I miss her smile kahit alam kong pagud ang nasalikod ng mga ngiti niyang iyon.

"Hi honey, maayos ba ang bahay? Uuwi sila Lola mo diyan para mag bakasiyon."

Hindi mo man lang ba tatanongin kung okay lang ako? Kung maayos paba ang takbo ng buhay ko? Bakit instead of asking about me, bahay agad ang kinumusta mo?

"Okay naman po ang bahay, kayo ni Daddy hindi paba kayo sasabay sa pag uwi nila Lola?"

"Busy pa ang Daddy mo at ganon din ako. By the way i have to go, yun lang talaga ang concern ko."

Hindi pa ko nakakapag paalam ng pinatay na nito ang video call. Parang sinampal ako ng katotohanan na hindi ako kasama sa mga concern ni Mommy, na hindi ako naging pangunahing importante sa kanya.

Parang gusto ko ng umuwi ngayon at pasukin ang safe room nila, parang gusto kong mag wala at itapon lahat ng pera, ginto at alahas nila na nasa loob non. Gusto kong sirain ang lugar na iyon para ipakitang may anak din sila na kailangan ng pag mamahal at atensiyon.

I want them to know that they have a daughter that is tired waiting for them to come home. I want them to realize that i exist, that i'm breathing and living.

"Are you okay hija?"

Mapait akong ngumiti. "I'm fine Tita, akyat po muna ako para mag bihis."

"Bakit sa'n punta mo?" tanong naman ni Tita Jhellian.

"Mag swimming po Tita."

Tumango lang siya bago bumalik ang focus sa pinag uusapan nila at ganon din ang ginawa ni Tita Liza. Pumasok muna ako ng kusina para uminom ng tubig pero hindi pa ko nakakakuha ng tubig ng may nag angat sakin mula sa likod.

"Ano ba?! Ibaba mo nga ko!"

Inirapan niya muna ako bago ibaba sa lababo, mabuti nalang at hindi basa ang pinag lagyan niya sakin, yumuko siya at may pinulot na kung ano sa sahig at nakita kong tsinelas ko iyon.

"Para kang bata."

"Babalik din naman ako don kaya hindi ko na kailangan yan," tanggi ko.

"Malamig ang sahig."

"Maliligo pa ko sa malamig na swimming pool kaya walang kaso."

"Maliligo ka?" taka niyang tanong.

"Kasasabi ko lang diba, bingi kaba?" pabalang kong ani.

Hindi na siya sumagot pa at walang ano-anong lumabas ng kusina kaya naiwan akong nasa tsinelas parin ang tingin. Mukhang kailangan kong pigilan kung ano mang nararamdaman alam kong papausbong ngayon sakin. Hindi tama to at kailan man hinding-hindi nagiging tama.

Pag pasok ko ng kwarto agad kong hinubad ang damit at sinuot ang two piece na kulay pula, dark red siya kaya kahit papaano tumingkad ang kulay ng balat ko.

"Shit!"

Natawa ako ng makitang gulat si Brail habang sinusuri ako, hindi naman nakakabastos ang paraan ng pag titig niya kaya nagawa ko pang mag pose na parang model.

Naiinis siyang tumayo at pinahiran ang damit na nalagyan ng beer dahil natapon ito kanina. "Feeling sexy ka naman, para kang flywood!" pang iinsulto niya.

"Nahiya naman tong katawan ko diyan sa mga tambok mo! Feeling may abs ka din nuh?" bawi ko naman.

Nagulat ako ng bigla siyang mag hubad sa harap ko at ibandira ang walong abs niya. Tarantado, walang hiya talaga ang lalaking to kahit kailan.

"Whoa! May ganyan din si Third ko," kinikilig na tili ni Ella.

"What the fuck?! Put your fucking shirt!" galit na sigaw ni Kuya West.

Tinungga ko ang isang bote ng beer na hindi ko alam kung kanino, wala ng alam yung akin kaya nanguha nalang ako ng hindi akin at ininom basta-basta.

"Tara na kasi maligo na tayo," nguso kong aya kay Ella.

"Malamig nga kasi yung water!"

"Bahala ka diyan basta maliligo ako."

"Edi maligo ka wag mo na 'kong idamay," wika nito bago mahiga.

Feeling ko may tama na ko at ganon din si Ella dahil mas marami naman ang inom niya kaysa sakin. Hindi madumi ang sahig ng pool kaya pwede kahit mag pagulong-gulong ka, ang pinag-aalala ko lang baka mahulog si Ella pag makatulog.

Pero nandiyan naman sila Kuya West at Brail kaya wala na dapat akong ipag-alala. Lumayo ako ng kunti bago tumakbo at tumalon. Kasabay ng panginginig ko dahil sa hangin ang tili ko dahil sa lamig ng tubig. Siguro bad move ang maligo pag gabi, mas lalo lang ako inantok dahil sa lamig at gusto ko nalang mahiga at mag kumot bago matulog.

"Kingina!"

Isang mainit na bisig ang yumakap sakin mula sa likod walang damit pang taas ang taong nasalikod ko kaya damang-dama ko talaga ang init nito tapos saktong backless din ang two piece ko dahil connected lang siya sa gilid hindi sa likod.

Nakiliti ako ng hagurin nito ang tiyan ko pataas at pababa, hindi ko magawang mag reklamo dahil nagugustohan ng katawan ko ang init na hatid ng mga kamay niya.

"Baby," bulong nito.

"Hmm?"

"I'm horny," wika niya.

Natawa naman ako bago humarap at sinabi sa leeg niya ang dalawang braso ko, niyakap ko sa beywang niya ang mga paa at hiniga ang ulo sa balikat.

"Inaantok na ko Kuya."

"That fast?" nahihirapan niyang tanong. Tumango lang ako bago iangat ang ulo para ipakita sa kanya ang pagud at inaantok kong mga mata.

Binuha niya ko paalis sa pool, wala ng lakas ang katawan kong bumaba at kusang mag lakad dahil narin sa pagud ng katawan, pagud ng isip at kalasingan. Basta ang alam ko si kuya West ang huling kasama ko at nag palit ng damit ko bago ako tuloyang lamunin ng kadiliman.

Naramdaman ko pa ang pag lalim ng kabilang side ng kama dahil sa pag upo niya at hinihimas nito ang aking buhok habang kinakanta ang kantang pinag saluhan namin kanina.

"Cause little do you know i, i love you 'til the sun dies. I love you 'til the ocean dry."

Harsh Gentleman Series 2: His Sinful Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now