He'll try. Naalala ko noon na puno siya lagi ng pag-asa. Siya ang rason kaya unti-unti ko ring inisip kung ano ba ang pangarap ko dahil sa determinasyon niya. He's a good role model. Sa lahat ng mga lalake noon na nakilala ko, siya ang hindi bulakbol at priority ang pag-aaral.

Hindi man iyon nakita ni Lola sa kanya noon kaya ganoon kadali kung tanggalin ang scholarship, ngunit saksi ako sa mga pagsisikap niya noon.

"Talagang dinadamay mo ako," reklamo ni Lola kinagabihan nang makauwi ako at sinabi agad ang gusto ni Draven.

"I didn't, Lola. Binalaan ko siya na wala siyang mahihita sa'yo kahit kausapin ka niya but he's persistent. He wants the land back. He wants to buy it and double or triple the price," seryoso kong sabi habang hinihiwa ang aking pagkain.

Nasa malalim pa siyang pag-iisip nang dinagdagan ko agad.

"Kaya nagschedule na ako ng meeting niyo bukas. At dito sa mansyon. Para makapag-usap kayo ng masinsinan."

Lola's expression twisted.

"I am busy tomorrow. May zumba session ako with the other oldies," she reasoned out.

"Lola he's a busy man. Re-schedule your zumba session. Hindi ka naman siguro rarayumahin bukas," giit ko at sumimsim sa aking juice.

"You are so desperate to favor that boy," iling niya.

"I am busy too. Gusto ko nang matapos 'yang hinihingi niya para hindi na kami magkita! Kung alam mo lang kung paano ko agad tinapos kanina ang meeting noong bumisita siya sa mismong office ko," pagmamayabang ko.

"Because he turned you on so much and you can't stand being with him in one place?"

Nalaglag ang panga ko. Ang bastos ng matandang ito!

Umismid lamang ako ngunit hindi ko kayang itanggi. Hindi ko rin kayang sabihin na hindi. Our dinner went smoothly. Ngunit parang mastress siya sa agarang meeting na inihanda ko.

Hindi ako pumasok sa Hotel kinabukasan para lamang sumali sa kanilang meeting at dinala ko rin si Arthur para mukhang pormal na usapan ang magaganap.

He's still formal just like how he presented himself yesterday. Ngunit iba lamang ang kulay ng kanyang coat na itim na ngayon ganoon din ang slacks.

Iginiya ko siya sa sala. Lola isn't done yet. Kakatapos ko lang maligo at bihis na bihis na rin. I wore a white tube top and black pencil skirt. Hanggang tuhod ko iyon. I just wore my hair in a high ponytail and let some strands fall on each side. Sapat lamang na hindi matabunan ang suot kong silver hoop earrings.

Inilapag ng katulong ang meryenda habang tahimik kaming nakaupo. I caught him looked at me from time to time but I didn't mind it coz he also caught me glancing back at him.

Dumating si Lola. Her dramatic entrance with her nurse confused me. Nakakapaglakad pa naman siya nang maayos ngunit naka wheelchair siya ngayon. It made her looked old and weak but in a fancy way because of her luxurious clothes.

Draven watched her in awe. Halos gusto kong suminghap nang mapagtantong... nagpapaawa siya. Is she pulling some stunts to win the land successfully?! Kahit si Arthur, kung tingnan si Lola ay nagtataka na rin.

The nurse smiled at us after placing Lola beside us. Nasa bawat gilid siya ng magkaharap na sofa'ng inuupuan namin ni Draven.

"You are the youngest son of Roselia and Damian, right?" Lola started in a stern voice.

Draven nodded. "Yes, Donya."

Pekeng umubo si Lola. Hinagod ng nurse ang kanyang likod at binigay ang nakahandang inhaler. Ibinigay iyon sa kanya na agaran niyang hinithit. I bowed my head a bit and pursed my lips. Magzuzumba pa siya dapat kahapon ah? And I'm not even aware she has an ashtma!

"I will not sell the land if that's what you want to talk about, hijo," she said in a weak voice after puffing her inhaler.

Nag-angat ako ng tingin kay Draven. His determination to get back the land gleamed in his eyes. Baka lumuwa pa ng pekeng dugo si Lola para lang kaawaan siya ngayon.

"That's why I want to propose some deals, Donya. I want to demolish the hotel—"

Hinaplos ni Lola ang kanyang dibdib at parang inaatake pa ata sa puso. Napatayo ako sa gulat. Muli niyang inilagay ang inhaler sa bibig niya at unti-unting kumalma. Kung hindi ko lang alam kung gaano pa siya kalakas kahit may edad na, iisipin ko na talagang halos nasa bingit na siya ng kamatayan!

"I'm fine, hija... take a seat again..." senyas niya sa akin.

Muli akong umupo. Binalingan niya si Draven.

"What did you say again, hijo?" Lola asked calmly.

Draven's lips was still parted. Tila nagulat din sa atake ni Lola sa puso. Binasa niya ang labi at maingat ulit na nagsalita.

"Gusto ko sanang ilipat ang hotel sa ibang lupain," at mukhang nakaisip agad siya ng ipapalit sa demolish na gusto niya.

"Will you transport my entire hotel without damaging it? Is that even possible?" ani Lola.

Draven shook his head. "Ipapa..." tumikhim siya. "Ipapademolish ko—"

And Lola pulled another heart attack. Halos hingal kung habulin ang paghinga habang hinihithit ulit ang kanyang inhaler. Draven licked his lip. He looked more stress now compared to our talk yesterday.

"Oh no... no, hijo... I won't let you demolish the hotel. That's my daughter's project. That's the reason why I don't want to sell the land because you're gonna demolish it. Maraming mawawalan ng trabaho," ani Lola nang makabawi na sa heart attack.

Draven looked at me. I raised my brow and gave him a I-told-you-so look. Siguro naman gets niya na hindi niya basta bastang makukumbinsi si Lola sa gusto niya.

"The land is the only memory I had with my deceased mother, Donya. Ipinangako ko sa kanya na babawiin ko ang lupa kung may sapat na akong pera para bilhin ito sa inyo," aniya sa determinado ngunit kalmado pa ring tinig.

Tumikhim ako at seryosong hinaplos ang aking buhok. His calmess is really his asset. Parang kahit anong galit sa kanya ay hindi siya mababali.

"Well it's not for sale, hijo. I am not selling it. The land is also important to me because of the Hotel. Kung gusto mong bawiin ang lupain, para mo na ring kinuha sa akin ang Hotel," ani Lola.

"Then... at least give me the land back. I don't mind the hotel in our land. Kahit ipangalan niyo lang ulit kay Mama ang titulo ng lupa, Donya," he bargained.

My heart ached for a particular reason. He's willing to pull himself low just to get the land back. Nilingon ko si Lola ng marahan. She gave me a sneaky smirk as though she had caught my unexpected softening toward Draven.

"I'll accept any condition to get it back if you don't want to sell it," ani Draven.

"Hmm. A condition..." Lola's sudden glance at me made it more suspicious. Tumikhim ako at seryosong nakinig.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Where stories live. Discover now