39 | Unusual Lady

Start from the beginning
                                    

They're unusual for me because we are different. I am different from them but still I felt that I am belong. Kahit pa wala akong kapangyarihan at ni hindi nila alam kung saan ako galing at sino ang mga magulang ko, nagagawa pa rin nila akong tanggapin at kausapin na parang ilang taon ko na silang nakasama.

Now, I was wondering, kung ako ngayon ay aware na may dalawang realm- the mortal and immortal- how about them? Do they know that a mortal realm exist?

Siguro naman oo. Sagot ko sa sariling tanong sa isip. Dahil if ever na hindi, ano pa ang silbi ng paghahanap ko ng sagot sa mga tanong na gusto kong masagot?

Dati pa man naisipan ko na silang tanungin, siguro one of these days ang tamang oras. Huwag sana silang magtataka sa tanong ko kun'di ay malalaman nilang hindi ako taga-rito at baka ano pa ang gawin nila sa akin.

Inihain na sa hapag ang kakainin namin. As usual, hinanap ni Nana Wed ang nawawalang ibon sa hapag niya. Napailing na lang ito bago umalis ng sabihin nilang mahimbing pa ang tulog nito. Mukhang alam din nito ang ugali ng prinsipe na ayaw magpagising.

Kalagitnaan ng pagkain namin ay nangatog ang binti ko. "W-woah, ang lamig," ani Aeros at nabitawan ang kutsara. Binitawan ko na rin muna ang kubyertos na hawak ko at niyakap ang sarili.

Nandito na yata ang walang hiyang prinsipe.

Mayamaya nga ay may umupo sa nag-iisang bakanteng upuan sa harap ko. Dala niya ang dumpy egg na balot na balot ng tela ang pugad. Nilapag niya ito sa gilid kung saan hindi madadali.

"You didn't wake me up."

"Hindi namin gustong magyelo," sabay-sabay nilang sagot. Napabuntong hininga naman ito at mas lalo akong nilamig dahil sa lumabas na hangin sa kaniya.

Hindi na naman ba niya ma-control ang steam niya?!

"Sinasadya kong di kontrolin ang steam ko. Hindi niyo ko ginising kaya manigas kayo," aniya kaya napanganga ako at naibagsak ang kamay sa mesa. Napapikit naman ako ng mariin dahil alam kong naagaw namin ang pansin ng malapit sa amin.

"Mamaya na kayo magkasatan d'yan. Magsikain muna kayo," rinig kong bawal sa amin ni Fier. Napahinga akong malalim at diretso siyang tiningnan. Ang lahat ng nasa mesa namin ay tila nanonood ng teleserye na nasa pinaka-climax na dahil tutok na tutok sila.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi nila? Alam nilang kapag ginising ka nila mas mangangatog sila sa lamig dahil ikukulong mo sila sa yelo mo. Tapos ngayon nagtataka ka bakit di ka ginising at hahayaan mong palibutan kami ng malamig mong hangin? Adik ka ba?!" madiin kong tanong sa kaniya. Rinig ko ang impit na tawa ni Aeros at ang pagbabawal ni Light rito.

"You know what. . ." aniya habang sumasandok ng kakainin niya, ". . .I hate it that you can look at me straight to my eyes. At the same time, I like you. I like your bravery."

"Ano?!" napamaang ang sa sinabi niya. Ano raw? Like me? He likes me? Wow. Just wow!

"Hala may gusto ka kay Samantha, Prince?!" pasigaw na tanong ni Aeros at napatayo pa. Agad ring napatayo sina Light at Lucas para hilahin siya paupo. Hindi naman malaman ng mga katabi ko ang ire-react. Agaw pansin talaga 'tong mga kasama ko!

"Grupo nila Azriel. Tahimik kayong kakain o lalabas kayong bitin? Mamili kayo?" tanong sa amin ni Fier na halatang ngumunguya ng kung ano. Siya man din ay pinagbawalan ng mga kasama niya dahil nagsalita ng puno ang bibig.

Azriel, on the other hand doesn't even give a d*mn. Tahimik itong kumakain ng pagkain niya. Napaikot na lang ang mata ko at umayos na ng upo. Nawala na rin naman kasi ang lamig na ginawa ng mahal na prinsipe. Kaunting inis at salita lang naman pala ang katapat niya.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now