Prologue

296 7 1
                                    

Liam is now with the woman he love the most. It's been 5 years since he meet her and that was one of the best thing happened in his life. Nang unang magkakilala sila ay inis na inis sa kanya ang dalaga dahil sinusungitan niya ito pero wala sa bokabularyo ni Everleigh na tumigil hanggang sa naging magkaibigan sila at dumating sa puntong niligawan siya ng binata at naging sila. Everything is fine not until this day happen.

"So what now?" napabalik ang tingin ni Liam sa babaeng kaharap niya ng magsalita ito.

"Babe, please, I already told you about it," saad nito sa kanya.

"Yes you told me about it, pero alam kung may hindi ka sinasabi sa akin. Ano bang meron sa babaeng 'yan?"

"Leigh, please understand it," pakiusap ng binata sa kanya.

Tumawa naman ng pagak ang dalaga. "Understand you? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko Liam? Hindi pa ba pag intindi 'to? All this time hindi ba pag intindi ang ginagawa ko?"

"Leigh ..."

"Ano? You will tell me again to stop? Ano ba talaga sa buhay mo ang babaeng 'yan? Ano bang meron sa inyo? May relasyon ba kayo?" sunod sunod na tanong nito.

"No! Ano ba 'yang iniisip mo? Wala kaming relasyon! Alam mong ikaw ang mahal ko Leigh," mabilis na sagot ni Liam.

"Mahal? Mahal mo ako Liam? Paano ako maniniwala sa sinasabi mo kung iba naman ang pinapakita mo? Alam mo hindi naman ganito ang relasyon natin noon eh, no'ng wala pa 'yang babae na 'yan! Pinalampas ko lahat, kasi sabi mo kailangan mo siya, assistant mo siya! Pero ngayon? Hindi ko na alam kung alin pa ang totoo. Mahal kita Liam, Mahal na mahal kaya nasasaktan ako! Kasi pakiramdam ko unti unti ka ng kinukuha sa akin ng Sienna na 'yan! Bakit ko kailangan makihati sa oras mo? Sa oras ng lalaking mahal ko?" bakas sa kanya boses ang sakit sa bawat salitang binibitawan nito.

Napayuko na lang si Liam dahil sa sinabi ng babaeng mahal niya. Hindi niya pa pwedeng sabihin dito ang totoong dahilan dahil malapit ang dalaga sa kanyang kapatid at pag nagkataon na malaman ni Raven na pati silang dalawa ay nagkakagulo, tiyak siyang magagalit 'yon. Mahal na mahal niya si Everleigh at ayaw niya itong nasasaktan pero nagagawa niya na 'yon ngayon kahit hindi niya naman sinasadya.

"Babe, wala kang kahati sa oras ko. Alam mo naman na binibigay ko 'yon lahat sayo at hindi mo kailangan makipagkompetensya sa kahit sa sinong babae. Hindi ko gustong masaktan ka dahil mahal kita at wala akong planong maghanap ng iba. Alam kung naiintindihan mo ako sa lahat, pero sana ngayon ay mas lawakan mo pa ang isip mo. Sasabihin ko din sayo ang lahat, bigyan mo lang ako ng sapat na oras. Please, Everleigh," pagsusumamo ni Liam sa kanya.

"No Liam! I had enough! Tapos na akong umintindi sa babaeng 'yan. Alisin mo siya sa buhay mo kung gusto mong manatili ako sayo. Mahal kita pero hindi ako tanga!"

Napapikit ng mariin si Liam dahil sa sinabi ng kanya ng girlfriend. Hindi niya na alam kung paano niya ito papakalmahin ng hindi sila magkakaroon ng away. Alam niyang may araw na nagkukulang siya dito dahil kailangan niyang tingnan si Sienna.

"Babe, please, huwag naman ganito." pakiusap niya.

"Ano? Hindi pwedeng okay na lang lagi Liam, kasi wala naman tayong problema at maayos ang relasyon natin pero bakit simula ng magtagal sa villa mo ang babaeng 'yan eh bigla na lang nag iba? Lalo na ng mga buwan na ito, kahit na may usapan tayong magkikita pero kaya mong icancel 'yon dahil sa Sienna na 'yan! Sino ba ang girlfriend mo sa amin? Ako diba? Pero bakit sobrang halaga niya naman yata sayo na kahit hindi mo ako siputin ay okay lang, kahit na alam mong masasaktan at madidisappoint ako ay ayos lang sayo, pero kapag sa kanya halos magmadali ka mapuntahan lang siya? You are being unfair to me Kedrick," nagsimula ng tumulo ang kanyang luha kaya itinaas ni Liam ang isang kamay nito para punasan ang luha ng babaeng mahal pero umiwas ang dalaga.

"Leigh..." tawag niya dito pero hindi pa rin itp tumitingin sa kanya.

"Me or her?"

Kumunot naman ang noo ni Liam. "What are you talking about Everleigh?" seryosong tanong nito.

"You choose Liam, siya o ako?"

"What? Are you out of your mind Leigh? Papaabutin pa ba natin sa ganyan?" hindi maiwasan ni Liam ang mapataas ang kanyang boses. Nakaramdam siya ng inis dahil sa sinabi ng dalaga.

"I'm serious here Liam, mamili ka ngayon ako o siya? Simple as that!"

"Hindi ko kailangan mamili," wika ng binata.

"Mamili ka ngayon Liam! Hindi ko na kayanganatili sa ganitong sitwasyon. Sobrang mahal kita at ayaw kitang makitang nahihirapan!" sigaw ni Everleigh.

Bumuntong hininga naman si Liam. Alam niyang hindi niya kaya mamili pero mukhang sigurado ang dalaga kaya wala siyang ibang pagpipilian. "Alam mo kung gaano kita ka mahal, Leigh. I love you so much, but ...  but she needs me more. I-im sorry," hindi siya nakatingin sa dalaga habang sinasabi 'yon.

Halos manghina si Leigh dahil sa narinig. Hindi niya inakala na 'yon ang sasabihin ni Liam sa kanya, buong akala niya ay mangingibabaw ang pagmamahal nito sa kanya at siya ang piliin pero mukhang nagkakamali siya. All this time, umasa lang pala siya sa wala. Talo siya.

Natawa na lang siya habang umaagos ang luha sa kanyang magagandang mga mata. Pakiramdam niya ay bigla siyang nanghina at unti unting pinapatay sa sakit. "Tangina! Sa ilang taon na relasyon natin Liam hindi ko inaakala na siya ang pipiliian mo. S-sabi mo mahal mo ako, pero.. pero bakit kailangan mo ako saktan ng ganito? Bakit kailangan mo akong durugin? Kulang pa ba ako?" puno ng hinanakit ang boses ng Leigh habang sinasabi 'yon. Pakiramda niya ay konting konti na lang ay matutumba na siya sa sakit.

Dahan dahan na humakbang si Liam para lapitan ito pero umatras lang ang dalaga. "Stop! Don't move! Don't go near me, please, mas lalo lang ako masasaktan." umiiyak na turan nito.

"B-babe," hirap na hirap na sambit ni Liam pero umiling lang ito.

"Mukhang nakuha ka na niya talaga, grabe! Wala na akong masabi pa. Congrats to her! Ang galing niyang manira ng relasyon. H-hindi ko akalain na masasaktan mo ako ng ganito Liam, kasi... kasi nagtiwala ako sayo, binigay ko lahat sayo pero ito ang sinukli mo sa akin. Putangina naman! Bakit ganito ka sakit ang mahalin ka?" umiling-iling pa ito. "Pero sino ba ako para pigilan ka diba? Mahal kita kaya nirerespeto ko ang desisyon mo. Kung siya talaga ang pinili mo ay wala na akong magagawa. S-sana lang ay maging masaya ka, s-sana lang ay mahalin at alagaan ka niya ng higit pa sa ginagawa ko. Mahal na mahal kita. Buong akala ko ay hindi ka aalis, na hindi mo ako iiwan. Nasanay ako na nandiyan ka, pero sa huli tatalikuran mo lang din pala ako. Pero hindi kita pipigilan at hindi din kita hahabulin, kasi kung talagang mahal mo ako ay hindi ako kayang saktan at durugin ng ganito. I love you Liam, and I'm letting you go now," naglakad palapit sa kanya si Leigh at hinalikan siya nito.

Magsasalita pa sana si Liam pero hindi niya na nagawa 'yon dahil mabilis na umalis si Everleigh at naglakad papunta sa kanya sasakyan.

Gear Gods Series : Hearts On ReverseDove le storie prendono vita. Scoprilo ora