Chapter Forty-Two

Start from the beginning
                                    


            She took a deep breath. "Xanch, mag-ingat ka okay? Ayokong may anumang mangyari sa iyo, at alagaan mo sina mommy at daddy okay?"


            "Aalis ka na naman ba?"


            "I am not just telling you hindi ako palaging nandito para pagtakpan ka alagaan mo ang sarili mo Xanch."


            "I will and please don't talk like that to me pakiramdam ko kasi namamaalam ka."


            "Sira, o sige tatapusin ko muna itong trabaho ko and I am not attending the dinner too kaya quits lang tayo."


            Pagkababa niya sa telepono ay may biglang tumawag, sinagot niya iyon sa pag-aakalang si Xancho pa rin iyon.


            "Kumusta ka na Xyler?"


            "Sino ito?" iba ang boses nito, para bang sinadyang ibahin ang boses.


            "Kumusta ang warning ko sa iyo? Masaya ba?"


            Si Xancho! Si Xancho ang warning ng kausap niya sa telepono. "Ikaw ang dahilan kung bakit nasaktan ang kapatid ko?"


            Tumawa ang boses sa kabilang linya. "Marami pa akong kayang gawin Xyler, hindi lang ang kapatid mo ang kaya kong saktan."


            "Ano ba ang gusto mo?"


            "Ang mamatay kai yon lang ang gusto ko, gusto kong mawala ka."


            "Si Jair, siya ang gusto mo hindi ba? Bakit kailangang madamay pa pati ang pamilya ko?"


            "Dahil masaya kayong paglaruan." At humagalpak na ito ng tawa sa kabilang linya. "Siya ang isusunod ko."


            "Stop it please I will do everything just stop this."


            "Huwag kang magpakasal sa kanya gawin mo ang lahat ng paraan para hindi matuloy ang kasal ninyong dalawa."


            "I am doing that I don't have plans in marrying him may iba na siyang mahal."


            "Kung may iba na siyang mahal bakit sa iyo siya magpapakasal huwag mo akong lokohin." At ibinagsak na nito ang telepono. Napabuntong-hininga nalang siya at nanlulumong napa-upo sa upuan niya. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa mga braso niya, she felt so helpless.





Waiting on a Feeling (COMPLETED)Where stories live. Discover now