XVIII: Pag ibig nga kaya??

283 22 2
                                    


Luhan's Pov

Ilang weeks na rin ang nakaraan nang niyakap ako ni Sehun nang araw na yun.. At ilang weeks na rin siyang parang weather, pabago bago.. minsan sweet
minsan cold
minsan masungit
minsan mabait
minsan hindi ko na maintindihan .. ang sakit niya sa ulo tsk.

Tulad ngayon na magkatabi kami sa upuan at kanina niya pako kinakalabit habang naglelecture ang teacher..

"Sehun, ano ba? nakikinig ako" pabulong kong saway sakanya

"Penging candy at tubig"

"Wala nga kong candy tsaka tubig..unli? ulit ulit?"

"Hay,"

Bumuntong hininga nalang siya at napa face palm.. ano nanaman kayang nangyayari sakanya??

Nang matapos na ang lecture ni Ms.Eun Hye, ay dali dali niya kong hinatak sa upuan ko palabas nang room..

Hindi nako nakapagsalita dahil medyo kinakabahan ako..

Lakad takbo na ang ginawa namin bago makapunta dito sa Cafeteria..

Binitiwan naman nako ni Sehun at napansin kong bumili siya nang tubig at candy..

"Uy, anong problema?"

Tiningnan lang niya ko habang umiinom nang tubig.. sinubo na rin niya ang candy..

"Sehun, ano bang nagyayari?"

"Wala, hay thana ayoth.. thet baket andyan parin?" Nauutal ba siya o ano? baket hirap siya sa 'S'?

"Uy, na pipi ka?"

"Pipi? edi thana di ako nagthathalita.. pttthh"

"Oo nga noh? eh anong nangyayari sayo?"

"Bumalik yung Lithp ko"

"Haha ano?"

"Huwag ka ngang tumawa..!!"

"Opo di na po"
Nakakatawa si Sehun haha.. para siyang batang yagit haha..joke pogi kaya siya hehe

Uminom ule siya nang tubig at umugom nang kendi..

"Es es es es es, hay salamat! nawala na"

Haha nawala na sayang.. ang cute pa naman niya sana

"Tara balik na tayo"

Nagsimula ule kaming maglakad pabalik nang classroom..

"Se, baket nahirapan ka kanina sa 'S'?"

"May Lisp kasi ako"

"Ano yun?"

"Yung sagot sa tanong mo"

Sagot sa tanong ko? ano bang tanong ko? haist.! hindi ko gets.. hehe

Nakabalik na kami nang room at umupo nako..syempre katabi ko si Sehun..

Tahimik lang siya habang nagbabasa..

Gusto ko siya sanang tanungin kung bakit niya ko niyakap? kung bakit matagal ang pagkakayakap niya saken, kung baket ang gulo niya, kung baket may nararamdaman akong iba, at kung siya rin ba may may nararamdamang iba??

"May sasabihin ka?" Nagbalik naman ako sa wisyo nang magsalita siya pero nakatingin siya sa libro...

"Uhmm ahh ano kase"

"Diretsuhin mo" maawturidad niyang sabi..

"Yung yakap? bakit, may yakap? para san yung yakap?" aissshh!! hindi na tuloy akong marunong magsalita nang maayos..

"Wala lang yun! napagod lang ako.. gusto ko lang nang may masandalan"

BOOM! teka bakit parang nanikip yung dibdib ko?? w-wala lang yun? ehh ano naman diba? pero hindi ehh.. parang may mali sa naramdaman ko parang medyo masakit ..

"Ahh okay"

Okay? hindi ako okay? okay? waaaaaaaaaaahh!! Oh Sehun, ano bang ginawa mo sakin? nakakainis ka!!

Nakakainis kasi .. oo aaminin ko, may feelings nako sayo! akala ko may feelings ka din sakin nung niyakap moko' pero ang tanga ko.. wala lang pala yun! ang tanga ko kasi umasa ako..

Congrats Luhan,! ang saya!!

Being His FianceWhere stories live. Discover now