Nagkuwento ulit ito, [ Mommy, me nagbugbugan pala sa school ku! Nag-agaw sila sa lapis, e! Nag-away sila pero hinde pow aku sumali. Kase di ba bad makipag-away, Mommy? Kaya nanood na lang pow aku, Mommy!" ]


Inihinto ko sandali ang video para punasan ang luha na sumilip sa aking mga mata. Tumingala ako at nakangiti na muling pinagpatuloy ang panonood.


[ Sabi kase daddy, bad makipag-away! Pag daw merown umaway sa aken, sumbong ku lang daw sa teacher. Pero suntukin ku muna raw ng isa!" ]


Nakangiti ako habang naluluha na nanonood. Pinapakinggan ko bawat detalye ng kuwento, kahit ang mga walang katuturan. Iyon lang iyong paraan ko para kahit paano, ay maramdaman na parte pa rin ako ng araw-araw na buhay ng anak ko.


Buo na ang araw ko pagkatapos ng video. Naghanda na ako na umalis. Nagpaalam ako sa boss ko na si Mrs. Taylor Jones at pati sa mga ibang staff na katrabaho ko, "Bye, guys. Thank you for today. See you tomorrow." 


Hindi lahat ay pumansin sa akin. Iyong iba ay lantaran ang pag-ignore sa akin. Sanay naman na ako. Ilang taon na ako sa bansang ito, nakapag-adjust na rin ako kahit paano, pero hindi pa rin talaga maiiwasan ang ganoon. Lalo na at isa akong Asian. 


I left and got into my aunt's second-hand car in the parking lot. Iyon ang ginagamit ko. Hindi pa agad ako dumeretso pauwi, pumunta pa ako sa isang bahay na naka-schedule kong i-general cleaning ngayong araw.


Hapon na ako nakatapos na maglinis ng buong bahay, maglaba ng tambak na labahin, at pati magtupi ng nilabhan. Bago umalis ay dinampot ko sa ibabaw ng shelf ang aking sweldo. Doon iyon iniiwan ng may ari dahil gabi na palagi itong nakakauwi.


Sa wakas, makakauwi na ako. Ah, hindi pa rin pala. Kailangan ko pang bumili ng stocks. Sumaglit ako sa grocery para bumili ng ilang kailangan. Saka pa lang ako nakauwi sa condo.


Sumalubong sa akin ang magulong sala namin. Kali-kaliwa ang mga nakasampay na ginamit na coat at robe ni Daddy. Pinagpupulot ko pa iyon isa-isa at nilagay sa hamper. Nagsalang muna ako ng sinaing bago pumunta sa kuwartong nasa gitna.


Isang katok lang at pagkuwa'y pumasok na ako sa loob. Isang payat na payat at maputlang babae ang nadatnan ko sa kama. Ang mga kamay niya ay may swero.


"A-are you tired?" she asked me in a weak voice.


"Can I be tired?" nakangiting tanong ko na pabiro.


"I'm sorry, Vivi..." mahinang sabi niya. "I'm sorry because it was not your fault, yet you are the one who's suffering..."


Nakangiti pa rin ako na lumapit sa bedside table. Nag-alcohol ako ng kamay bago nagsuot ng guantes. Niligpit ko ang lalagyanan niya ng mga gamot at itinapon ang ibang gamit na injection doon. 


Although she was weak, she tried her best to get up from the bed. Ang payat at halot buto't balat na lamang niyang mga kamay ay umabot sa drawer na katabi ng kanyang kama. Mula roon ay may kinuha siya at inabot sa akin. 

South Boys #3: Serial CharmerWhere stories live. Discover now