"Ayokong nakikita ka nilang ganon."

"Kausapin mo tuhod ko," pabalang kong sagot bago lumabas ng kwarto niya at bumaba.

Halos hugotin ko pataas ang pajamang suot dahil sa pag sayad nito, para akong nakalutang dahil sa laki ng mga damit na suot ko. Sayang talaga minsan na nga lang ako maging sexy ginanon pa, pinigilan pa ng feeling kung sinong isa diyan.

"Anong nangyare sayo?" pigil tawa na tanong ni Divine.

"Nakakainis! Ayokong umuwing ganito ang suot."

"Wag ka ng umuwi," hindi iyon kung ano lang dahil puno ng autoridad ang boses nito.

"Wag ka nalang rin huminga."

Mas lumakas ang tawa ni Divine kaya nakuha namin ang atensiyon ng halos lahat na naroon. May babaeng mas maikli pa ang short sa suot ko kanina ang lumapit papunta sa gawi namin, mukha kilala ko na kung sino ang babae na tinutukoy ni Ella kanina lang.

"Hi guys, hi West."

Tipid na halik sa labi ang binigay ng babaeng nakasagutan ko sa labas ng library nong isang araw. Naks naman anteh, hindi ka pa nakontento na mag transfer sa school at talagang sumali ka pa sa fandom para lang makita every saturday si Kuya West.

"Hi, ano nga ulit yung name mo? Hindi ko alam kong sinabi mo ba yun o hindi ko lang maalala na nag pakilala ka?" singit ko.

Gusto kong manapak ng maganda pero mukhang sayang ang ganda niya pag nabangasan pa.

"Alona, Alona ang name ko. Nice meeting you again, Noveda."

"Nice meeting you," ani ko at tumingkayad para punasan ang labi ni Kuya West gamit ang manggas ng damit ko.

Hindi lang si Kuya ang nagulat sa ginawa ko dahil pati ako gulat na gulat, feeling ko parang selosang girlfriend ang dating ko ng mga oras na to, nakakahiya dahil nasa harap namin si Divine at satisfied dahil halata ang gulat at inis sa mata man o mukha ni Alona.

"Jealous?" bulong niya.

"Ayoko lang ma-bad breath ka," irap ko bago lumayo.

"Where are you going?" habol nito.

"Stay there! Kukuha lang ako ng juice nauuhaw ako!" sigaw kong pigil.

Sinunod naman nito ang utos ko at nakipag kwentuhan lang muna siya sa mga taong lumalapit sa kanya. Narating ko ang kusina na subrang bilis ng tibok nitong puso ko. May karera ba o tumakbo ba ko ng subrang bilis kaya ganon nalang ang hingal ko?

"Here."

Nilagok ko iyon without thinking kung sino ang taong nag bigay ng juice sakin. After drinking sinipat ko kung sino iyon, akala ko kung sino na si Dame lang pala. Remember yung binigyan ko ng towel don sa match nila with ex-boyfriend ni Alona.

"Thank you," ngiti ko.

"May cake dito, gusto mo?"

"Meron bang para sakin?"

"Kukuha ako ng para sayo," mas lalong sumingkit ang singkit niyang mga mata dahil sa pag ngiti. Ang pogi din naman kasi ng chinitong 'to. "Here's your cake Madam," abot nito ng cake sakin.

Natawa naman ako at tinanggap ang cake na bigay niya. Subrang dami naman ng chocolate nitong cake kaya mas lalong nanuot ang sweetness nito plus ang lambot din ng cake.

"Enjoying the conversation?"

Sabay kami ni Dame na nilingon ang pinto kung saan poging nakasandal si Kuya West, habang matalim ang tingin samin. Grabe naman ang tingin ng lalaking to parang nahuli yung girlfriend na may kasamang kabet.

"Gusto mo?" nguso ko sa cake.

"Your lips?" takang tanong nito sakin.

"Tanga! Anong your lips ka diyan? Itong cake ang tinutukoy ko."

"I want your lips."

"Di ka gusto ng labi ko," irap ko bago isubo ang natitirang cake sa plato ko.

Nakangiti kong binalik kay Dame ang plato at inabot ang basong may tubig na bigay niya sakin, ininom ko iyon at binalik ulit ang baso sa kanya. Nauna na kong nag paalam habang parang buntot naman si Kuya West.

"Diba sabi ko mag stay ka don?"

"I'm not your fucking dog para utusan."

"Ang swerte mo naman para i-compair sa cute na aso."

"I'm handsome," yabang din ng isang to.

"Hindi din."

Natigil lang ang usapan namin ng tawagin na ni Divine ang Volleyball Team para sa group picture nila kaya naiwan akong hinahatid si Kuya West gamit lang ang aking tingin. Lumingon ito sa gawi ko bago natatawang umiling naman ang mga ka-team niya. May nakakatawa ba sakin o baka naman may natirang cake sa mukha o gilid ng labi ko?

Baka naman ang pangit pangit ko na kaya ganon nalang ang ngisi at tawa ng mga kaibigan at kasama niya, kung bakit ba naman ito ang damit na suot ko. Kung bakit ba naman naniwala at nag padala ako sa boses niya Kuya West.


Harsh Gentleman Series 2: His Sinful Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now