"Bakit mo to ginagawa Patrice?" Nagtatakang tanong ko sakanya

"Mahalaga pa ba yun Aldrin? Ang mahalaga natutuhan kpng mag paraya, narealize ko na .. patuloy ko nalang na sinasaktanan ang sarili ko. Habang patuloy kong pinapaniwala ang sarili ko na baka may chance pang mahalin mo ulit ako mas lalo mo lang narerealize na si Wendy talaga ang mahal mo. Sino ba ko para pigilan ka sa nararamdaman mo" dirediretso nyang sagot. Napangiti ako at niyakap ko sya dahil sa wakas naalog na ang utak ni Patrice

Walang ano ano mang pag dadalawang pag iisip tumakbo agad ako pero nagulat ako ng hilahin ako ni Patrice

"Bakit?"

"Eto, gamitin mo muna yung van namin, para makaabot ka" alok nya sakin kaya kinuha ko yun at ibinyahe ang van nila.

Kinakabahan ako dahil baka mamaya nagpapalitan na sila ng oo.

Binilisan ko pa ang speed ng sasakyan. Nag accelerate ako ng doble ng takbo ko kanina.

Basa ang kalsada dahil umuulan parin. Pero wala na kong pakielam ang mahalaga maabutan ko si Wendy bago pa mahuli ang lahat.

Pa U-turn na sana ko kaso biglang may sumulpot na malaking truck at ikinaliwa ko ang manubela kaso di ko inaasahan may paparating din na humaharurot na van at --------

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

No one's POV

Nagkarambolan na sa kalsada ng dahil sa tatlong sasakyang involved. At isa na doon ang sasakyan ni Aldrin. Agad na dumating ang ambulansya para iligtas ang mga sugatang sakay ng mga sasakyan. Matinde ang pagkakabundol kay Aldrin at kritikal ang lagay nya ngayon. Nang isinugod na sya sa ER kasabay ng ibang biktima kinuha ang mga information na maaring matagpuan sa mga dala nila. Nakuha ang cellphone niya at dinial agad ang unang number na nasa call list.

Si Wendy.

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Wendy's POV

"WENDY!" nagulat naman ako ng bigla nagkaka- katok si Jamie sa kotse habang hawak hawak ang cellphone ko at mukang hingal na hingal

Nasa loob na ko ng sasakyan na nasa harap ng pituan ng simbahan. Hinihintay ko nalang ang senyales kung dapat naba akong bumaba.

Binuksan ko agad ang pinto

"O bakit? San ka galing? Hingal n--"

"Si Aldrin" napahinto ako ng sinabi nya yon, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"Ano ba Jamie, wala na akong pakielam sa kanya. Ikakasal na ko ilang segundo nalang."

"Nasa hospital sya at kritikal ang lagay" nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko

"At .. nagtext sayo si Patrice" binigay nya sakin yung phone ko

From: 09012345678

Wendy si Patrice to wait for Aldrin. He's on his way na papunta jan. He still love you. Kahit na lagi ko syang kasama ikaw parin ang laman ng puso nya. Alam kong mahal mo pa sya kaya hintayin mo sana sya.

*****

Nabitawan ko ang phone ko at napatakip ng bibig ko

Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung anong pwedeng kalabasan ng magiging desisyon ko? Pero paano si Frank? Na naghihintay sa loob? Ang lalaking hindi ako nagawang iwan sa mga oras na kinailangan ko ng taong malalapitan.

Pero paano naman din si Aldrin na .. Ako ang dahilan ng pag ka aksidente nya? Ang taong

....

Hanggang ngayon ay nagpapatibok at nagpapakaba parin sa tangang puso nato!

Bumaba ako ng sasakyan at binuksanang malaking pinto. Nagtinginan ang lahat ng tao, ang mga bisita. Lahat pati si Frank. Tumakbo ako sa aisle habang hawak hawak ang dulo ng wedding gown ko. Sana hindi ko pag sisihan ang mga magiging kilos ko.

Nang maabot ko si Frank niyakap ko agad sya. Ng sobraaaaaang higpit. Naiyak ako sa di malamang dahilan.

"Bakit?" Nagatataka nyang tanong.

"Matutuloy ang kasal .. Pero si Aldrin .. Naaksidente sya Frank. Kritikal ang buhay ng kaibigan mo ngayon at kailangan nya tayo" explain ko

Hinawakan ni Frank ang dalawang pisngi ko gamit ang mga palad nya

"Go on. Its okay. You can go Wendy. We can postpone this Wedding or worst.. Not or maybe we can break the arrange marriage--" Umiling iling ako at hinawakan ang mga kamay nya

"No. No. No. We cant. I dont want to. Itutuloy natin to pero not now" sabi ko sa malungkot na boses

Ngumiti si Frank .. Pero maliit na ngiti lang ang ibinigay nya sakin pero alam kong panatag nako dahil malawak ang pang unawa ni Frank kaya tumango ako at tumakbo. Tinangal ko muna yung heels na suot ko tumakbo ng mabilis at sumakay ng taxi kasama si Jamie.

Nagpahatid kami sa taxi kung saan nasan si Aldrin.

Tumakbo kami sa hallway patungong ER, Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Si Jamie naman tinawagan na sila tita (mama ni Aldrin) at Patrice.

Sinilip ko si Aldrin sa pintuan, parang sa nakikita ko palang parang ang hirap hirap na ng pinagdadaanan nya. Napaiyak nalang ako.

Ngayon ko nalaman na .. Importante parin pala siya sakin pero .. Impostante rin naman si Frank sakin, at narealize ko na ..

Maraming pwedeng mangyari sa bawat oras na tumatakbo. Maaaring may pag sisihan ako kapag hindi ko ginawa ang dapat.

Ano bang gagawin ko?

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

VOTE • SUPPORT • COMMENT • SHARE

A/n: HELP WENDY WHAT TO DOOOO? Suggest what ever you feel or you think wat is ryt to do?

Salamatttt :*

[BAEKMI] 31 days of DAREWhere stories live. Discover now