XXVII: 'Sweetness'

284 20 2
                                    

Third Person's Pov

Pinark na kaagad ni Sehun ang kotse niya sa tapat nang bahay nina Luhan..

Bumaba na si Sehun para sana pag buksan nang pinto si Luhan pero nagtaka siya dahil ayaw nitong bumaba..

"Baba na"

Umiling lang ito at ngumuso.. ewan pero parang nagpapacute ang usa

Napakamot nalng nang batok si Sehun at naglakad papasok nang sigawan siya ni Luhan..

"Oy!! san' ka pupunta??"

"Papasok malamang"

"Tulungan moko' masakit yung paa ko" saad ni Luhan na nagpangiti nang kaunti kay Sehun..

Ang lalandii nila pramis!!

Pinuntahan naman siya ni Sehun at tumalikod kay Luhan..

Nagtaka naman si Luhan

Humarap si Sehun nang kaunti at pinat ang likod niya na ibig sabihin ay sumakay dun si Luhan..

Nagets naman yun ni Luhan at dahan dahang umamba kay Sehun..

"Ambigat mo" ika ni Sehun habang naglalakad sila papasok nang bahay..

Basi sa pagngiti ngayon nang dalawa ay halatang kenekeleg sila..^•^

Nang pumasok sila sa loob nang bahay ay pansin nila na parang ang tahimik..

"Wala bang tao dito Luhan??"

"Hindi ko alam kakarating lang natin diba?"

"Bukas naman yung ilaw, ohh alis nako ha"

Humakabang na si Sehun paalis pero pinigilan siya ni Luhan..

"O-oy, iiwan m-moko dito?"

"Bakit,bahay mo naman to'?"

"Kahit na, ako lang mag isa..ihh natatakot ako Sehun"

Wala nang nagawa si Sehun kundi samahan si Luhan sa malaki nilang bahay..

Naka upo sila ngayon sa sofa habang may distansya nang dalawang unan.. ang aarte tologo

Parang na dead air sila dahil wala ang may gustong magsalita..

Nakaramdam naman si Luhan nang sakit sa kanyang paa nakina'aray' niya at napatingin sakanya si Sehun..

Hindi pa niya kasi nahuhubad ang kanyang sapatos tsaka pareho pa silang naka uniform ni Sehun..

"Oh bakit?" takang tanong ni Sehun sakanya..

"Masakit pa din kasi.."

"Akin na nga paa mo.."

Iniabot naman ni Luhan ang paa niya kay Sehun..

Kaya kasalukuyang nakaluhod si Sehun kay Luhan na nakaupo sa sofa..

Finifeel ni Luhan ang moment na dahan dahan siyang hinuhubaran ni Sehun nang sapatos.. pero nang nahubad na to' nagiba ang super kilig na kilig na mood ni Luhan sa sinabi ni Sehun..

"Tsk. Ambaho" sabi nito nung inamoy ang sapatos ni Luhan at kinusot kusot pa ang ilong niya..

"Amsama mo talaga Sehun!! kainis ka! hindi kaya mabaho yung paa ko.." tumawa naman si Sehun nang nakakaloko na siyang ikinatulala ni Luhan ..

Bigla namang tinabon ni Sehun ang kamay niya sa mukha ni Luhan habang tumatawa pa rin..

'tumatawa rin pala siya .. ang gwapo gwapo niya! ang cute cute rin nang boses' sa isip ni Luhan ..

Nang matapos na si Sehun sa pagtawa ay inalis na rin niya ang kamay niya sa mukha ni Luhan..

"Joke lang" sabi ni Sehun..

Kinuha naman niya ang medicine kit sa lagayan nun' at ginamot ang sugat ni Luhan.. Opo may sugat, maliit lang naman dahil sa sapatos niyang high heeled ..

Buong gabi silang magkasamang dalawa at hindi rin sila kumain.. wala kasing pagkain ehh..

Nasa salas pa rin sila habang nanunuod nang T.V nang magsalita si Sehun..

"Nililigawan ka daw ni Xiumin?" pasimpleng tanong ni Sehun pero nakatingin lang sa screen..

Napalunok naman si Luhan sa tanong na yun ni Sehun..

"Ahh oo"

"Eh si Kai?"

Lalong nagulat si Luhan..

"H-hindi pa"

"Hindi pa.. so, pwede pa" tiningnan naman ni Luhan si Sehun nang masama..

"Hoy! anong akala mo sakin mad---" hindi na siya natapos nang sumabat si Sehun..

"May fiance kana ehh, magpapaligaw kapa!" walang kaemo emosyong ani ni Sehun

Natigilan naman sandali si Luhan at napaisip..

"Eh hindi naman tayo ehh tsaka fiance lang naman kita.. matagal pa bago tayo magpakasal"

Binigyan naman siya nang seryosong tingin ni Sehun..

At hindi na nagsalita..

Sa Isang buong gabi ay magkasama sila Sehun at Luhan..

Sa salas rin sila natulog habang si Luhan sa sofa at si Sehun naman sa sahig..

Ewan ko lang kung anong magiging reaksyon nila pagka gising nila mamayang umaga..

Being His FianceWhere stories live. Discover now