“Malala kana.” Sagot ko lang dito. Nag-palipas kami ng oras sa cafeteria. Nag-usap lang kami. May ilang mga lumapit at binati si Zoel. At yung ilan na 'yon, joke lang. Halos ata lahat ng estudyante sa Allejo kilala ng babaeng 'to. Dati ba siyang politiko noong past life niya?

Agad din namang nagpaalam si Zoel na papasok sa huling klase niya bago mag alas-nueve.

***

Yung kampon ni Lucifer na maagang sinadya ko ay hindi ko pa nakikita miski anino. Pero hindi naman ako excited na makita siya agad, mamaya awayin agad ako. Hindi tayo gaganon. 

Dahil wala na nga akong sadya sa cafeteria ay mabilis akong nagpunta sa library para magbasa. Wala naman akong magagawa sa phone ko e. Ayaw ko namang replyan ang kampon ni Lucifer.

Tahimik naman akong nakarating sa Library.
At speak of the devil! Agad akong nakita nito. Her bright doe eyes were drowning me.

Mabilis nitong pinuntahan ang gawi ko. Hindi ko naman alam ang gagawin dahil bigla akong kinabahan noong dumilim ang mata nito. Shit. Galit ba siya?

What the hell. Galit nga siya.

“Your fingers is doing quite well. Why can't you type a goddamn reply?” Masungit na tanong nito noong makalapit sa'kin. Confirm, magaling na nga siya nakakapag-sungit na e.

“I didn't know I was required to reply?” Kabadong sagot ko dito habang mas dumilim naman ang ekspresyon nito.

“Your Purposive Communication Professor is not that effective. You don't know how communication works. Of course, you are supposed to reply!” Giit nito na tila nawawalan na ng pasensya sa'kin.

“Isn't it a reply that I didn't reply?” Sagot ko.  Ito naman ay mariing ipinikit ang mata na bahagya kong sinamantala upang hagurin ng aking paningin ang magandang anak ni Mom.

Buti na lang talaga kinaganda mo ang pagtataray, Reverence Deil.

“You are insufferable.” Bigkas nito at masamang tinignan ako.

“I am just accepting thank you from you, Miss.” Giit ko dito bago tuluyang ngumiti sa kaniya. She is definitely cute and chic in her outfit. She is wearing a white button down polo shirt with black loose tie, blazer on top of it, and slacks.

Reverence Villafuente, I am not your strongest soldier.

Ang ganda eh! Matagal na namayani ang katahimikan. Ang akala ko ay hindi siya magpapasalamat ngunit mabait ata si Sungit ngayon.

“Thanks....” She said softly while avoiding my gaze. “Ichi.” She whispered the last word so I didn't catch it. Saka ito mabilis na umalis sa kung saan siya nakatayo. Bigla nalang siya umalis. I didn't think so much about why she left after saying her thanks. Well, I don't want to poke the bear today. Baka mawalan lang ako ng buhay ngayong araw kaya huwag na lang muna.

I immediately fished for my phone and check on my Facebook.

Wala kamong kahit ano sa account ni Reverence Villafuente. As in wala, yung maganda niyang mukha kahit naka-resting bitch face ay ang amo paring tignan. Ang unfairness talaga ni Lord makikita kapag pumunta ka sa account niya.

But one thing caught my attention. It is a damn post.

Reverence Villafuente
You are yellow and I hate yellow.

Hindi tayo mag-ooverthink ngayong araw.  But the need to be close to her is there. Para bang ngayon na alam ko na hindi lang siya masungit at mapa-pride na tao ay parang gusto ko siyang yakapin at protektahan sa mga bagay-bagay. Natatakot ako sa mga ipinaparamdam niya.

LoverWhere stories live. Discover now