Prologue

4 0 0
                                        

Napagtanto ko nalang na nasa loob na ako ng art gallery. Agad napukaw ang atensyon ko sa isang painting na pamilyar sa akin. Saan ko nga ba nakita ito? Napaganda lang tignan. Talagang agaw atensyon. Maraming tao ang nakatayo at sinusuri ang obrang iyon. Hindi ko alam bakit ako napangiti. There's something in that painting.

Naglakad ako palapit upang mas makita ito ng klaro. Gustong gusto ng kamay kong hawakan iyon. Ano bang nangyayari sa akin? Oo, malapit ang puso ko when it comes to arts.

" Aniea Valerie! " Isang napalakas na tinig ang aking narinig mula sa likuran ko. Agad ko itong liningon. Sumilay ang ngiti sa labi ng babaeng tumawag sa akin.

" How are you, Navie? " Yayakapin niya sana ako pero umatras ako. Nawala ang kaninang ngiti niya. Hinawakan niya ang kamay ko. Hinaplos ang pisngi ko na siyang ikinagulat ko.

" Hindi mo parin kaya makipagyakap? Don't get me wrong." Ngumiti siya. Alam na agad ang inasta ko.

" Hari " Bulong ko pero alam kong dinig niya iyon. Naluluha siyang tumango.

" I really want to hug you right now " Pinagtitinginan na kami ng ibang tao roon. Umiiyak kasi ang isang to. I appreciate her. I've missed her so much.

Ngumiti ako sa kaniya. Ayaw ipakita Ang emosyong nabubuo sa akin. Niyakap ko siya. Nabigla siya sa ginawa ko pero agad nakabawi at ginantihan ang yakap ko.

" Oh, navie, kamusta kana?" Hinila ko siya magilid. Nakaka abala kasi kami sa ibang tao roon.

" I'm doing good. How are you?" Binitawan niya ang kamay ko. Ngumiti ulit sa akin.

" Okay lang ako. Kababalik ko lang dito. Alam mo bang sa kaniya ito?" Iginala niya ang paningin sa lugar. Para akong binuhusan ng mainit na tubig sa kaniyang sinabi. My eyes widened.

" I-Ito? " Nauutal kong sabi. Bumontong hininga siya. Hindi alam ano ang gagawin.

" Oo. Pasensya na nabigla ka. Okay kalang ba?" Nag alalang tanong niya. Malungkot akong ngumiti. Sa iyo pala to. Kaya pala dinala ako ng paa ko rito.

" Kaya pala... Kaya pala nang nakita ko ito, agad akong pumasok. Hindi ko alam ano ang meron at gusto kong tignan..." Yumuko ako. Pigil ang emosyon. Hinawakan niya ang kamay ko. Inaalo ako.

" I have something for you. Halika, lapitan natin ang babaeng iyon." Turo Niya sa babaeng nakatayo habang ngumingiting hinaharap ang dagat ng tao.

Nagpaubaya ako kay Hari. Heto na naman ang makiramdam na hindi ko alam ano. Nang malapit na kami sa babaeng iyon, agad niya kaming napansin. Parang nagulat ang babae pero agad naman itong ngumiti sa amin.

" Ma'am HariBati niya sa kaibigan ko. Lumingon siya sa akin. Lumapit siya at hinawakan ang aking kamay. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ako sanay sa ganito. Nanginginig kong dahan dahang binawi ang kamay ko sa kaniya. Tumango siya habang nakangiti sa inasta ko. Hula koy maintindihan niya.

" Totoo nga ang sinabi niya. Napakaganda mo talaga. Wala ngang kapantay. Napakaganda ng iyong asul na mata. Siya naba ito, Ma'am Hari?" Hindi mawala sa kaniyang labi ang ngiti. Naguguluhan akong lumingon sa kanilang dalawa. Anong ako? Litong lito ako.

" Siya nga. " Sagot no Hari sa babae. Tinaasan ko ng kilay ang kaibigan ko. Ngiti lang ang sinagot niya.

" Ang tagal kong hinantay na pumunta. " Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

" Ano bang ibig ninyong sabihin?" Lumapit ang babae sa akin. Pilit kong hinuhulaan ano ang ibig nilang sabihin.

" Maaari ba kitang mayakap?" Gulat akong nagtaas ng tingin sa babae.

" Bakit?" Hindi makapaniwalang tugon ko.

" Ito ang hiling niya sa akin kapag dumating ang magkakataong ito. Ang yakapin ka." Matamis siyang ngumiti. Naramdaman ko nalang ang yakap niya sa akin. Hindi mahigpit, hindi rin maluwag. Tama lang para sa akin. Papaanong wala akong naramdamang takot at pangamba sa yakap niya.

" Aniea Valerie Smir tama ba?" Kumalas siya sa akin. Walang emosyong tiningnan ko siya. Tumango ako sa kaniya.

" Napakaganda mo talaga. Hindi ko magawang alisin ang aking mata sa iyo. Para kang anghel sa aking harapan. Ang iyong mata ay kasing asul ng dagat, kasing ganda ng asul na bulaklak. " Hinaplos ang puso ko sa kaniyang sinabi. Pero naguguluhan ako. Bakit niya alam ang linyang iyan? Pano niya nalaman iyan? Saan? Bakit?

" Saan mo nakuha ang linyang iyan?" Tanong ko sa kaniya. Ang dami ng tanong sa aking isip ngayon. Hindi ko malaman ano ang nangyayari.

Nakatingin lang siya sa akin. Malungkot na yumoko. Para akong nakalutang sa ere sa Oras na ito.

" Sagutin mo ako." Nagmamakaawang sambit ko. Nagpipigil akong magpakita ng anumang lungkot sa kaniya.

Nilingon na ako. Nakangiti na siya ngayon pero bakas ang lungkog sa kaniyang mga mata.

" Sa kaniya." Agad nag uunahan ang luha kong tumulo. Hindi na napigilan ang sariling humikbi. Napakasakit naman ng naramdaman ko ngayon. Tuliro akong napahawak sa pader sa aking gilid. Agad nila akong hinawakan sa kamay.

" Navie...." Tawag sa akin ni Hari. Nanlabo ang paningin ko. Tinitigan ko ang aking kaibigan. Paano nangyari ito?






A/N: Pasensya na sa grammar at mali maling spelling. Thankiesss.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blaue BlumeWhere stories live. Discover now