ANONG SABI NYA? BEBE GIRL? Mukha ba kong bata para tawagin nyang bebe girl? May sayad ata to sa utak e! Laki ng problema siguro nito -_-

To: James ˋ﹏ˊ

STOP TEXTING ME PSYCHOTIC MAN!

Capslock para intense! :D Siguro naman di na nya ko guguluhin no? Tulog na siguro sya di naman na nagreply e.

So hinihintay mo sya magreply girl? - Heart

HINDI NO! Matutulog na kaya ko! Asa naman no! Capital A-S-A!

After 5 minutes biglang may nagtext. Agad agad kong kinuha yung phone ko. Teka bakit ba ko naeexcite malaman kung sino nagtext? Shiz!

Wala naman kasing may gusto katext si Nadine since bitch nga sya diba? Kaya walang naglalakas loob. - Author

Binuksan ko yung message and nanlaki yung mata ko sa nabasa ko at feeling ko parang uminit ata bigla? Nakatodo ba yung aircon?

From: James ˋ﹏ˊ

Sorry for the late reply bebe girl, I love you too :* Goodnight.

Kailan ako nag- i love you sa kanya? Feeling ko talaga may sayad si James -_- Di kaya takas mental to? PBB teens masyado!

Di na ko nagreply sa kanya baka kung ano nanaman kasi sabihin nya. Mahirap na -_- Kausapin na lang nya yung mga halaman sa kanila o kaya yung mga bato nila.

Matutulog na lang ako. Goodnight!

Sorry for the late reply bebe girl, I love you too :* Goodnight.

Sorry for the late reply bebe girl, I love you too :* Goodnight.

Sorry for the late reply bebe girl, I love you too :* Goodnight.

SABI KO MATUTULOG NA KO WAG MO KO GULUHIN! AAAAAAH!!!

Saturday, 1PM

Sabado na pala? So ibig sabihin makikita ko nanaman sya?

Sorry for the late reply bebe girl, I love you too :* Goodnight.

Pwede ba hanggang sa pagkain ko ba naman?!!!!!!

Nagfocus ako sa pagkain ko at thank God naman at wala ng nanggugulo. Aga aga sisirain araw ko? Tss!

Mabilis lumipas ang mga oras at 7pm na. Nandito na ko sa parking lot ng restaurant na napag-usapan namin ni James.

Dinala na ko nung waiter sa VIP room ng resto at nakita ko na si James na nakaupo don.Mabilis pa sa alas kuatro ng tumayo sya pagkakita nya sakin and pinaghila nya ko ng upuan, syempre ano pa bang ginagawa sa upuan edi inuupuan! So I did.

Awkward silence ...

Bukod sa naalala ko nanaman yung mga pinagsasabi nya kagabi kaya di ko alam kung paano magsisimula -_- Wala namang malisya sayo Nadz so bakit ka naawkward diba? Tama!

Magsasalita na sana ako ng bigla naman na syang nagsalita.

"You look beautiful. Anyway, so what are we gonna talk about?" seryosong sabi nya sabay inom sa wine nya. Si James ba to? Kasi ibang iba sya sa James last night na kausap ko. May lahi ba syang bipolar?

You look beautiful ...

SUS NADINE! Ilang beses ka ng sinabihan ng ganyan wag ka masyado paapekto!

Di ko na lang pinasin yung unang sinabi nya and sinagot ko na lang yung tanong nya.

"Me and you. First of all, lahat ng to is just pure act. So pagkaharap natin ang Lolo, you're my fiance and obviously pagtalikod di mo na kailangang magpanggap." explain ko sa kany habang busy sya sa pagkain nya.

"Can you please tell me why I have to act as your fiance?" sabi nya ng nakatingin sakin. As in eye to eye kami. Malusaw ako men!

"Okay, hanggat hindi kasi ako nagpapakasal hindi ako gagawing CEO ng Lolo sa company namin, ayaw ko namang makipagdate kasi ang mamaniac ng mga napipili ni Lolo pero don't worry sa tingin ko naman malapit na kong maging CEO so hindi tayo aabot hanggang kasalan. Pag nasettle na lahat ng bagay at ako ng ang CEO sasabihin ko kay Lolo na things didn't work between us kaya nagbreak tayo. In that way walang kasalang magaganap." explain ko ulit sa kanya.

"I see, So I'm a lucky guy then but what's my benefit with this deal?" Benefit? ano nga ba? Money? New car? New House? Teka! Lucky guy daw sya? Aba naman no! Nadine Lustre po kaya to!

"I'll give you a monthly salary plus new car and house! What do you think?" Okay naman yung offer ko diba?

Tiningnan nya ko tapos umiling sya.

What ayaw nya sa suggestion ko?

"What about you'll grant me 3 wishes?" 3 wishes? ano naman kaya yon?

"3 wishes? ano naman?" Okay na siguro yon kaysa di sya pumayag diba?

"Can you just say yes?" sweet na sabi nya. Madali lang naman siguro no? Sige payag na ko. Choosy pa ba ko e ako pala ang may kailangan dito!

"Okay fine." tipid na sagot ko.

Habang busy ako sa pagkain biglang nagsalita si James.

"My first wish, I'll call you bebe girl and you'll call me bebe boy in ANYTHING that you'll say. If you'll call me by my name and any other names and nakalimutan mo sa lahat ng sasabihin mong tawagin akong bebe boy madadagdagan ng isa ang wish ko plus may kiss pa." pagkasabi nya non bigla syang nagfocus sa pagkain nya at ako? TULALEY! Dinadigest ko pa kasi yung sinabi nya!

So ipupush nya talaga yang bebe girl-bebe boy nya! Makakaangal pa ba ko e umoo na ko sa wish wish nya diba? Isip bata -_-

"Kpayn BEBE BOY." sabi ko na lang tapos minurder ko na yung steak na kinakain ko.

"That's my bebe girl" smile nya sabay kain na rin.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso naman na kami sa parking lot para umuwi na. Sa wakas!
Bago ako sumakay sa kotse ko biglang nagsalita nanaman si James.

"Sabi ko naman sayo hahatid na kita pero ayaw mo. Take care okay? Goodnight bebe girl. Thanks for the night. I enjoyed it." sabi nya sabay kiss sa forehead ko.

HOY TSONG NAKAKATATLO KA NA! Dinaig mo pa si The Flash sa bilis mo umarangkada!

Pasakay na sya ng car nya nang ako naman ang magsalita.

"Rule no. 1, No kissing and touching! except pag nandyan ang Lolo. Got that BEBE BOY?" nagulat naman sya pero agad din namang napalitan ng ngiti.

"Okay, I'll respect your decision bebe girl, A happy wife, a happy life" sabay smile nya.

Sa sobrang inis ko nagwalk out ako at dirediretsong pumasok sa loob ng kotse ko at dali daling pinaandar ito.

Anong pinagsasabi nyang "A happy wife, a happy life?"

Kailan pa ko naging asawa nya? Seriously, he's getting on my nerves!

Tiis tiis lang Nadz, pag naayos na lahat di naman na kayo magkikita ulit nyang bebe boy mo ay este nang asungot na yan e!

Tandaan mo para sayo din tong ginagawa mo. Kaya be thankful na lang at pumayag sya sa deal mo. Sacrifice Nadine!

For the sake of my dreams. Let's do this!

Let the act, begin.

■■■

ig| baeryxx

She's The BossWhere stories live. Discover now