"Heard you're recruited by a frat during your college days. Your father told me about it," aniya habang gumagala ang aking tingin.

May malalaking paintings na nakadikit sa pader. The golden antique border of the frame is eye catching. I know it's pure gold. Pinapaalala nito ang luho ng aming pamilya sa nagdaang taon na hindi kailanman nakaramdam ng hirap. That's how old money works.

Ibinaling ko ang tingin sa family pictures. May apat na picture frame. Sa gitna ay ang malaking bilog at sa bawat gilid at itaas ay ang parisukat na hugis na laman ng aming henerasyon.

"The frat is harmless, Lola," sabi ko nang maalala ang tanong niya.

"Umalis kana ba?" she asked.

"Yup. I just needed it for a distraction while my thoughts are uncontrollable," saka ko siya nginitian.

Inilapag ng maid ang meryenda sa bilugang mesa sa sala habang ang iilan ay hinihila na ang aking gamit paakyat.

Umupo ako sa sofa. Sinalinan ng katulong ang aking baso. Inukupa ni Lola ang harapang sofa. The massive emerald green pendant of her necklace is just too obvious to shrugged about. She dressed in all black with her coat. Looking at her skin, I feel like she never aged. She still looked so young.

"You'll manage the El Royale," she pointed out.

Tumango ako. "I am here because of that."

Nagtagal ang paninitig ni Lola sa akin, na para bang may iba pang rason kaya ako nandito. Kinuha ko ang baso ng aking juice at sumimsim doon habang nakikipagtitigan sa kanya.

My cousins are busy with their own lives. The hotel is their least concern. Ayoko sanang bumalik kaso medyo napamahal na rin naman ako sa lugar kahit papaano...

Kung sino pa itong halos pariwara sa aming apat, ako pa talaga ang naatasang mamahala sa hotel. Kaso wala rin naman akong gagawin na importante pagkatapos ng pag-aaral ko. I'm bored to death. Kaya nga kung ano-ano nalang ang pinagkakaabalahan ko lately.

"Ikaw rin ang naiisip ko na makakahandle ng Hotel," she said.

I chuckled.

"Kasi pag si Arkaine... baka..." I smiled more.

Ramdam ko pa ang jetlag. Manila is very different compared to the province of CARAGA. I appreciate its serenity.

My body submerged into the water in the tub after an hour of talking to Lola. Alam kong nagdududa siya kung bakit hindi ko man lang kayang tanggihan ang offer niyang pamahalaan ang hotel. Ngunit nakakapangduda rin naman siya na sa lahat ng apo niya, ako ang kanyang inatasan.

I know the rumor of the Hotel and its issue from the past. Pinsan ko ang humawak sa proyektong iyon. Isa ang hotel sa naipatayo na umani ng maraming pagtutol sa mga tao rito. It's the root of their hatred that led on hating the Ferrarins more.

Ngunit ang alam ko, binayaran nang maayos ang mga naroon. The demolition of the squatter area was granted legally. At dahil Ferrarin ang humahawak sa proyekto, Ferrarin din ang may-ari noong itinayong hotel, sa amin nabunton ang galit.

Naiintindihan ko naman ang parteng iyon lalo na sa mga taong kapos at iyon lamang ang nakikitang tirahan. But they were given enough time and enough money. Siguro hindi lang talaga matanggap...

Masarap ang tulog ko kinagabihan. Maaga ring gumising lalo na't ipapakilala ako bilang bagong corporate Manager ng hotel. I dressed in my black coat, white inner shirt and black pencil skirt. Binuksan ko ang dalawang butones ng aking shirt para makita ang suot na pendant ng aking kwintas at hinayaan ang nakalugay na buhok.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Where stories live. Discover now