Nagpalakad-lakad si Daddy sa kuwarto ko. Marami pa siyang sinabi pero hindi ako umalma o nagreklamo. Pinabayaan ko lang siya.


Everyday was hell for me and I was already used to that kind of life, anyway.


"Hindi ka mahal ng lalaking iyon. Kita mo nga't nabuntis ka niya pero hindi ka naman pinakasalan. Nasa tamang edad na kayo at napakadali lang magpakasal kung gusto ka niya talagang pakasalan. Kahit simpleng kasal lang, pero wala, di ba?


"Kung nagtitipid siya o walang budget, puwede namang sa huwes kayo nagpakasal. Mura lang doon. Kung gusto naman niya nang libre, mero namang kasalang bayan taon-taon. 


Kung talagang mahal ka niyan, kahit simpleng kasal lang, pakakasalan ka niyan. Hindi siya papayag na ipanganak mo iyong anak niyo na hindi kayo kasal. Unless, hindi siya naniniwala sa kasal.. o baka naman ay hindi siya sigurado sa 'yo kaya marami siyang dahilan."


Iyon ang palaging sinasabi sa akin ni Daddy. That my son was a child out of wedlock.


Totoo naman iyon. Ipinanganak ko ang bata na hindi man lang ako naikakasal sa ama nito. Na ipinanganak na bastardo ang anak ko. Walang basbas ng Diyos o kahit basbas man lang ng batas ng tao. Masakit iyon para sa akin.


Hindi nga lang alam ni Daddy na mula nang mabuntis ako, ay walang araw na hindi binabanggit sa akin ni Isaiah ang tungkol sa kasal. Gusto ni Isaiah na itama ang mali namin. Gusto niyang patunayan na sigurado na siya sa akin, na hindi darating ang panahon na maghihiwalay kami.


Even Isaiah's parents wanted us to get married, for the sake of our son. But I refused. I was the one who was making excuses.


I avoided the topic of marriage because deep in my heart, I knew that this would happen. Na kakailanganin kong sumunod dito sa Australia. Mas madali ang proseso ng pag-alis kung hindi magbabago ang apelyido ko at marital status. Tama nga ako dahil kinailangan ko ngang sumunod dito.


"Sige, alis na muna ako. Pupuntahan ko pa ang Tita Duday mo sa ospital." Nagpadala na si Tita Duday noong isang linggo. At walang kaalam-alam si Daddy na for sale na ang condong ito.


Paglabas ni Daddy ay naghintay lang ako ng ilang minuto bago tumayo. Sumilip ako sa sala. Wala na roong tao. Nagbihis agad ako at mula sa ilalim ng kama ay inilabas ang isang maliit na maleta. Binitbit ko iyon kasama ng passport ko at ticket. Nag-taxi ako papunta sa Perth.


Wala na ang lumang sasakyan dahil naibenta na iyon ni Tita Duday noong nakaraang araw lang. Nasa kanya ang pinagbentahan, kasama ng napagbentahan ng iba pang gamit. Ni hindi man lang napansin ni Daddy na wala na ang ilang gamit sa condo.


Nag-ring ang phone ko. Agad ko iyong sinagot. Isang baritonong boses ang aking narinig, [ Hello, Vi? Naghihintay na sa 'yo si Lola sa Perth. Ibinilin na kita sa kanya. Ang pinsan ko ang maghahatid sa 'yo bukas sa airport. ]


Napangiti agad ako kasabay ng pagluha ng aking mga mata. "Thank you, Eli..."


South Boys #3: Serial CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon