
                                    

Tama ang narinig niyo, mangkukulam ang pamilya ko. Bruha, witches, mangkukulam. Sila ay mayroong pambihirang kakayahan kaya nabuksan at naisara ni Mama ang pinto kahit malayo siya sa pintuan. Isa ring witch si Ate kaya napalutang niya ang mga lapis sa ere at ang mahika ang kaniyang ini-ensayo.

Kaya hindi ako naniniwala sa kuwentong aswang. Narinig ko na dapat na may mga aswang noon pa man kina mama at lola. Tahimik at matiwasay ang buhay ng mga mangkukulam dahil walang mga halimaw na pumapatay ng tao noon pang bata si Mama. Hindi rin kami pinapakialaman ng mga tao dahil ang mahika ay pinapakita lamang sa mga piling tao kaya mapayapa ang buhay namin dito sa Maynila kahit na may nakatago kaming sikreto.

"Eris, pakikuha nga ng bag ko diyan sa tabi mo," pakiusap ni Ate Stella. "Ay wag na lang pala," agad na pagbawi ni ate. Ginalaw niya ang kamay niya na parang inaabot ang bag at bumulong. "Anghangadayagadabotsapalad," pagkasabi niya nun ay tumaas ang bag at napunta agad sa kanyang kamay. "Tara na daw sabi ni Mama," paalala niya at ako'y tumango.

Pagkaalis niya ng kwarto ay natapos na rin akong maghanda para sa pagpunta namin sa aming probinsya. Di ko alam kung mae-excite ako o hindi dahil makikita ko uli si lola kaso makikita ko rin ang mga pinsan ko. Lagi pa naman akong nale-left-out doon.

Bago ako umalis, tinignan ko ang bag ko at sinubukan kong gawin ang ginawa ni Ate. " Ano daw? Ang hangad something sa palad? Ang hangad sa palad!"

...At walang nangyari. Nakakainis naman. Inabot ko na lang ang bag ko at sinara na ang kwarto namin. Sinara ko na ang pinto ng bahay at pumasok na ako sa kotse.

"Ready na? Wala na kayong naiwan?" Tanong ni Papa na sinagot namin na wala na.

It's great na pamilya kami ng witches pero ang nakakainis nga lang, hindi ko namana ang magic. As in, I'm an ordinary girl. Nakakainis lang na sa lahat ng mamanahin ko kay Papa ay ang kanyang pagiging mortal. Tapos idagdag mo pa na napakagaling ng ate ko sa magic. Hindi ko mapigilan minsan na mainggit sa kanya. Pero there are times na okay lang din naman sa akin dahil, at least, hindi ko na kailangang itago ang magic ko kung meron man.

Pagkarating namin sa bahay nina lola, nakita ko na agad siya na naghihintay sa labas ng veranda para kami'y salubungin.

"Oh, kayo na lang ang inaantay, Emi. Nandito na ang mga kapatid mo pati ang mga anak nila," Bungad ni lola kay Mama.

"Si Eris kasi, ang tagal magbihis," pang-aasar naman ni Ate Stella.

"Luh, ikaw rin naman e. Kung wala kang magic, paniguradong mas mahuhuli ka pa," banat ko naman.

Nag-make face siya kaya susugurin ko na dapat siya pero tinitigan ako ng masama ni Papa. Inaasar lalo ako ni ate saka tumakbo papasok para hindi ko na siya mahabol. Sumimangot na lang ako dahil wala akong nagawa.

"'Wag ka nang sumimangot, apo. Ngayong gabi ay ang oras para maging masaya. Ang ating mga ninuno'y nandito para tayo'y gabayan at protektahan," sabi ni Lola.

Pumasok na ang lola at ang mga magulang ko sa loob ng bahay pero bigla akong napatigil nang mahagip ng mata ko ang isang paggalaw sa bandang puno, medyo malayo sa bahay nina lola. Binaling ko ang aking mga mata doon para makasigurado kung tama ang aking naaninag. Ngunit tila wala naman kundi hangin ang dumaan dito. Pagkatapos ng ilang segundong pagtingin sa paligid ay sumunod na rin ako sa loob pagkatapos.

Ang buong mag-anak namin ay nagkasiyahan at hiyawan nang makita nila ang aking ate. Ito naman ay malugod na tinanggap ni Ate sa kanyang mga ngiti.

"Fifteen years old ka na!! Makakasama ka na sa amin, insan!" akbay ng nakatatandang babaeng pinsan namin.

Sa aming angkan ay may tradisyon na pagtungtong ng labinglimang taon, makakasama na sila sa isang ritwal. Kung para saan man ay wala akong ideya dahil nga sa aking pagiging normal na tao.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Feb 24, 2023 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Forbidden Legacies: Unleashing ShadowsOnde histórias criam vida. Descubra agora