Chapter 3

12 1 0
                                    

Ellie

Isang linggo na ang lumipas simula ng pumasok ako dito sa Callister Univ, medyo ok naman so far walang nambu-bully sakin. May naririnig akong chismis pero hinahayaan ko nalang Last year nalang din naman to kaya titiisin ko nalng.

Nasa canteen ako ngayun kumakain lunch na kasi wala si Rie dahil may importanteng lakad daw, kaya nandito ako kumakain mag isa.

Isang linggo ko na ding napapansin na panay tingin si Veron sakin, di naman siguro ako crush neto nu?. Pero char siguro dahil sa kasalanan ko sakanya last week, simula kasi nung nangyari last week eh iniiwasan ko na talaga siya ni maka eye contact lang i iniiwasan ko tapos eto siya ngayon tumitingin sakin.
Isa syang 4th year stud kagaya ko ang kaibahan lang isa siyang archi  kasama niya ang dalawa niyang kaibigan, habang  ako naman at si Rie ay medicine.

'Ringggg....'

Tamang tama talaga tung bell kasi gusto ko ng umalis dito. Nag dali dali naman akong mag ayus ng nga gamit sa table na kinakainan ko, lalabas na sana kaso may narinig akong tumawag ng pangalan ko..

'Ellie'

Lumingon ko at nakita ko Veron sa aking harapan, nanlaki naman ang mga mata ko. Tumalikod ako at aalis na sana kaso hinawakan niya ng mahigpit ang aking pulsuhan.

"Where do you think you're going huh?"

"Auhm..V-veron..kung tungkol to sa nangyari noon humihingi ako ng paumanhin, aksidente lang talaga yun" nakatingin ko sa baba ayaw ko kasing makita ang mga mata niya dahil tila ginagayuma ako ng mga ito.

"Goshh you are so stupid, not that. Although im still mad but im ok with it now. Actually im here to give you an offer in exchange of what you did to me" ha? Anong offer to?

"What if ayaw ko?" Tanong ko naman dito.

"What if ill slap you ha? Have you forgotten what you did to my outfit last time, that outfit was worth your life. I dont want your money so here's the catch" sawakas binitawan niya na ang kamay ko..ang sakit grabeng babae to ang higpit ba naman ng pagka hawak sakin." A-ano yun".

"I want you". Ha? Ano daw?

"i want you to tutor me" ahh ok..i pano yan bobo din ako?

" ako? Eh di naman talaga ako matalino, chaka hanggang kaylan ba kita i tu-tutor?".

"Until the end of the school year ofcourse, i want high grades and you want freedom right? Unless you want me to tell everyone to bully you?"Bigla naman akong natakot ayaw ko ng maulit yung nangyari sakin noon...

"S-sge na nga anong sub ba?" Nag aalinlangang ko tanong..

"Math i really cant remember formulas, so we'll start later at my house". Kinuha nya ang palad ko at may pinatung dito. Address nya ata to..

" thats my address go there later after your class". Yun lang sinabi niya at nag lakad na palayo.

Bumalik nako ng classroom, pagpasok ko dun ko naman nakita si Rie, may kausap na babae hayss tung babae na talagang to, sobra mang babae mappaasanaol ka nalang.

"Ohh kol my prend wassup" tawag naman nito sakin namay bungisngis ang mukha. Umalis nadin yung babaeng kausap niya ng maupo nako sa aking upuan.

Di ko nalang siya pinansin at iniisip nalang kung pupunta ba talaga ako o hindi. Napa buntong hininga nalang ako

" malalim ata iniisip mo kol ok kalang ba?, may nangyare ba nung wala ako?".

"Wala kinausap lang ako ni Veron". Saad ko habang di parin naka tingin sa kanya.

" Ah kinausap kalang nama-Anoo?! Diba sabi ko iwasan mo siya!?" Bigla naman itong sumigaw. Mabuti nalang wala pang guro dito.

"Oo nga pero anong gagawin ko kung siya na talaga ang lumapit? Chaka may inalok, tu-tutor ko daw siya para mabayaran ko yung ginawa niya" hay buhay na dagdaggan pa trabaho ko.

"Ito na nga ba sinasabi ko eh kakausapin ko nalang siya mamay-".

"hindi na Rie ok nako, chaka andami mo nang ginawa nakakahiya na kaya ko naman to kaya ok na." Sabi ko habang nakangiti.

"Osige basta mag sabi ka sakin kung ay ginawa si Veron sayu ha, kakatayin ko talaga yun ng buhay HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAH" baliw ampota.

Grabe tawa niya ng biglang pumasok ang prof namin.

"Sinong kakatayin mo Miss Olivar?" Malamig na tanong ng aming guro...lahat naman ng mga kaklase ko ay nanahimik.

"U-uhm sir good afternoon po..". Kinakabahang sagut ni Rie. Yan kasi tawa ka pa ng tawa desurb.

"I want you to stay after class ang clean the girls bathroom." HAHAHAHAHAHA buti nga sayung kupal ka.

"Pero sir.."

"Walang ng pero pero Miss Olivar, you can now take your sit."saad ng guro at dumiretsu ng nagturo, nakita ko naman si Rie na naka nguso na at nakatingin sakin kaya natawa ako ng mahina.

Pagkatapos ng klase ay inayos ko ng ang gamit ko sa locker. Mag kasama kami ni rio itong isa kanina pa tahimik eh mukhang takot na takot ata mag linis ng Cr.

"Mauna kana mag lilinis pako, bwesit kasi ahh" inis nya na sabi. Natawa naman ako.

"Sge sge kitakits nalang bukas byee enjoyy!" Panghihikayat ko sa kanya

"Tangina mo kol" at pinakyuhan pa talaga ako. Hayss ang sama nya talaga sana nalang may 'ano' doon sa toilet bowl na lilinisan niya.

Sumakay nalang ako ng taxi para mapabilis ang pagdating ko sa bahay ni Veron kahit medyo mahal ok lang.

Huminto ang taxi sa isang malaking tirahan, woww ang laki ng bahay niya may swimming pool bato?

Pumunta nako sa gate at nag doorbell
May guard naman na bumukas. Sabi ng guard kanina pa daw niya ako hinihintay...at galit na daw kasi akala niya eh hindi ko siya sisiputin.

Pagpasok namin sa sala ay bigla ko siyang nakita sa sofa naka cross ang paa pati ang kamay, naka kunot din ang kanyang noo. Ang. sexy parin kahit naiinis siya..

Naka suot siya ng cycling tapos over-sized navy blue shirt naka tali na ngayon ang buhok nya. O dibaa fresh pa din kahit galing lang school.

"I thought you bailed on me" madiing sabi neto sakin. Nahimas masan naman ako sa sinabi niya.

"ah sorry eh late din kami pinalabas ng prof namin..promise di na mauuulit."

"Ok lets start, follow me." Sinundan ko siya umakyat sa hagdan at papasok sa kwarto niya..

Hays sana naman maging madali ang gagawin kong tutor sa kanya.






The Things I'd Do For YouWhere stories live. Discover now